Chapter 5
*Heidi’s POV*
Sinundan ko si Ma’am ngunit hindi ko na siya naabutan. Napahinto ako at biglang dumating si Abigail.
Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Nasaan na kaya ang pamilya na may-ari ng bahay na ito?
Sa gitna ng aking pag-iisip ay naalala ko bigla ang sinabi ng matandang babae sa akin.
-Flashback-
“Huwag kang sasama! Nanganganib ang buhay mo! Kukunin ka lang nila! Hindi sila matahimik!”
-End of Flashback-
“Nagkatotoo ang sinabi ng matanda!”-gulat na sabi ko.
“OMG! Oo nga bes!”-sabi naman ni Abigail na sobra na ang takot.Naalala ko rin ang mga narinig ko sa sala.
-Flashback-
“Siya na ba talaga?”
“Nasa kanya ba?”
“Oo, sigurado ako.”-End of Flashback-
“OMG! Ako pala ang tinutukoy ng pamilya Perez!”-sigaw ko.
“Ano bang sinasabi mo bes?”-tanong ni Abigail.
“Basta mahabang kuwento, kailangan na nating umalis dito, may sa demonyo ang pamilyang nakatira dito.”-sabi ko kaagad. At tumakbo na rin kaming dalawa, ngunit bago pa kami makalabas ay,“Teka, nasaan ni Kitty?”-tanong bigla ni Abigail.
“Oo nga no. Kasama lang natin siya kanina ah.”-sabi ko. Sobra na kaming natakot dahil si Kitty at si Ma’am Anna ay nawawala na.
“Kailangan natin silang balikan.”-pag-aalala ko. At yun nga ay hindi natuloy ang paglabas namin dahil gusto naming mailabas din si Kitty at si Ma’am Anna.*Sasha’s POV*
“Omg! Ang tagal na nila sa loob. Ano na kayang nangyari sa kanila?”-pag-aalala ni Sasha.
“Tumawag ka na ng Pulis at Ambulansiya.”-sabi ng isa kong kaklase.
“Oo nga, teka lang.”-sabi ko sabay kuha sa cellphone ko. Tatawag na sana ako ngunit wala naman palang signal.
“Sh*t! walang signal!”-sigaw ko sabay hagis sa phone ko.
“Mabuti pa sundan na natin sila sa loob para malaman natin kung ano nang nagyari sa kanila.”-sabi ni Tiffany.
“Oo nga.”- sambat ni Brenda. At ayun nga sumusunod na kami sa loob.Hindi kona alam yung mga nangyayari sa amin. This is so scary.
*Heidi’s POV*
Pumunta kami sa sala dahil baka ay bumalik si ma’am Anna doon. Ngunit pagkadating namin doon ay may nakita kaming apat na taong lumilipad. Wala silang mga mukha kaya hindi mo makilala kong sino talaga sila. At hindi lang sila ang nakita namin kundi ay hawak pala nila ang putol na ulo ni Ma’am Anna.
“AAAHHHHH!!!”-sigaw ni Abigail habang ako ay nakatulala lang. Halatang sobrang takot na kami ni Abigail. Hanggang sa may kumalabit sa akin. Pagtingin ko sa likod ay sina Sasha lang pala at ang mga kaklase namin.
“Kayo lang pala Sasha.”-gulat kong sabi. Lumingon si Sasha sa itaas at,
“AHHHHHH!!!”-sigaw ni Sasha nang makita niya ang apat na taong walang mukha at ang pugot na ulo ni ma’am Anna.
“Sino sila?”-bulong na dagdag ni Sasha. Halatang kaming lahat ay takot na takot na.Hanggang sa ay bumaba ang isa sa apat na lumilipad at nag-iba ng anyo. Nagulat kaming lahat sa aming nakita.
“KITTY?!”-sigaw ko.
To Be Continued.......

BINABASA MO ANG
UNO DOS TRES
Mystery / ThrillerLife is a Mystery to be lived and not a problem to be solved. A three story in one book.