Dos

30 3 0
                                    

Chapter 9

*Zaphira's POV*

"You!  pinatay mo sila!" nanggagalaiti Kong sigaw sa kanya

Pero tinawanan niya lang ako at nagsimulang maglakad patungo sa harapan ko at nung nasa harapan ko na siya, mahina niyang hinagod  ang mukha ko

"Oh, Zaphira, wala ka talagang ka alam alam, buti ngat namatay yan sila eh" sabi niya at bahagyang napatawa

"What do you mean?" tanong ko at napangisi naman siya

"Hmm? Wanna know?" Tumango naman ako bilang sagot at bigla naman siyang nag snap.

And as fast as lightning nasa Cctv control room na agad kami

Bakit di ko alam na may cctv pala dito? Pero Di na importante yun, ang dapat kong malaman ay Kung sino ang pumatay sa pamilya ko

"Then, Watch"

I watch intently the video and nakita ko dun ang sarili ko na naglalakad patungong kusina at kumuha ng isang kutsilyo

"What the hell?"  I turn my gaze at the girl I'm with at nakita ko naman siyang nakangisi

"Watch"

I return my gaze to the monitor at nakita ko dun ang sarili ko na hawak hawak si Zaphy

"The most exciting part"

And then I killed Zaphy

I killed Zaphy...

Hindi maari!

"That is not me!" I exclaimed

"Hm?Okay" sabi niya at umiba yung clip, this time it's yaya aurelia washing the dishes
Pagkailang minuto, biglang may sumulpot na tao
Naka hoody ito at biglang pinukpok si Yaya ng Baseball Bat sa likod at hindi niya tinigilan ito hanggat hindi nalalagot ang hininga ng matanda. Pagkatapos nun binasag niya ang isang plato at kinuha ang isang piraso nito at pinagsasaksak ang wala ng buhay na matanda.

Tinanggal nito ang hoody niya at tumingin sa cctv camera at kinindatan ito.

Hindi ako makapaniwala sa nakita, sapagkat ako ito.

Ako...

Pinatay ko si Yaya

Nagsimula na akong umiyak

"Not convince parin?" sabi ng babae sa tabi ko pero nanatili lang akong nakatutok sa monitor Habang patuloy na nagbabagsakan ang mga luha ko. Bigla namang nag iba ang video at ipinakita nun si Daddy na may kausap sa phone at kung pano ko siya Pinatay.

"Tama na! Tama na! Ayoko na!" I cried and plead

"Zaph,ikaw ang pumatay sa kanila" sabi niya and smile devilishly

"Ikaw" ulit niya

"No! NO! Hindi ako yan!Ikaw yan! Kasi Kamukha tayo diba? Ikaw yan, Oo ikaw yan" pagkokombinse ko sa sarili ko at napatawa naman siya

"Hm? Talaga? Ako?" sabi niya, teasing me

"Oo! Ikaw yan! Wag mong ipinapasa sa akin ang kasalanan mo!"

"Watch the video again Zaphira" sabi niya natatawa and so I did, I watch the video again at nakita ko siyang tumatawa Habang tinitingnan akong pumapatay

So ako nga...

"Pero bakit? Bakit Di ko alam? Bakit? Sino ba ako? Sino ka ba?" naguguluhan Kong tanong

"When the clock strikes to 3, your personality change. Change of heart perhaps?" sabi niya at bahagyang natawa

"Someone is controlling your soul that time, pumapatay siya. It's thirst for flesh and blood killed those persons. Pero ikaw parin yun Zaph, ang naiiba lang its the demon you"

"What? Demon me?" Di makapaniwalang tanong ko

"Yes, the demon you, Zaphira" sabi niya at yung kaninang ngisi niya ay napalitan ng kalungkutan, biglang pumatak ang luha sa kanyang mga mata

"We are cursed Zaphira, We are cursed by our devil witch hungry for money Grandma, isinumpa niya tayo na pag tumungtong tayo ng dese otso ay sasapi na tayo sa kanya, sa kademonyohan niya,ang sama niya Zaph, ang sama sama niya" sabi niya Habang patuloy paring umiiyak

"W-What?"

"Zephanie Dela Vega and Laux  Dela Vega is your biological
parents, ang ganda ng relasyon nila noon kasi kitang kita mo talaga na mahal mahal nila ang isat Isa ngunit Senorita Lauren is against their relationship, kasi Zephanie is a common girl, hindi siya mayaman. Nung nabiyayaan sila ng anak, dun lang natuwa ang Senorita kasi finally may mapapasahan na siya sa ka demonyohan niya, ang panganay na anak niya kasi na si Ariella ay may problema sa matris at hindi siya mabibigyan ng apo, Yes, you heard it right, hindi nabiyayaan ng anak si Ariella at Bradley"

So that means...

"Ampon si Arianna"

Napasinghap naman ako sa gulat

"At ang tinatawag mong mommy ngayon ay ang tiyahin mo na kinuha ka para lang sa kayamanan, dahil nalaman niya na ibibigay lahat sayo ang kayamanan ng kanilang mama na si Senorita Lauren"

Napahagulhol ako ng iyak

"Pero bakit? Hindi ko maintindihan, Bakit ako isinumpa ni Lola? Bakit? At tsaka sino ka?"  ngumiti naman siya at hinagod ang mukha ko, yung hagod na may kasamang pagmamahal

"Isinumpa ka niya kasi gusto niyang may mapagbibilinan ng kayamanan at kademonyohan niya, nakipagsundo kasi siya sa Demonyo na bigyan siya ng walang humpay na kayamanan kapalit ng kaluluwa niya kaya lubos siyang Nasiyahan dahil dumating tayo na magpa patuloy sa kasunduan na iyon. Nung nalaman ni Zephanie at Laux ang plano ng Senorita itinakbo nila tayo, ngunit kahit saan mang Lugar ay nahahanap at nahahanap parin tayo ng Senorita kaya napagpasyaan ng ating mga magulang na magpakamatay at patayin tayong dalawa upang mailigtas sa sumpa ng kademonyohan, namatay kami ngunit naligtas ka dahil sa anting anting na isinuot sayo ni Ariella,

dahil nalaman nila ang plano ng ating mga magulang at dahil nga kagustuhan nila ang pera na ipinamana sayo, kinupkop ka nila at inilagaan para makuha ang loob mo at magawa ka nilang mapaperma sa papeles na ang lahat ng ipinamana sayo ay mapupunta sa kanila. Mga sakim sila sa pera"

"At diba tinatanong mo kung sino ako? Ako si Zephaniah Luxent Dela Vega, ang kakambal mo, ang ate mo, ang karamay mo, kinuha ka nila sakin Zaphira, kinuha ka nila samin, nila mama at papa, mga walang hiya sila, kailangan nilang magbayad!" sabi niya na may halong puot at galit

"W-We are cursed?"

"Oo, at bukas na bukas sa ika dese otso mong kaarawan, mamumuhay na ang demonyo sa katawan mo, ayaw kong maging ganun ka Zaph, ayaw kong maging katulad ka sakin, wala nang chansa upang magbago dahil sa lintek na kasunduan na iyan!" sabi niya

"A-Anong gagawin ko?"

"Eto, sa hindi pa pumapatak ang  alas tres ng hapon o gabi, kailangan mong itali ang sarili mo sa upuan na nalilibutan ng asin at krus, maghintay ka lang hanggang matapos ang oras at dun, simulan mo na ang plano"

"Anong plano?"

"Sunugin mo ang lahat lahat dito, wala kang dapat na ititira  ni Isa, sa paraang yun wala ng kayamanan. Wala ng kakapitan ang demonyo. Watch for the time always"

To Be Continued........

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon