Dos

29 4 0
                                    

Chapter 2

*Zaphira's POV*

Pagkapasok na Pagkapasok namin sa mansion, biglang nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko.
Something feels not right, pero Binalewala ko lang ito.

"Dad, ito na po ba ang mansion na titirhan natin?" tanong ko

"Yes"

"Bakit po dito?"

"Because this is your lola's mansion, naka sulat kasi Sa last testament niya na pagsapit ng dese otso sa bunso ng buong angkan ay lilipat ang pamilya niya dito"

"So tayo nalang naman ang natirang pamilya sa angkan, tayo na ang tutupad sa utos ng mama, and besides, ikaw ang bunso ng angkan at 18 ka na  sa makalawa Kaya kailangan na nating lumipat dito" sabat ni Mommy
Oo nga pala no? Birthday ko na pala sa makalawa, Nakalimutan ko tuloy.

Nilibot ko ang tingin sa buong bahay at nahagip ng mata ko ang isang litrato ng matanda, napakaganda nito at ang papanamit nito ay sumisigaw ng kayamanan.

"Mom, siya po ba si Lola?" tanong ko sabay turo sa litrato

"Oo, siya si Senorita Lauren, Jan nahango ang pangalawang pangalan mo"

"Ah kaya po pala, pero bakit po si Ate?"

"Aling Ate?" tanong niya naguluhan naman ako, may Ibang ate pa ba ako?

"A-Ah---O-Oo, si A-Arriana ba?"

"Opo, may iba pa ba akong ate?" mahina naman akong napatawa, nagulat naman siya. Anong nakakagulat dun?

"H-Hmmm? N-Nanggaling sa akin ang pangalan ni A-Arriana"

"Ah, I see"  sabi ko Habang tumatango

"Tara na, dalhin na natin yang mga gamit mo sa kwarto mo" sabi niya at napatango naman ako,kinarga ko agad si Zaphy at Zaphire,para dalhin din.

Habang naglalakad ako sa malapad na daanan hindi ko maiwasang mamangha. Napakalaki ng mansion, ang ganda ng pagkakadesinyo nito, makaluma pero maganda, and ganda din ng mga kagamitan dito at halatang antique.

Umakyat kami sa hagdan, at nakakamangha kasi Sa dingding nito may mga nakasabit na mga paintings na halatang pag ibenta mo sa mga museum ay malaking pera ang halaga. May mga litrato din ng Lola Lauren at ng kanyang asawa. Nakakamangha talaga.

Pagkarating namin sa Second floor, namangha naman ako sa laki ng hallway na andito, napakaganda talaga ng bahay. Lumakad kami at huminto sa isang kwarto na kulay  blue ang pinto. Ito na ata ang kwarto ko.

"This is your room, kompleto na ang mga kagamitan jan, sige na pumasok ka na" nakangiting tugon niya kaya pinihit ko ang pintuan para pumasok and my eyes saw a huge room, sh*t ang ganda. Galaxy themed ang design nito  ang bed, at lahat ay kulay navy blue na favourite color ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti Habang inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, may doghouse at cat House din ito, hindi ko maiwasang mapaisip na baka nakalaan talaga ako sa kwarto na ito. Napatawa naman ako ng mahina.

"Ang ganda talaga" I uttered

I began walking Habang mahinang isinasayad ang aking mga daliri sa bawat sulok ng kwarto. Walang ka dumi dumi ang kwarto,at napakaganda talaga nito.

Bigla akong natigilan ng mapansin ang isang malaking litrato ng bata na nakasabit sa dingding.

Tiningnan ko ito ng maigi at ako nga ang nasa litrato, pero bakit? Hindi ko matandaan na kinuhanan ako ng litrato noong bata pa ako. Imposible namang makalimutan ko no?

Bawat detalye ng litrato, ay hindi ko pinalagpas kaya napansin ko ang nakasulat sa ibaba nito

'Zaphira Laurent Dela Vega'

Napasinghap ako, hindi ako makapaniwala na dito pa sa Lugar nato ang totoong pangalan ko.

Na dito ko malalaman ang apilyedo ko

"D-Dela Vega, yan ang totoong apilyedo ko"

To Be Continued.......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon