Uno

91 4 0
                                    

Chapter 3

*Kaira's POV*

Dahan-dahan kaming lumabas ng silid at nilibot ang aming mga tingin sa paligid. Sa pagkaka-alam ko ay nasa isang mansyon kami ngayon. Isang napakalaki at lumang mansyon. Makikita mo sa itsura nito at sa kalumaan. Dahan-dahan kaming naglakad para di kami makagawa ng ingay. Sa di kalayuang lugar ay may napansin kaming isang silid na nakabukas ang pinto. Agad kaming napahinto at pinagmasdan ang kaisa-isang bagay na nasa loob ng silid. Ang salamin. Isang malaking lumang salamin na nakadikit sa pader.

"What's that?"- tanong ni Arshiya sa mahinang boses.

"Ssshhh"- agad ko siyang sinenyasan na tumahimik.

Pinagmasdan namin ng maigi ang salamin. Ilang sandali pa at laking gulat naming may isang babae ang lumabas galing doon. Isang magandang babae at mala-anghel na mukha. Sinusuklayan pa nito ang kanyang mahahabang itim na buhok at nakasuot rin ito ng itim na bistida na abot hanggang paa.

Lahat kami ay nagulat sa nangyari at ni isa ay walang kumibo. Nang biglang itinulak ako ni Lillian patagilid at kusa itong pumasok sa silid.

"Lillian"- awat ko sa kanya pero di niya ako pinakinggan.

"Hey you, bitch girl! Who are you?! Bakit kami andito?! Bakit mo kami dinala dito?! Sino ka ba?! Paalisin ko kami dito, Palabasin mo kami!"- nagulat ako sa ginawa ni Lillian.

Pinagmasdan lang namin ng maigi ang babae. Patuloy lang ito sa pagsuklay ng kanyang mahabang buhok. Hanggang sa napahinto nalang ito bigla. Tumayo ito at hinarap si Lillian. Natatakot ako, baka kung anong gawin niya kay Lillian. Tinitigan niya lang si Lillian in a creepy way. Nakakakilabot siya.

Sa ilang segundo niyang pagtitig kay Lillian ay nagulat kami ng bigla siyang sumigaw ng napakatulin. Ang sakit sa tenga! Ang lakas.

"ARRRGGGHHHH!!!!"

Ilang segundo din at tumigil na siya sa kanyang pag-hiyaw. Pero ang mas ikinagulat namin ay bigla siyang nag-bagong anyo. Naging panget siya at parang naa-agnas ang kanyang mukha.

"Lillian!"- papasok na sana ng silid si Arshiya pero agad ko siyang hinawakan at inilayo. Nagulat kami ng biglang sinakal ng babae si Lillian. Yung tipong nakalutang na siya sa ere. Unti-unti nang namumutla si Lillian. Wala kaming nagawa kundi ang pagmasdan siya. Ni hindi nga kami makakilos dahil sa gulat.

Ilang segundo pa ay dahan-dahan ng lumalabas ang dugo ni Lillian sa bibig nito. Pero ang mas na ikinagulat namin? Ay yung dinukotan siya ng mukha. Yung tipong nabutas ang kanyang mukha at dinukot lahat-lahat. Wala na kaming ibang choice kung di ang gawin to.

"Takbo"- mahinang sabi ko sa kanila.

Agad kaming nagsitakbuhan at di alam kung saan kami papunta. Takbo lang kami ng takbo. Hindi na namin alam kung nakasunod pa ba yung babae sa amin o wala na. Hinihingal na ako pero di kami pwedeng huminto. Takbo parin kami ng takbo hanggang sa may silid akong nakita.

Agad akong pumasok doon at sumunod naman ang mga kasamahan ko. Pagkapasok namin ay isinara ko kaagad ang pinto sabay lock.

"What was that?!"- kinakabahang tanong ni Madelyn habang hinahabol nito ang pag-hinga.

"I don't know!"- sagot ko naman habang nakasandal ako sa pintoan.

"What are we going to do now?! Mamamatay naba tayo?"- di mapakaling tanong ni Arshiya.

"Don't overthink it Arshiya. Mabubuhay tayo. We just need to find a way out"- sagot ko.

"Mabubuhay?! Sa lagay natin ngayon? Masasabi mo pang mabubuhay tayo?! Just look what that girl did to Lillian, Dinukotan niya ng mukha ang kaibigan natin. Halos nabutas na ang ulo nito! Tapos you're going to say na mabubuhay tayo? Fuck this life!"- galit na galit na si Madelyn.

"Guys, we're not helping each other. Kung gusto niyong mabuhay ay magtulungan tayo. It's the only way to keep us alive. So please, stop fighting"- awat sa amin ng kapatid ko.

Natigilan agad kami at nagtinginan sa isa't-isa

To Be Continued.......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon