Uno

43 4 0
                                    

Chapter 7

*Kaira's POV*

Hindi ako makapaniwala sa aking mga nabasa. Ang kwento ni Mira.

Ilang sandali pa at umihip ang napakalakas na hangin dito sa silid.

"K-kaira!"

Napalingon ako sa sumigaw na si Arshiya. Laking gulat ko nang sakal-sakal na siya ni Mira.

"Mira bitawan mo kaibigan ko!"- sigaw ko pero patuloy niya paring sinasakal si Arshiya.

Halos di na ito makahinga dahil sa higpit ng pagkakasakal nito sa babae.

"Mira tumigil kana! Patahimikin mo na kami!"- sigaw ko ulit ng halos ako'y mapaos na.

"ARRRRGGGHH!!!!"

isang napakatulin at napakalakas na sigaw na naman ang kumawala sa bibig ni Mira.

Tumilapon si Arshiya sa pader kaya agad ako siyang nilapitan.

"Arshiya, hali kana. Tumakas na tayo!"

Itinayo ko siya ng dahan-dahan at hindi pa man kami nakakalakad ay agad na kaming hinarangan ni Mira.

"Please, Maawa ka. Pakawalan mo na kami"- pagmamakawa ko ng ako'y naluha na.

Ilang sandali pa at unti-unti na kaming lumutang sa ere habang kami ay sinasakal niya. Humigpit ng humigpit ang pagkakasakal niya mula sa amin. Halos di na ako makahinga. Ito na yata ang katapusan ko.

"Mira itigil mo yan!"

Nagulat kami sa taong sumingit mula sa likod ni Mira. Agad niya kaming binitawan at kami ay nalaglag sa sahig. Dahan-dahang humarap si Mira sa taong sumingit kanina.

"Arianna?"- mahinang tugon ko.

"Arshiya buhay si Arianna"- sabi ko sa kanya at ako'y nagkaroon ng pag-asa na kami ay maligtas pa.

"Alam ko na ang kwento mo Mira. Kung galit ka sa babaeng nang-agaw kay Anghelo ay wag mo kaming idamay!"- sigaw ni Arianna na puno ito ng galit.

Habang tinitingnan ko si Arianna ay nagulat ako ng nagbago ang kanyang mukha. Napuno ito ng sugat at sunog sa mukha. Kita ko naman na bumalik sa dati nitong anyo si Mira. Bumalik ito sa mala-anghel nitong mukha.

"Mira alam kong masakit ang napagdaanan mo pero kailangan mong tanggapin Mira. Kailangan mong tanggapin na hindi talaga para sayo si Anghelo"- mahinahong tugon ni Arianna kay Mira.

"Nang dahil sa inyong mga babae ay hiniwalayan ako ni Anghelo! Kaya dapat lang ay magdusa kayo!"- sabi ni Mira na tila ang boses nito ay nasa kailaliman pa ng lupa.

"Hindi na namin kailangang magdusa, Dahil papatahimikin ka na namin"

Biglang may hinablot si Arianna na isang bagay na galing sa kanyang likoran.

Teka, Ang libro sa kwento ni Mira.

"San mo nakuha yan?! Ibalik mo sakin yan!"- sigaw ni Mira.

"Wag nang madaming tanong pa Mira, Kailangan mo nang matahimik"

Kumuha ng lighter si Arianna at akmang susunugin na nito ang libro pero agad siyang naunahan ni Mira.

Nagwala si Mira at sumigaw ng napakalakas at napakatulin. Tumilapon ang libro at napadpad ito kung saan kami nakahandusay ni Arshiya.

"Kaira, Arshiya! Dalhin niyo ang libro. Sunugin niyo ang libro!"- sigaw sa amin ni Arianna.

Nagmadali kaming tumayo ni Arshiya pero agad kaming naharangan ni Mira. Tinitigan niya kami ni Arshiya isa-isa. Hindi kami makagalaw dahil sa takot.

Mula sa mala-anghel nitong mukha ay biglang nagbago na naman ang anyo nito. Naging anyong demonyo.

"Tumakbo na kayo!"

Nahimas-masan kami sa sigaw ni Arianna. Agad naman kaming tumakbo pero biglaang nahablot ni Mira si Arshiya.

"Arshiya!"- sigaw ko at natigil ako sa pagtakbo.

"Umalis kana kaira! Umalis na kayo ni Arianna! Sunugin niyo na ang libro"- tugon nito sa amin.

Walang pagda-dalawang isip na dinukot ni Mira ang mukha ni Arshiya kaya dumanak ang napakaraming dugo nito sa sahig.

Hindi ako makagalaw dahil sa aking mga nakita. Si Arshiya, wala na rin siya.

"Umalis na tayo dali!"

Agad akong hinatak ni Arianna palabas. Takbo kami ng takbo habang hawak-hawak ko ang libro. Di ko alam kung saan kami papunta pero bahala na. Ang importante ay yung maka-alis kami sa demonyong lugar na to.

To be Continued........

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon