Chapter Six: The Visit
"Your father has an offer from AAF."
Pinisil ni Mommy ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. I could sense her uneasiness. Parang nagdadalawang-isip siya na buksan ang usapin tungkol dito. I squeezed her hand too para maiparating na nakikinig ako.
Bumuntong hininga si Mommy. "Pero di niya pa tinatanggap. Gusto niya munang sabihin ko sa'yo dahil kung tatanggapin niya ang offer, there's a chance na mananatili siya rito. But...he's willing to compromise, kung ayaw mo..." Mom weakly smiled at me.
I swallowed the lump in my throat. Maganda sa pakiramdam na bawat desisyon ng pamilya ay hinihingi ang opinyon ko. That's how they trust and love me...na madalas gagawa talaga sila ng paraan para yong kagustuhan ko ang mangyari. Pero napagtanto ko na, napakaselfish non. Spoiled ako masyado, hindi ko man iniisip dati kung gusto ba talaga nila ang gusto ko. Just like what happened ten years ago. Nagdemand akong umalis kami agad-agad pagkauwi ko ng bahay galing sa baybayin. They asked me pero iyak lang at pagwawala ang sinasagot ko. Sa gabi ring iyon ay umalis nga kaming lahat pasiyudad. Pero isang buwan lang si Nanay Carol at bumalik siya sa Beachwood pagkatapos para may magbantay sa bahay.
Those times, ang problema ko lang ang iniisip ko. Di ko man lang natanong ang mga magulang ko kung ayos lang ba sa kanila na sa siyudad na kami permanenteng tumira. I'm aware that Mom really love Beachwood, it's our hometown. Dad already established a name in engineering department. Tanyag na ang pangalan niya, marami ang kumukuha sa kaniya. Pero isang utos ko lang na umalis ay iniwan nila lahat.
I was hesitant at first month, kasi importante kay Daddy ang trabaho, tatlong project ang hina-handle niya sa mga oras na 'yon. Pero sabi niya kaya naman daw. That his job could be done virtually too, or with the help of technology and internet. Pero may mga kliyente siyang demanding. They want his personal supervision sa mga building na pinapagawa. Kaya pabalik-balik siya sa Beachwood tapos uuwi sa siyudad. It's stressing him, and I know pinoproblema rin ni Mommy ang kalusugan naman ni Daddy.
Dad is very dedicated to his job, he could sacrifice sleep and food to finished his works. Sa paglipas ng taon, naririnig ko na sila ni Mommy na nag-aaway sa tuwing akala nila ay tulog na ako. They tune down their voice but I could still hear them arguing. Masakit isipin at tanggapin na ako ang dahilan kaya nagkakaproblema ang mga magulang ko.
One time, I talked to my Mom to convince Dad to stay at Beachwood. Mas convenient at mas less stress kung andun siya since ang mga kliyente niya ay pawang mga taga-roon. Pero pinag-awayan nila ito. Dad doesn't want to leave us. He doesn't mind if he'll be stressed forever basta kasama niya kami. It's sweet, but it's not practical. From that day, I always cried up to my sleep because it's my fault but I can't go back to Beachwood.
Dahil sa katigasan ng ulo ni Daddy, nagsimula na siyang magkasakit. Noong una nakakaya naman sa over-the-counter na mga gamot. Pero grabe na pala ang iniinda ni Daddy na hindi niya pinapakita samin ni Mommy.
One morning, nagising ako na tahimik ang buong bahay. Walang ingay ng radyo na palaging pinapatugtog ni Mommy sa umaga, wala si Daddy sa usual na upuan niya. Nobody's home, except me. There are a lot of possibilities kung saan sila, but my gut feel and my rapid heartbeat that time is telling me that something was wrong. I tried dialing their phone number, pero nahanap ko ang parehong cellphone nila sa kanilang kwarto. I even dialled Nanay Carol na nasa Beachwood, to asked about my parents' whereabouts pero di niya alam.
I was about to go out and find them nang dumating si Mommy na namumugto ang mga mata. She told me what happened. Dad had a heart attacked. Madaling araw at tulog na kaming lahat but Mom was awoken by Dad's tight gripped on her hand. Kaya sinugod agad ni Mommy si Dad, without waking me up. They don't want me worry. And I felt so bad. Lahat ay kasalanan ko, ako ang ugat ng lahat. Thankfully, nakarecover si Daddy. But I couldn't risk another attack if his routine continues. Kaya kahit may takot pa ako. Naglakas loob akong humiling sa kanila. Nagsinungaling ako na gustong-gusto ko ng umuwi ng Beachwood. Pero hindi sila pumayag. They want me to finished my studies first, to take the board exam and then, maybe we could go back to Beachwood. Sa lahat ng bagay, kapakanan ko pa rin ang iniisip nila.
BINABASA MO ANG
Tranquility In Havoc
RomantikONE OF 2021 WATTYS AWARDS SHORTLIST! Angelie Ascod is a lover of tranquility, her life is in a satisfactory with her constant companions; the blazing sun, touchy wind, rough sand, and the softie water. But someone blazed more than the sun, a touch t...
