Tres

40 3 0
                                    

Chapter 2

*Sasha’s POV*

Today is the day na bibiyahe kami patungong Cebu! I’m so excited! Magkikita kami sa bahay nina Kitty dahil ang dalawang van nila ang sasakyan namin. Napakarich kid talaga ng Kitty na yan.

-Kitty’s Residence-
Nandito na ako sa bahay nina Kitty at grabe ang laki ng bahay nila. Parang haunted nga lang, dahil ang parents ni Kitty ay nasa ibang bansa at only child lang siya. Ang kasama lang niya sa bahay ay ang mga yaya niya.

By the way, nandito na pala ang mga sidekicks ko. “Hello Tiff and Brenda!”-sabi ko. “Hi Sash!”-sagot nila sa akin. “Are you excited?”-tanong ko sa kanila. “Of course!”- sigaw nila.
Habang nagkukwentuhan kami ay dumating na ang mortal enemy ko. Lumapit ako sa kanya at sinabing “What’s up Heidi!”.Lumingon naman siya. “Oh Sasha, andito kana pala.”-sabi niya. “Kanina pa!”-sagot ko.

“Listen everyone, pagkadating natin doon ay magready na kayo dahil marami akong hinandang mga aktibidad. So are you all ready?!”-sigaw ni ma’am. “Yes ma’am!”-sigaw naming lahat. “So let’s go!”-sigaw ulit ni ma’am.

So ayun, makalipas ang ilang minuto ay bumiyahe na rin kami.

*Heidi's POV*

Papunta na kaming Cebu at hindi parin mawala-wala sa isip ko ang sinabi ng matanda sa akin. Kaya ay binalewala ko nalang ito at nakipag-usap nalang ako kay Abigail. Ikinuwento ko kay Abigail ang lahat ng nangyari sa aking nung hapon na yun. “Alam mo bes, wag mo nalang isipin yan dahil hindi naman yan totoo, baka may sakit lang sa utak yung matandang yun. Matulog nalang tayo dahil malayo pa ang pupuntahan natin”-sabi ni Abigail sabay takip sa mata niya ng shades. “Oh sige na nga.”-sabi ko. Pero paidlip na sana ako nang nakita ko sa daan yung matandang babae na nakita ko noong isang araw. “Bes yung matanda!”-sigaw ko. Dali-dali namang hinubad ni Abigail ang shades niya at sinabing “Saan?”. Ituturo ko na sana sa kanya pero biglang nawala na naman ang matanda. “Nasan?”-tanong ulit ni Abigail. “Eh nasa daan lang yun kanina eh.”-sabi ko. “Alam mo, guniguni mo lang yan. Matulog kana lang ulit.”-sabi ni Abigail.

Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari, simula nung nakita ko ang matandang babae ay hindi na ako mapakali. Siguro may gusto siyang iparating sa akin. Pero bahala na nga. Matulog nalang ako.

-After many hours-
Nagising ako dahil sa lubak-lubak na daan. Kaya tinanong ko nalang si Kitty kung malapit naba kami, at sabi niya na ilang kilometro nalang at nandun na kami. Pero bigla kaming nahinto dahil nawalan raw kami ng gasoline. “Ano ba yan kuya, diba sabi ko sayo ifull tank mo?”-sabi ni Kitty sa driver nila. “Sorry po ma’am, nakalimutan ko.”-paliwanag ng driver. Bumaba nalang kaming lahat at pinuntahan yung isa pang van. Bumaba na rin sila para samahan kami. Medyo natakot kaming lahat dahil dumudilim na rin. “Students, wag kayong magpanic, maghahanap lang ng malapit na gas station yung mga driver at kailangang sumama ng isang van para mahila yung isang van. So ang gagawin natin ngayon ay maghanap tayo ng malapit na bahay para malilipasan natin ng gabi.”-pahayag ni ma’am Anna. “Okay ma’am”-sabi naming lahat.

****

Palakad-lakad lang kaming lahat hanggang sa “Ma’am may malaking bahay doon oh, baka pwede tayo dyan.”-sabi ni Kitty. Grabe talaga tong mga mata ni Kitty ang daling makakita.

So ayun, pinuntahan namin yung bahay at sobrang nakakatakot dahil parang walang tao. Kinatok namin yung pintuan at may lumabas na isang babae. “Magandang gabi po, galing po kami ng Dumaguete, sa San Carlos Academy, papunta po sana kami ng Perona’s Resort para mag farewell party pero naubusan po kami ng gasolina kaya pwede po bang dito muna kami magpapalipas ng gabi?”-paliwanag ni ma’am. “Ah ganun ba? Oh sige pasok kayo.”-sabi ng babae. “Ako nga pala si Lilian Perez.”-dagdag pa niya. “Ah ako naman po si Ms. Anna Fileo, teacher nila.”-sabi ni ma’am.

*Author’s POV*

Pumasok na sila sa loob at binigyan sila ng dalawang kwarto, isa sa mga babae at isa sa mga lalaki. Lumabas si Heidi ng kwarto para magpahangin sa labas. Lumingon-lingon siya sa paligid at may bigla siyang nakitang babae at lalaki na nag-uusap. Nilapitan niya ito ngunit tumakbo naman ang dalawa. Hinabol niya ang mga ito ngunit hindi niya ito naabutan. Hanggang sa “Anong ginagawa mo dito? Gabi na, matulog ka na.”-sabi bigla ni Lilian at nagulat naman si Heidi. “Ahhh!!!”-sigaw nito. “Ah may nakita po kasi akong dalawang tao nan nag-uusap.”-dagdag pa nito. “Ah baka mga anak ko lang iyon. Sige matulog kana”-sabi ni Lilian. “Ah sige po.”-sabi ni Heidi. Habang lumalakad sina Lilian at Heidi patungong kwarto ay naitanong ni Heidi kay Lilian ang mga pangalan ng kanyang mga anak. Ito ay sina Althea at Jericho Perez.

*Heidi’s POV*

-Sa kwarto-

“Salamat po sa paghatid ninyo.”-pasasalamat ko kay ma’am Lilian. “Sige matulog na kayo.”-sagot ni Lilian. Papunta na ako sa higaan ko nang napansin kong wala si Kitty sa loob. “Abi?”-tanong ko kay Abigail. “Bakit bes?”-sagot niya. “Nasaan nga pala si Kitty?”-tanong ko.

To Be Continued.......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon