Chapter Four

114 22 88
                                    

Chapter Four: The Monster Has A Name

After the encounter with the pervert stranger. Isang buwan akong hindi napadpad sa dalampasigan o sa gubat man lang. Kahit pa gustong-gusto kong makatapak sa mga tuyong mga dahon sa gubat at maramdaman muli ang kalayaang hatid ng dagat pero mas nanaig ang takot ko. Inaamin ko, natatakot ako na muli kong makita ang lalaki. What if the first encounter was just my lucky day kaya nakauwi pa ako ng ligtas? Pa'no kung sa susunod na pagkakataon ay lumulutang na ang bangkay ko sa dagat?

Pero siguro naman safe na ulit akong bumalik don? One month is already a torture! I guessed it's enough. And so...here I am again, climbing the steel ladder, holding tightly on the branch of the tree and exhaled the familiar scent of the forest. Gosh! It's been a while!

Nang makita ang kumikinang na dagat, ay tila paslit akong tumakbo at basta't iniwan ang tsinelas at diretso lusong sa tubig.

Free like a bird!

Maikot-ikot ako sa tubig na parang sawa dahil sa sobrang saya. Mahigit isang oras na ata akong nagtatampisaw pero di pa rin ako nakakaramdam ng konting pagod. Sumisid ako at nag-ala sirena sa paglangoy palapit sa pampang.

Pero agad nawala ang ngisi ko't pumutok na parang bula ang sayang naramdaman dahil sa lalaking masama ang tingin sa'kin na nakakrus ang mga braso sa dibdib.

He's here.

Hinanap ng mata ko ang kinaroroonan ng tsinelas ko. Napalunok ako. Kung bibilisan ko ang pagtakbo ay malaki ang tyansang makakauwi ako ng buhay.  Hindi ito gumalaw, kaya napagdesisyunan kong umahon at pupuntahan na sana ang tsinelas nang maunahan ako ng lalaki at walang pagdadalawang isip na hinagis ito sa malalim na parte ng dagat.

Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. "Ba't mo tinapon ang tsinelas ko?!" Nanggagalaiting sigaw ko.

I don't care anymore! I am so mad!

"Di ba sinabihan na kitang wag ka ng pupunta rito lalo na't mag-isa ka lang? Bobo ka ba?"

Pagak akong natawa. Baliw ba siya? Ba't ko naman siya susundin?!

"Ano ba'ng problema mo? Inaano ba kita? Mapahamak na kung mapapahawak, just freaking leave me alone!" Puputok na ata ang mga ugat ko sa katawan sa pagkakahigh-blood sa lalaking 'to. Pati siguro mga taba ko sa katawan ay kumukulo.

Di ito sumagot. Mas dumilim lang ang mga mata. Ang kapal! Siya pang galit?!

"Sino ka ba? Pagmamay-ari mo ba 'tong public beach na'to?" I sarcastically asked him while putting emphasis on the word 'public'.

"No."

Tumawa ako sa sagot niya. Pero mas lumamang ang inis. I brushed my wet hair in annoyance and face him again. "Yon naman pala! Kaya sino ka ba sa akala mo, ha?!"

Tila kalmado lang niya lang akong tinaasan ng kilay. Nakakainsulto!

"A concern citizen." Ani nito.

"Walang kwenta! A concern citizen? Pinapasuka mo ba ako?" Tumawa ako saka agad ring natigil at walang ganang tiningnan siya. "A concern citizen who threatened to rape me? A concern citizen who just threw my slippers? Wow, dude! That's bullshit!" Napapikit ako sa sobrang inis.

I'm sorry, Lord. I won't cussed again! Sobrang inis ko lang po talaga!

"Are you that dumb not to find the logic I'm warning you? Babae ka. Hindi ka dapat gumagalang mag-isa."

My irritation skyrocketed!

"Pero kung lalaki, pwede? Tanga ka ba? Twenty-first century na po! Equal rights!"

Tranquility In HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon