Chapter 5
*Kaira's POV*
"Ayun may pintoan!"- nagmadali kaming lumapit sa front door ng mansyon.
"Ayaw mabuksan! Wala tayong susi"- tarantang sabi ko.
"What are gonna do now?"- tanong ng aking kapatid na kanina parin pala nataranta.
"Maghanap nalang tayo ng ibang matatakasan"
Agad kaming sumunod kung saan tumakbo si Arshiya. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa kung saan man kami mapunta.
Nang marating namin ang backdoor ng mansyon.
"Ito, baka bukas to"- pinihit ni Arshiya ang doorknob at swerteng nabuksan nga ito.
Naunang lumabas si Arshiya at sumunod naman ako. Pagkalabas namin ay napalingon ako sa aking kapatid.
"Zaira, ano pang ginagawa mo diyan? Lumabas kana dito!"- sabi ko sa kanya na puno ng pag-aalala.
Pero isang matamis lang na ngiti ang naisagot niya sa akin.
"Kaira, alam kong hindi ako naging mabuting kapatid sayo, pero tandaan mo, mahal na mahal kita"- sabi niya bigla na siya namang ikinagulat ko't ipinagtaka.
"Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Hali kana dito!"- sabi ko sa kanya.
"Gustuhin ko mang mabuhay pero kailangan kong gawin to para maligtas kayo. Tumakas na kayo, Ate"- pamamaalam niya sabay sarado ng malakas sa pinto.
Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya napasigaw ako ng wala sa oras.
"Zaiiirraaa!!!!"
Pero huli na ang lahat, wala na ang aking kapatid. Isang napakalakas na sigaw na naman ang narinig namin mula kay Mira. Masakit man sa tenga ang sigaw pero di ko na tinuonan ng pansin iyon. Iyak lang ako ng iyak dahil sa ginawa ni Zaira. Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa amin, para mailigtas kami.
Ilang saglit pa at naramdaman kong hinihila na pala ako ni Arshiya papalayo. Hindi na ako maka-angal kasi unti-unti na akong nawawalan ng enerhiya. Hanggang sa nagdilim ang aking paningin at ako'y nawalan na ng malay.
*******************
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata.
"Kaira, gising Kaira"- narinig ko ang garalgal na boses ni Arshiya.
Halatang umiiyak ito. Bumangon ako at hinarap siya.
"Asan tayo?"- tanong ko.
"Andito tayo sa mansyon"- ikling sagot niya.
"Teka, bat tayo napunta dito?"- naguguluhan kong tanong.
"Wala na tayong ibang mapuntahan Kaira. Hindi natin alam ang lugar paalis. Nung nahimatay ka, sinubukan kong maghanap ng lugar para makatakas tayo pero puno lang ang nakikita ko. Ni isa ay walang lagusan para tayo'y makatakas"- paliwanag nito sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Napa-isip ako ng malalim.
"Hindi! Makakahanap tayo ng daan palabas"- sabi ko ng may buong pag-asa.
Tumayo ako at naglibot-libot sa paligid. Nang may mapansin akong isang wheel handle na nakadikit sa pader ng silid.
"Arshiya hali ka. Tingnan mo to"- sabi ko.
Hinawakan ko yung wheel handle at pinaikot iyon. Nang may biglang bumukas na pinto sa tabi nito.
"Kaira no"- bulong nito sakin ng sinubukan kong pumasok sa loob.
Sinenyasan ko siya na tumahimik. Nang makapasok na ako sa loob ay kita ko ang isang maliit na mesa na may isang lumang kahon na nakalapag dito.
"Ano toh?"
Binuksan ko ang kahon at bumungad sa aking harapan ang isang lumang libro.
"Mira"- mahinang basa ko sa nakasulat sa libro.
Dahan-dahan kong ibinuklat ang libro at doon ko napagtanto na isa pala itong journal book. Ang kwento ng babae sa salamin. ito ang nakasulat sa unang pahina ng journal book.
"Si Mira"
To Be Continued........
BINABASA MO ANG
UNO DOS TRES
Misterio / SuspensoLife is a Mystery to be lived and not a problem to be solved. A three story in one book.