Uno

108 4 0
                                    

Chapter 2

*Kaira's POV*

And it happened. Pumayag kaming lahat sa suhestiyon ni Arianna. We go Mountain Climbing and inenjoy ang last moment namin bago kami magkahiwa-hiwalay. But I was not expecting that mangyayari samin toh.

"Where are we?"- arteng tanong ni Lillian ng makababa kami sa Mini Van.

"This is the place"- sagot naman ni Arianna at nagta-track ito ng signal sa phone niya.

"The place that we are going to Mountain Climbing?"- sunod tanong namang si Madelyn.

"Yup. Teka, bat ba ang dami niyong arte? Let's just enjoy this one. Come on guys!"- pangche-cheer up samin ni Arianna nang paunti-unti na kaming nawawalan ng gana

Haiissst, hayaan mo siyang mag moderate samin. Siya naman nakaisip ng planong ito kaya panindigan niya. Tsaka wala naman kaming ibang choice.

Kinuha na namin ang aming mga gamit sa van para gagamitin mamaya sa Mountain Climbing. Nang kami ay makahanda na ay di hamak na biglang umulan ng malakas dahilan para kami'y magmadaling pumasok ulit sa loob ng Van.

"Ang malas naman oh, nakakainis! Umulan pa"- inis na sabi ni Arianna na nasa driver's seat.

"Buti na nga lang at umulan noh, Cause to be honest? Ayoko naman talaga sumama sa lakad na ito. It's so boring"- agad kaming nagulat sa mga binitawang salita ni Lillian.

Oo at bitchy magsalita si Lillian pero ngayon lang namin siya marinig magsalita ng ganyan.

"Lillian stop it"- awat ni Zaira.

"No! Totoo naman ah"- at inirapan pa si Arianna.

"Lillian what's the matter? Ang sakit mo magsalita ah! Bakit? Pumayag ka naman sa planong to ah! Maka-asta ka akala mo kung sino ka"- nanggagalaiting sabi ni Arianna, yung tipong halos mamula nalang ang mga mata nito dahil sa galit.

"Guys stop this non-sense! Ang mabuti pa ay umuwi nalang tayo okay? Walang patutunguhan tong gala na to. Let's just go home, Arianna start driving"- awat ko sa away na naganap dito sa loob ng van.

Dahil sa lakas ng ulan ay wala kaming nagawa kaya napag-desisyunan nalang naming umuwi. Ilang oras ang makalipas ay malakas parin ang ulan sa labas. Halos di na nga namin makita ang daan dahil sa lakas ng ulan at nakikita kong nahihirapan si Arianna sa pagmamaneho.

"Arianna, kung tinatamad ka nang mag drive ay pwede muna tayong huminto saglit. Lumalakas na kasi masyado ang ulan baka ano pa mangyari satin"- sabi ko sa kanya habang akoy nakaupo sa likoran. Lumingon muna siya sa akin bago ito magsalita.

"Hindi okay lang at tsaka------"

"ARIANNA!"- nagulat kami sa sumigaw na si Arshiya.

Agad na napalingon si Arianna sa daan at di hamak ay may nakita kaming isang itim na babae na humarang sa kalsada. Dahil sa pagkabigla ni Arianna ay nawalan siya ng kontrol kaya agad kaming bumangga sa poste.

********************

Minsan sa buhay may mga tao talagang ma swerte at tsaka siyempre kung may mga taong maswerte ay may mga tao din namang malas. We can't just say it. Kusa nalang itong dumadating sa buhay natin. We can't even tell. Kagaya namin, sa sitwasyon namin ngayon, We are trapped between lucky and unlucky. Kung mabubuhay ba kami or hindi.

"Kaira, Kaira wake up!"

Agad kong minulat ang aking mga mata ng dahan-dahan. Nang maaninag ko si Madelyn sa aking harapan.

"Asan tayo?"- tanong ko sa kanila.

Kitang-kita ko sa mga bakas ng kanilang mukha ang pagkagulat at takot. Nilibot ko ang aking tingin sa loob ng silid. Nasa isang kwarto kami na puno ng mga ancient designs na mga gamit katulad ng aparador, lamesa at maging ang kama. Yung tipong iginawa pa ito sa panahon ng mga kastila. Madilim ang kwarto at tila mga kandila lang ang nagsisilbing gabay namin para kami ay magkaroon ng liwanag.

Ni isa ay walang nakapagsalita sa amin. Gulat na gulat ang lahat at di makapaniwala kung paano kami napunta sa lugar na to. Tiningnan ko ang aking mga kaibigan ng mapansin kong kulang kami. Sino yung wala?

"Guys, Nasan si Arianna? Wala siya rito"- agad kaming napalingon sa nagsasalitang si Arshiya. Tama, si Arianna nga ang kulang.

"Kailangan natin siyang mahanap" sabi naman ni Madelyn.

"Seriously? How do we even supposed to find her? ni hindi nga natin alam kung nasaan tayo at kung anong lugar to"- panay reklamo namang si Lillian.

Here we go again, Bago paman magkagulo ay agad akong sumabat sa usapan.

"There is one way to find out"- agad akong tumayo at tinungo ang pintuan.

"Hey, what are you doing?"- kabang tanong ng kapatid ko.

Hindi na ako sumagot at kusa kong binuksan ang pinto at agad naman itong nagbukas.

"Maghahanap tayo ng daan palabas"- sabi ko sa kanila.

"What? Pano pag may mangyari sating masama? What if my monster pala diyan sa labas na nakaabang?"- takot na takot na si Madelyn.

"Eh ano gusto mo? Manatili nalang tayo dito hanggang sa tayo'y mabulok?"- sarkastikong sabi ko.

"Guys, we don't have a choice. Sundin nalang natin si Kaira"- sabat ni Arshiya sabay tayo.

Sumunod naman ang iba at isa-isa silang lumapit sakin kung san ako nakatayo

To Be Continued........

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon