Dos

24 3 0
                                    

Chapter 7

*Kaira's POV*

Iyak lang ako ng iyak mag hapon, everything feels devastated every seconds.

I can't believe it, I can't believe that Daddy is gone.

Mugtong mugto na ang mga mata ko ngunit hindi ko Parin matigil ang mga luhang umaagos dito.

Sana pala hindi ko nalang siya Iniwan kagabi

Sana pala hindi ko siya ginalit Kung yun nalang naman pala ang huling pag uusap namin sana sinulit ko na.

D-Daddy...

Humagulhol ako ng iyak ng may biglang kumatok sa pinto

"S-Sino yan?"

"M-Mom?" tanong ko pero katok lang siya ng katok at pagkatapos ng ilang minuto tumigil na siya kaya napagpasyaan ko ng buksan at wala akong nakitang tao

Ay baka umalis na...

Nung akma ko nang sisirhan ang pintuan ay may nahagip  ang mata ko na isang piraso ng papel na nasa sahig kaya pinulot ko ito at binasa

'Please be okay'

Yan ang nakasulat sa papel,naguluhan naman ako pero napangiti din Di kalaunan.

Hay Ate Arianna, love na love mo talaga ako

Isinarado ko na ito at napagdesisyunan na sulatan din si Ate Arianna.

Pagkatapos Kung sumulat ay agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya at binigay ang sulat.

Pero nagtaka naman ako kasi pagkatapos niyang Basahin ay napakunot noo siya.

"Para saan to?"

"Um, reply yan sa isinulat mo sa akin kanina. Ito oh" sabi ko at ipinakita ang papel

"Wala akong maalala na sinulatan kita, at hindi ako lumabas, pero salamat dito Zaph, You made me feel better" sabi niya at niyakap ako.

So Kung hindi siya ang sumulat, edi sino?

"Bumalik ka na dun sa kwarto mo, mag gagabi na" sabi niya

"Sige Ate, Goodnight" sabi ko at umalis.

Ilang oras na ang nakalipas pero hindi parin ako makatulog, binabagabag parin ako sa Kung sino ang sumulat ng sulat na iyon. Ayaw ko mang isipin ngunit hindi talaga si Mommy ang nagsulat nun kasi kabisado ko ang sulat kamay ni Mommy at basta! Imposibleng na si Mommy yun.

Pero Kung hindi Si Mommy at Hindi si Ate, edi sino ang nagsulat nun?

To Be Continued......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon