Dos

27 3 0
                                    

Chapter 3

*Zaphira's POV*

Napabangon ako ng dahil sa uhaw na nararamdaman, tiningnan ko ang relo ko at napagtanto na alas tres pa pala ng madaling araw. Balak ko sanang gisingin si Mommy para tanungin kung saan ang kusina pero ayaw kong distorbohin ang pagtulog niya kaya nagpasya nalang akong ako na ang maghahanap.

Lumabas ako sa kwarto at bigla naman akong nakaramdam ng takot. Kung anong ganda ng mansion sa umaga ay siyang takot nito sa gabi. Nakakatakot ito sapagkat napakadilim nito, Kung lalakad ka dito, para kang  lumalakad sa walang katapusang dilim.

"Buti nalang may flashlight akong dala" sabi ko at pina andar ang flashlight

Nagsimula na akong maglakad at Mukhang sinwerte ako kasi agad Kong nakita ang kusina na hinahanap ko.
Pumasok ako dito at uminom ng tubig na siyang pakay ko at tumalikod para umalis.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may bigla akong may  naaninag na isang bagay na naglalakad sa dilim, tinutok ko ang flashlight ko dito at nakita si Zaphy, ang alaga Kong pusa

"O Zaphy, bakit ka ba gumagala sa dilim?" sabi ko at lumakad patungo sa kanya upang kunin siya ngunit bigla siyang nawala

"Zaphy? Zaphy?Asan ka na ba?"

Hinanap ko si Zaphy at napadpad naman ako sa isang madilim na Lugar, shet asan ako?

Bigla akong nakaramdam ng takot ng may naramdamang bagay sa likod ko. Dahan Dahan ko itong nilingon at nakita ko naman si Zaphy. I sighed in relief, akala ko Kung Ano na.

"Ay Zaphy Nandito ka lang pala, Kung saan saan ka nalang talagang Lugar nagsusuot, ikaw talagang pusa ka " sabi ko at lumapit sa kanya, nung akma ko na siyang kukunin may mga kamay na bumuhat sa kanya, I frozed at Dahan dahang tiningala ito.

Naaninag ko ang mukha nito at bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa Nakakatakot nitong ngisi pero mas Nakakatakot dahil kamukha ko ito.

Shit.

"Who the hell are you?!" sigaw ko pero at mas lumapad naman ang kanyang ngisi

"You" sabi niya At itinutok ang kutsilyo sa leeg ni Zaphy at ginilitan ito.

"Zaphy!!!" napabalikwas ako sa kama Habang hangos hangos ang hininga ko

Thank God panaginip lang pala.

"Ah! Omygod! Zaphira come here!" dali dali naman akong Napabangon ng marinig ko ang sigaw ni Ate.

Andito na pala siya, hindi ko namalayan kasi nakatulog na ako kahapon sa pagod nung pagkatapos ko I arrange ang mga gamit ko.

"Zaphira Faster!!!"

"Opo ate ito na!" sabi ko at agad ko siyang pinuntahan siya, nakita ko naman siya sa entrance ng kusina

"Oh ate, nakarating ka na pala? Bakit po?" sabi ko sa kanya pero yung atensyon niya ay nasa kusina lang

"Bakit po ba ano po bang---" bigla akong natigilan at napaiyak ng makita kung ano ang tinitingnan niya

Si Zaphy...

Patay na si Zaphy...

Nilapitan ko ito at hinawakan

"Z-Zaphy, w-who d-did this to you?"

Nakalaylay na ang kanyang ulo at Konting konti nalang talaga ay matatanggal na ito at wala narin ang kanyang mga lamang loob. Napahagulhol ako ng iyak

"Zaphy!!!"

To Be Continued.......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon