Tres

51 3 0
                                    

"They Want Me"
dayor_writes

Chapter 1

*Heidi’s POV*

Hello everyone! I am Heidi Balbuena and I am a student in San Carlos Academy or SCA. Maaga akong gumising ngayon dahil last day na ng school year. Sa wakas, gagraduate na rin kami and we are planning for our farewell party today.

-San Carlos Academy-
Nandito na ako sa school namin at pupunta na ako sa classroom. Habang papalakad ako ay nakasalubong ko na naman ang mortal enemy ko na si Sasha Arante at kasama niya ang kanyang dalawang sidekicks na sina Tiffany Huena at Brenda Faldosa.

Sa pagkaka-alam ko ay naging mortal enemy ko si Sasha dahil hindi niya matanggap na ako ang top 1 sa klase namin at top 2 lang siya. “Hoy Heidi! Akin lang si Andre ha?”-sabi ni Sasha. Yan ang linyang parati niyang sinasabi sakin araw-araw kasi ako ang gusto ni Andre Cruz at hindi siya. Hindi ko nalang siya sinagot at lumakad nalang ako habang tinitingnan niya ako. At hindi ko inaasahang makabangga si Andre. Natumba kaming dalawa at muntikan pang nagkahalikan. Tumayo ako agad at tiningnan ko si Sasha. Halatang nagseselos siya at umalis nalang siya kaagad kasama ang kanyang mga sidekicks. “Are you okay?”-pag-aalala ni Andre. “Ay oo, okay lang ako. Ikaw okay kalang ba?”-sabi ko. “Yes I’m okay.”-sagot niya. “Gusto mo sama na tayo papunta sa classroom?”-dagdag pa niya. “Sure!”-sagot ko kaagad.
-Classroom-
“Bes! Nandito kana pala.”-sigaw ni Abigail Deron. Siya yung Bff ko na sobrang kulit. “Hello Heidi!”-sabi ni Paul Sarlina. Siya naman yung friend ko na napakamabait. “Hi Abi, Hi Paul.”-sagot ko sa kanila. Dumaan ang ilang minuto at pumasok na rin yung teacher namin. “Good Morning Ms. Fileo!”-bati namin kay maam sabay tayo. “Good morning, please sit down.”-sabi ni maam. “So today we will be talking about your farewell party, any suggestion?”-tanong ni ma’am. Itinaas ni Sasha ang kanyang kamay. “Okay miss Arante stand up.”-sabi ni maam. “Ma’am, what about we will go to a resort?”-suggestion ni Sasha. “Oo nga maam, pwede rin sa resort namin, dun sa Cebu.”-dagdag pa ni Kitty Perona sabay tayo. Siya ang kaklase kong rich kid. “Nice idea! agree ba kayo lahat?”-sabi ni ma’am. “Yes Ma’am!”-sigaw naming lahat. Excited na ako sa farewell party namin. Bibiyahe kami sa susunod na araw.

Hapon na kaya uuwi na ako sa bahay. Maglalakad lang ako dahil malapit lang naman ang bahay namin sa school. Ngunit habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong matanda at tumayo bigla ang balahibo ko. “Huwag kang sasama! Nanganganib ang buhay mo! Kukunin ka lang nila! Hindi sila matahimik!”-sigaw ng matanda. Kinikilabutan na tuloy ako. Nahulog bigla ang librong hawak ko at kinuha ko ito. “Lola-“-naputol ang sinabi ko dahil pagtingin ko uli sa matanda ay wala na siya. Sa sobrang takot ko ay tumakbo ako ng mabilis.

Nakahiga na ako sa kama at hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ng matanda. “Ano kayang ibig niyang sabihin?”-tanong ko sa sarili ko.

To Be Continued......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon