Chapter Twenty-Six: Chase and Blush
Dalawang buwan ang nagdaan. Naging busy ako sa paghahanda at pagpre-prepara sa mga gagamitin ko sa mga klaseng tuturuan. I was hired at Beachwood's Primary School as a teacher in values education, last week. At sa susunod na linggo ang simula ko.
My phone vibrated, I saw it lit up due the message received. Inilapag ko muna ang folder na hawak ko at kinuha ang cellphone na nasa kama.
Ginger:
We're already here. We're excited to see you!
I checked the time, papalunch na rin.
Me:
Let's eat lunch together?
Ginger:
Of course! Pwede ngang sabay na rin tayong mag dinner sa bahay. James will be home early later.
Sa nagdaang mga buwan naging close na rin kami ni Ginger. Madalas ay siya ang kasama ni Zion pag gustong maligo ng bata sa dagat. At dahil malapit lang ang bahay namin sa dagat, parati nila akong tinatawag para maligo at sumabay sa kanila. Sometimes silang dalawa ni James pag hindi masyadong busy sa AAF. But last month ay umalis ng bansa sila at binisita si Tita Katherine. Kaya ngayon ay magkikita kaming muli dahil kakabalik lang nila kagabi.
Me:
Gusto ko sana pero may family dinner kami. Uuwi na rin ni Nay Carol galing sa hospital. I can't, Ginger. Maybe next time?
Ginger:
Oh. It's alright. Pakikumusta na lang ako kay Nanay. Anyway, hurry up! Kakatamad magtype. Let's talk in person!
Natawa ako sa reply nito. Oo nga naman, magkikita naman kami mamaya.
Me:
Ito na po, paalis na.
I immediately slide my phone to my hobo bag together with my wallet and whatnots.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at agad na pumanaog ng hagdan. I locked our doors dahil nasa hospital si Mommy at nagbabantay kay Nanay Carol while Daddy is at the city.
I went straight to our gate and approached the location of our old mailbox na hindi na ginagamit pero dahil sa nakalipas na dalawang buwan ay may matigas ang ulo at makulit na bwisit ang panay naghuhulog ng siit araw-araw, ay nagagamit na muli ito. I instantly smiled seeing a light brown, close to golden color of leaves attached to a thick and rounded twig. Sang bansa na naman kaya ito galing?
Nang nasa akin na ang siit ay binuksan ko na ang gate namin ng malaki saka mabilis ang bawat hakbang nang lumapit sa sasakyan at marahang inilapag ang siit sa may dashboard, sa mismong harap ko. Although our family have the capability to hire a guard but since there's no use of it because our town is a safe place. Only business establishments have security guards but most of the houses doesn't have one. Especially in our street.
I glanced at the twig in front of me before I started the ignition and drive.
Receiving a twig became a routine in my every day life. Kahit walang kalakip na note kung kanino galing at kahit di ko pa ulit siya nakikita magmula sa gabing hinatid niya ako—sigurado ako na siya ang may pakana ng everyday delivery ng mga siit. Sa unang beses ay pinalampas ko pero nang umabot ng linggo at araw-araw na may ganon, pumunta ako sa bahay nila rito sa Beachwood. Pero ang mga magulang niya lang ang naaabutan ko at madalang na kung umuwi si Tyler sa bahay nila dahil sa training nito.
Although naiilang sa masyadong mainit na pagtanggap ng mga Teroi sa akin, lalong-lalo na si Tita Magdalene, ang mommy ni Tyler, tuwing nagbabasakali akong makausap ang anak nila, ay tinitiis ko na lang para makumpronta si Tyler sa pambi-bwisit nito sa araw-araw na pagpapadala ng siit. Pero ang magaling na lalaki, tinataguan yata ako at di ko mahagilap kahit sa hospital kung san siya nag-residency. I even contacted Harold and even him! Pero seen lang ang natanggap ko nong one time na chinat ko siya. After those embarrassing attempts to latch on him, tumigil na ako at sinanay ang sarili sa mga siit. Hanggang sa, nasanay na nga ako.
BINABASA MO ANG
Tranquility In Havoc
RomanceONE OF 2021 WATTYS AWARDS SHORTLIST! Angelie Ascod is a lover of tranquility, her life is in a satisfactory with her constant companions; the blazing sun, touchy wind, rough sand, and the softie water. But someone blazed more than the sun, a touch t...
