Chapter Nine: Meatballs And Awkwardness
Sa pagmulat ko ng mga mata'y napasinghap na ako sa nabungarang kulay melokoton na kisame. Last time I checked, my ceiling is white not peach. Kumurap-kurap pa ako at baka namamalikmata lang ako but nothing change, it is still peach. Umupo ako habang sinusuklay ang sariling buhok at pinalibot ang mga mata sa di pamilyar na kwarto. Ang mga dingding ay kulay cyan. Pastel colors.
In my right is the balcony kung saan makikita ang hanggang sahig na puting kurtina na siyang nagtatakip sa glass door. At dahil manipis ang kurtina, naaaninag ko ang sinag ng araw sa labas.
I shook my head and ransacked the memories I need to remember and James's face appeared. Napatakip ako sa sariling bibig dahil sa naalala.
I'm in his penthouse at AAF!
Marahas akong napatayo at umalis sa puting kama. Diretso ang mga paa ko sa pintong nakita at agad na binuksan at lumabas. Natigilan pa ako dahil sa katahimikang nabungaran. Para pa akong namaligno ng ilang minuto dahil sa magandang tanawin mula sa glass wall na nasa aking harapan. Pinilig ko ang ulo ko at pinasadahan ang leather na sofa at nang walang makitang tao ay inikot ko ang katawan para maghanap ng posibleng kinaroroonan ni James.
I don't have a choice but to find him. I want to be away from here. I badly want to go home.
"James?" Mahina ko pang sambit dahil naaasiwa akong tawagin ang pangalan niya.
Nakarating ako sa kusina at pinasadahan ito. Pero wala talagang tao. Though, I saw a food cover on the table and even smelled something saucy. Pero nilayuan ko ito at baka'y matukso akong usisain at kainin. I'm famished.
I went to the fridge and get some water.
Should I wait for James? Pa'no kaya kung dumiretso na ako paalis rito? But then I remembered what he said last night. Di ako papalabasin ng mga guards.
Nailapag ko ang basong hawak sa island counter at napahakbang pabalik sa may sala nang marinig ang mahinang pagtunog ng elevator. Napatigil agad ako nang magtama ang mata namin ni James na nakapamulsang kakalabas lang sa elevator. He's wearing a grey pants and a white v-neck shirt.
"Good afternoon, Angelie." Bati nito at humakbang palapit sa kinatatayuan ko.
Tinanghali na pala ako sa paggising, that explains the brightness of the sun from the glass wall.
Napalunok ako at sa carpet itinuon ang mga mata. "G-Gusto ko ng umuwi...samin."
I bit my lower lip hearing my gentle tone. Nakakaramdam pa rin ako ng utang na loob sa kaniya. Nakakakonsensiyang magtaray.
"Hm...alright. Follow me."
Napaangat ako ng tingin nang lumagpas ito sa'kin at lumiko sa pasilyo kung saan may dalawang kwarto, ang isa ay siyang kwartong pinagdalhan niya sakin kagabi.
"W-Wait, I said...I wanna go home." Naguguluhan kong sambit habang nakasunod pa rin sa likod niya.
Tumigil siya sa pinto ng pangalawang kwarto. He motioned his head at the door and then to me.
"Huh?" Wala akong nagets.
He clicked his tongue and cocked his head. "Change your clothes. You're wearing a nighties."
My jaw dropped and instantly looked down to my clothes. Nanlalaki ang mga mata kong makumpirma ang sinabi ni James. Without second thought, diretso akong pumasok sa kwarto at malakas na sinarado ito.
I could feel my face is burning.
"Stupid!" I slapped my forehead for being so forgetful. Naalala kong nanghiram ako ng damit sa walk-in closet na nandito sa kwarto. James suggested that I should change my gown last night para kumportable akong makatulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/219546237-288-k453707.jpg)
BINABASA MO ANG
Tranquility In Havoc
RomantizmONE OF 2021 WATTYS AWARDS SHORTLIST! Angelie Ascod is a lover of tranquility, her life is in a satisfactory with her constant companions; the blazing sun, touchy wind, rough sand, and the softie water. But someone blazed more than the sun, a touch t...