Chapter 4
*Zaphira's POV*
It's been 5 days simula nung namatay si Zaphy at misteryo parin sa amin ang pagkamatay nito
Nasa hapagkainan ako ngayon kasama sina mommy, daddy at ate
"Hey, Zaph okay ka na ba?" pangangamusta ni Ate Arianna sakin nginitian ko naman siya at tinanguan
"Good to hear"
Pagkatapos namin kumain ay napagpasyaan naming manood ng movies sa sala ni Ate Arriana.
"Zaph, kumuha ka muna ng pagkain dun sa kusina at pakikuha nadin yung Jacket ko sa kwarto, please?" tinawanan ko naman siya ng mahina at tumayo para pumunta sa kusina
Pag punta ko sa kusina ay agad Kong nakita si Yaya Aurelia na naghuhugas ng plato.
"Yaya!" pangugulat ko sa kanya
"Ay jusmeyo marimar kang bata ka!" natawa naman ako sa hitsura niya
"Ikaw talaga!" sabi niya at pinalo ako ng mahina agad ko naman siyang niyakap
"Sorry po yaya"
"O sige na sige na, pumunta ka na dun" pagtataboy niya sakin kaya umalis na ako.
Pagkatapos nun, pumunta naman ako agad sa kwarto ni Ate para kunin ang hoody niya at kumuha narin ako ng akin.
Pagkakuha ko ng hoodies ay bigla akong kinilabutan ngunit Binalewala ko lang ito. Baka sa aircon lang.
Sinuot ko ang hoodies ng may mahagip ang mata ko ang pigura ng isang babae, kaya agad Kong nilingon ito.
Wala naman...
"Ah baka namamalikmata lang ako" Tugon ko sa aking sarili
Inayusan ko muna ang sarili ko bago bumaba patungong sala nahagip naman ng mata ko ang malaking orasan
"Alas tres na pala"
Pumanaog naman ako at pumunta na sa sala at nung nakarating ako inilapag ko na ang mga pagkain sa mesa at nagsimula na kaming manood ng movie
"Hey Zaph, kuha lang ako saglit ng tubig" pamamaalam ni Ate at tinanguan ko naman siya Habang ang atensyon ko ay nasa TV parin.
"Aaaaaah! Zaph! Come here! Tulong!" bigla naman akong nataranta ng marinig ang tinig ni Ate kaya agad ko siyang pinuntahan at halos mangisay ako sa takot ng makita ang katawan ni Yaya Aurelia na duguan at wala ng buhay
"F-F*ck" I uttered while tears began to flow on my cheeks
"H-Hindi na maganda to Zaph, nung una pusa pa, pero e-eto, tao na to Zaph, t-tao na" sabi niya Habang humihikbi
"C-Call Dad" I said between my sobs
Yaya Aurelia, sinong gumawa sayo nito?
"O-Okay" sabi niya at nagsimula ng tawagin sina Mom and Dad
Ilang segundo ang nakalipas ay nandito na agad sila, napahagulhol naman si Mommy ng iyak Habang si Daddy naman ay akay akay si Mommy sa likuran
"D-Dad, what should we do?" I asked
"We Will keep this as a secret" nagulat naman ako sa tinuran niya
What? Keep it as a secret?! Is He crazy?
"But Dad, magtataka ang pamilya ni Yaya na hindi na siya umuuwi tuwing dayoffs and holidays and walang sekretong Di mabubunyag" I said
"We will pay her family to shut them, end of conversation" sabi niya at umalis para may tawagan at pagkailang minuto may biglang dumating na mga tao
"Asan na ang patay?" tanong nito at itinuro naman ni Daddy ang kusina at nilinis nila ito at umalis na parang walang nangyari.
Ang kapangyarihan ng pera talaga. So powerful, yet so devil.
"Yaya, Kung san na po kayo, sana po maging masaya kayo"
I said and sighNapasyaan ko nalang umakyat sa kwarto at matulog. Habang paakyat na ako sa kwarto may biglang nahagip na naman ang mata ko na pigura ng isang babae, pero pag tingin ko dito ay wala naman akong nakita.
Weird.To Be Continued......

BINABASA MO ANG
UNO DOS TRES
Mystery / ThrillerLife is a Mystery to be lived and not a problem to be solved. A three story in one book.