Chapter 4
*Author’s POV*
Sa buhay ng tao ay may mga misteryong kailangan nilang malaman kaya si Heidi ay hindi na mapakali.
Nagpahinga na silang lahat kabilang si Heidi ngunit sa gitna ng kanilang pamamahinga ay biglang lumindol ng napakalakas kaya silang lahat ay nagising.
“Anong nangyari?”-takot na tanong ni Brenda.
“Hindi mo ba nakita? Lumilindol!”-takot rin na sagot ni Sasha.
“Anong gagawin natin? Ang lakas!”-tanong ni Tiffany.
“Huwag kayong magpanic, kailangan nating lumabas.”-pagpapakalma ni ma’am Anna.
“Oo nga, puntahan muna natin ang mga boys.”-sabi ni Heidi.
Bago sila nakalabas ay muntikan ng mahulogan si Heidi ng kisame mabuti nalang at napunit lang ang kanyang manggas sa kanyang kanang kamay. At tila may napansin si Sasha.
“Ano yang nasa braso mo Heidi?”-tanong ni Sasha.
“Ah ito? Balat. Sabi ng nanay ko nahulog raw ako sa hagdan nung bata pa ako.”-paliwanag ni Heidi.
“Oh tara na. Mamaya na ang chika.”-singit ni ma’am Anna.-The earthquake stops-
Nagsilabasan sila at pumunta sila sa kwarto ng boys, ngunit pagbukas nila sa pintuan ay bumungad sa kanila ang mga patay na katawan ng mga kasama nilang lalaki.
“AAAAAHHHHH!!!”-sigaw nina Sasha, Brenda at Tiffany. Habang ang iba ay nakatulala lang habang nakatingin sa kanila. Hindi nila inakala ang nangyari kaya ay sobrang gulat nila.
“Maaaring namatay sila dahil sa lindol, ngunit kailangan na nating lumabas baka kasi may after shock pa.”-lungkot at pag-aalala na sabi ni ma’am Anna.
Lumabas na silang lahat at kita pa rin sa kanilang mga mukha ang pagkatakot at pagkalungkot.
“O my God! I can’t believe this is happening to us!”-sabi ni Sasha sabay iyak.
“Huwag kanang umiyak Sasha.”-pagtahan ni ma’am Anna. At tumahan na nga si Sasha.
“Ano namang nangyari sa mga may-ari ng bahay?”-singit na tanong ni Abigail.
“Oo nga! Kailangan ko silang balikan, baka buhay pa sila.”-sabi ni ma’am Anna.
“Ma’am sasama po ako.”-sambat ni Heidi
“Ako rin ma’am.”-sambat rin nina Kitty at Abigail.
“Sasha, ikaw nang bahala sa mga kasama mo.”-bilin ni ma’am.
“What?! Why me?!”-reklamo ni Sasha.
“May cellphone kaba diyan?”-tanong ni ma’am.
“Of course, kasama ko ito saan man ako magpunta.”-sagot ni Sasha
“Sige, tumawag ka ng Pulis at Ambulansiya, para maidala na ang mga labi ng mga kaklase mo.”-bilin ni ma’am.Tumango nalang si Sasha, at tumuloy na nga sina Ma’am Anna, Heidi, Kitty, at Abigail sa loob. Nasa mga mukha parin nila ang pagkatakot at lungot.
-Sa loob ng bahay-
“Ma’am puntahan natin sila sa sala kasi nakita ko sila kagabi na nag-uusap doon.”-sabi ni Heidi.
“Sige.”-maikling sagot ni Ma’am Anna.
Pumunta na sila sa sala ngunit wala silang nakita kahit ano kundi mga nakahandusay na mga vase at iba pang mga gamit na nabasag dahil sa napakalakas na lindol. Malaki ang pinsala ng lindol kaya ay tila wala nang natirang matinong bagay.Makalipas ang ilang minuto ay may narinig silang ingay sa itaas. Kaya hindi na sila nag-aalinlangang umakyat sa itaas dahil akala nila yun na yung pamilya na may ari sa bahay.
At ang ingay pala ay nanggaling sa kwarto ng mga lalaki, ngunit pagpunta nila roon ay nagulat sila sa kanilang natuklasan.
“OMG! Nasaan ang mga katawan ng mga kaklase natin?”-gulat at takot na tanong ni Abigail.
“Diba nandito lang sila kanina?”-tanong naman ni Heidi sabay turo sa sahig.
“Oo nga! Alam niyo hindi ko na gusto ang mga nangyayari sa atin.”-sabi ni ma’am Anna na takot na takot na rin.
At sa sobrang takot ni ma’am ay tumakbo siya palabas sa kwarto.
“Ma’am! Saan ka pupunta?”-madaliang sigaw ni Heidi sabay sunod kay ma’am Anna. At sa sobrang takot ni Abigail, sumunod na rin siya. Ngunit si Kitty ay hindi sumunod kundi ay tumakbo siya sa ibang direksiyon.Saan kaya pupunta si Kitty?
To Be Continued.......

BINABASA MO ANG
UNO DOS TRES
Mystery / ThrillerLife is a Mystery to be lived and not a problem to be solved. A three story in one book.