Uno

46 5 0
                                    

Chapter 6

Taon noong 1893, may isang babae na nagngangalang Mira Delo Santos. Isang napakagandang babae sa lugar ng Sitio Emeraldo. Maraming manliligaw si Mira kaya kinaiinggitan siya ng mga babae sa kanilang lugar. Sa kayrami niyang manliligaw ay isa lang ang kanyang tunay na inibig. Ito ay si Anghelo Alenno, isang mayamang lalaki sa kanilang lugar.

Isang araw nung pumasok sa skwela si Mira, Siya'y masayang-masaya dahil sinagot na nito ang manliligaw na si Anghelo. Pero sa labis nitong kasiyahan ay siya namang hatid nitong kasamaan.

Sa pagtapos ng kanilang klase ay sinundo siya ng kanyang ama. Naging masaya na naman si Mira dahil binigyan siya ng bulaklak at mga tsokolate ng kasintahang si Anghelo. Sa kalagitnaan ng kanilang biyahe pauwi ay biglang nawalan ng preno ang kanilang sinasakyan. Sila'y nabangga sa isang puno at di inaasahan na ito'y mangyayari. Pero mabait ang panginoon at binigyan pa nito ng pangalawang buhay si Mira. Pero sawi parin siya dahil kinuha na nito ang kanyang ama.

Ilang linggo ang makalipas at hindi matanggap ni Mira ang nangyari sa kanila ng kanyang ama at ang mas masaklap pa nito ay nasira ang kanyang mukha. Napuno ito ng sugat at nasunog. Ang mala-anghel na mukha ni Mira ay napalitan ng kakilakilabot na kakatakutan ng lahat. Pero hindi nawalan ng pag-asa si Mira dahil alam niya sa kanyang sarili na may magmamahal pa sa kanya kahit ganyan ang kaniyang itsura at iyon ay ang kanyang kasintahang si Anghelo.

Isang araw nang umalis si Mira sa kanilang tahanan upang makita ang kasintahang si Anghelo. Sabik na sabik makita ni Mira ang kasintahan kaya sa sobrang kasabikan nito ay di niya inakalang pait at sakit pala ang mararamdaman niya.

Si Anghelo, may kahalikang babae.

Nagsimulang umiyak si Mira, umagos ang kanyang luha sa sugat at sunog nitong mukha. Sinugod nito ang kasintahan at ang babaeng kahalikan ni Anghelo. Nagwala ng nagwala si Mira. Sigaw siya ng sigaw kahit wala itong pakialam kung may makarinig man sa kanila. Ilang saglit pa at pinigilan na siya ni Anghelo. Isang pangungusap ang narinig nito mula sa kasintahan. Pangungusap na hinding-hindi niya makakalimutan kailanman.

"Hindi kita kasintahan, at hinding-hindi kita magiging kasintahan kailanman. Ang pangit mo!"

Umuwi si Mira ng sawi sa pag-ibig. Paulit-ulit bumabalik sa kanyang isipan ang sinabi sa kanya ni Anghelo habang ito'y nakaharap sa salamin at hinahaplos ang sugat at sunog nitong mukha.

"Hindi kita kasintahan, at hinding-hindi kita magiging kasintahan kailanman. Ang pangit mo!"

"Hindi kita kasintahan, at hinding-hindi kita magiging kasintahan kailanman. Ang pangit mo!"

"Hindi kita kasintahan, at hinding-hindi kita magiging kasintahan kailanman. Ang pangit mo!"

Patuloy na umaagos ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi nito matanggap na itinaboy siya ng kasintahang si Anghelo. Sa lungkot na nararamdaman ni Mira ay bigla itong napalitan ng galit at poot. Nananaliksik ang mga mata ni Mira sa galit habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Ilang sandali pa at kumuha siya ng matigas na bagay mula sa kanyang drawer. Itinapon niya ito sa salamin dahilan para ito'y mabasag at malaglag ang mga bubog nito sa sahig.

Galit na galit si Mira at di na niya makontrol ang sarili. Kumuha siya ng bubog at sinimulan itong kainin. Nginuya-nguya niya ito hanggang sa dumugo ang baba nito. Walang sakit na nararamdaman si Mira. Nguya lang siya ng nguya at tila masaya pa ito na parang nababaliw na. Halos mabutas na ang magkabila niyang pisngi at mabasag ang kanyang mga ngipin, pero patuloy parin siya sa pag-nguya.

Sumumpa si Mira. Sumpang kanyang pinangakuan at binalikan bago siya mawala.

"SINUSUMPA KO, LAHAT NG MGA BABAE AY MAGDURUSA! PAPATAYIN KO LAHAT NG MGA BABAE SA MUNDO! BABALIKAN KO KAYO! BABALIK AKO!"

at yun ang mga huling sinabi ni Mira bago siya mawalan ng buhay.

To be Continued.......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon