Uno

311 6 0
                                    

"Mira"
Arth_Paer

Chapter 1

*Kaira's POV*

They say people are born with beautiful faces. But there are also people who aren't just born with a beautiful face, but also born with a devil personality.

"Again, I am Kaira Aguas your school president, Signing Off!"- agad na nagsipalakpakan ang mga estudyanteng nasa aking harapan. Andito kasi ako ngayon sa stage at tinatalumpati ang aking pagre-resign bilang isang school president sa VERA UNIVERSITY DE ALONZO. I'm a graduating student na kaya ipinasa ko na ang posisyon ko sa taong willing na maging bagong school president na kagaya kong maganda at masipag.

And yes, I had to admit it, Ipinanganak akong maganda at mamamatay din akong maganda. Hindi naman sa pagmamayabang but I have lots of manliligaws na pero I'm not ready in a relationship pa. Kuntento na ako sa kung ano man ang meron ako at yun ay walang iba kung hindi ang mga kaibigan kong palaging sumusuporta sakin. They are also beautiful like me kaya walang kaduda-duda kung bakit ko sila naging kaibigan.

"Hey girl" this is Arshiya Salazar isang mayamang babae at isang fashionista. Kaya niyang bilhin lahat-lahat kung ano man ang kanyang gusto. Pati mga lalaki ay kaya niyang bilhin with just her money power. That's why girls out there, beware of Arshiya.

"Guys look, I just posted again in my instagram and nakaabot agad siya ng thousands of likes, like Omg!"- ito naman si Arianna Girodani isang social media influencer at walang ibang ginawa kung di mag selfie dito, selfie doon, post dito, post doon. Pero okay naman si Arianna, she's a loyal friend.

"Daddy, I told you na diba na may outing kaming magbarkada"- and this one? This is Madelyn Israel the daddy' s girl in the group. Kung may problema siya? Si daddy niya lahat ang gumagawa ng paraan lalo na pagdating sa money problems. Mayaman ang Israel Family, may sarili silang companya na pinapatakbo ng kanyang Mommy't Daddy.

"Girls, I just got this new Chanel bag. Binili ko to kahapon pa and it is so cheap" Lillian Alejandro the rich spoiled brat in our group. Medyo may pagka-attitude siya pero okay na din. Kaya lang ng powers namin.

"Kaira, what are we doing here pa ba?"- and last but not the least, meet my sister Zaira Aguas wala na akong masabi sa kanya pareho lang naman kami ng buhay kaya there's no need to explain na.

After graduation day ay agad kaming nagtungo dito sa boss cafe. This is our favorite tambayan kapag wala kaming pasok. Pinaplano namin ngayon kung saan kami magba-bakasyon before kami magkahiwa-hiwalay. Aalis kasi ang iba sa amin kapag nakahanap na sila ng mga professional Jobs. Nakakalungkot lang kasi kung iisipin mo yung pinagsamahan namin, elementary until college pero sa huli ay magkakahiwalay lang din pala kami. But we need to accept it, tsaka wala naman din kaming ibang choice kaya go na.

"So what's the plan ba talaga?"- panimula ni Arianna sa konbersasyon.

"Ayun na nga eh, Hindi pa tayo nakapag-isip ng maayos"- sagot naman ni Lillian

"What if mag island trip nalang kaya tayo? Hindi ba't masaya yun?"- suhestyon ni Madelyn sa usapan

"But island trip is so cheap and boring. Nakakasawa na kaya pumunta ng beach"- reklami namang si Lillian na katabi lang nito si Madelyn

"Shut up Lillian"- sabat ni Arshiya at inirapan ang kaibigan

"Guys omg!"- agad kaming napalingon sa nagsasalitang si Arianna habang nakatitig ito sa mobile phone na hawak

"Oh, ano na naman yang nakita mo?"- sarkastikong tanong ng kapatid ko

"I have a brilliant idea"- pa intense nitong sabi sa amin

"And what idea is it?"- taas kilay na tanong ni Lillian

"What if we go Mountain Climbing?"sagot nito at nginitian kami isa-isa

Agad kaming nagtinginan kung sang-ayon ba kaming lahat sa suhestiyon na ibinigay sa amin ni Arianna. Ilang segundo pa ang nakalipas at biglang binasag ni Madelyn ang katahimikan

"Well, Mountain Climbing is not boring"- pambasag nito sa katahimikan

"Right. In fact, Exciting din siya di ba?"- sang-ayon namang si Arshiya

"Okay. So, Are you in? or Out?"- tanong ni Arianna at tiningnan kami isa-isa

To be Continued.......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon