Tres

50 3 0
                                    

Chapter 8

*Heidi’s POV*

Biglang dumating ang matandang babae na nakita ko noon.
“Tigilan niyo na siya, hindi siya ang anak niyo!”-sabi ng matanda.
“Lola? Ano pong pangalan niyo?”-tanong ko sa kanya.
“Ako si Lauren Dela Vega o Heidi Perez, ang may-ari ng bahay na ito at ako rin ang anak ninyo. Matagal na akong naghihintay dito sa mundo nay at tay, hanggang sa ako ay nagkaroon na ng pamilya at ako'y namatay na. Iniba ko ang aking apilyedo at pangalan dahil akala ko hindi niyo na ako babalikan. Pero nung nakita ko si Kitty at si Heidi ay patuloy ko nang sinusundan si Heidi dahil alam ko na kukunin niyo si Heidi na akala niyo ay ako. Kapangalan ko lang si Heidi noong hindi ko pa pinalitan ang pangalan ko. Huwag na ninyong saktan si Heidi, nandito na ako. Patawarin mo kami Heidi dahil nadamay ka pa.”-mahabang paliwanag ni Lola Lauren na kapangalan ko pala dati.

Natulala kaming lahat sa sinabing salaysay ni Lola Lauren.
“Ano? Ikaw si Heidi na anak namin?”-tanong ni Ethan.
“Oo itay. Eto oh may balat din ako sa balikat, parehas na parehas kay Heidi”-sabi ni Lola Lauren sabay pakita sa kanyang balat sa balikat. Oo nga parehang pareha kami ng balat. Minsan lang sa mundo ang may magkaparehang balat. Kaya kaming lahat ay nagulat.
Binitawan naman ng malumanay ni Kitty si Andre.
“Eto tay oh, ang gusto niyo sanang makuha kay Heidi.”-sabi ni Lola Lauren sabay kuha sa kanyang kwintas na nagsisimbolo ng kanilang pamilya, may nakalagay itong ‘P’ na pendant.

Ipinaliwanag naman nila sa amin na may sumpaan din silang dapat ay nasa kanila parin ang kwintas kahit silang lahat ay patay na. Kaya pala gusting-gusto nila akong makuha dahil lang sa kwintas na yan.

-After 1 year-

Nasa puntod kami ngayon ng mga kaklase naming namatay. Hinding hindi namin makakalimutan ni Abigail, Andre, at Paul ang nangyari sa amin doon sa Cebu. Pero gagawin nalang namin itong motibasyon para makapagsimulang muli.

At nailibing naman ng maayos ang mga labi ng pamilya Perez. Nawa sila ay matahimik.

May goodnews din ako tungkol sa lovelife ko, kami na ni Andre. At si Paul naman at Abigail, sila na rin.

“Tara na, uwi na tayo.”-sabi ni Abigail. At pag-lingon namin sa likoran ay nakita namin ang lahat ng kaklase naming namatay. Sila ay duguan kaya ay sobrang gulat namin, at sa sobrang gulat ni Abigail ay napasigaw siya.
“AAAAAHHHHHHHH!!!”

Wakas

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon