Uno

46 4 0
                                    

Chapter 9

*Kaira's POV*

Minsan sa buhay may mga tao talagang maswerte at tsaka siyempre kung may mga taong maswerte ay may mga tao rin namang malas. We can't just say it. Kusa nalang itong dumadating sa buhay natin. We can't even tell. Kagaya namin, sa sitwasyon namin ngayon, we are trapped between lucky and unlucky. Kung mabubuhay ba kami or hindi.

Pero sa huli, masasabi kong maswerte kami dahil may mga nakaligtas sa amin. Ako at si Arianna. Masakit man isipin pero kailangan naming tanggapin iyon. Buti na nga lang at nabuhay pa kami ni Arianna. Mabibigyan pa namin sila ng hustisya at kapayapaan.

Andito kami sa ospital ngayon ni Arianna. It's been 2 months nung nangyari ang insidente. Tinulungan ako ni Arianna na iparetoke ang nasira kong mukha just because of that damn incident. Nakaupo ako sa isang upuan at kinakabahan. Ngayon na kasi gagawin ng doctor ang pagfa-face reveal ko. Sana ay bumalik na ako sa dati kong anyo.

Unti-unting tinatanggal ng doctor ang puting tela na nakabalot sa aking mukha. Nararamdaman ko, malapit na. Malapit na malapit na. Ipinikit ko ang aking mga mata bago pa man matanggal ng tuluyan ang tela na nakabalot sa akin.

"You can open your eyes now"- bulong sakin ng isang pamilyar na babae.

Pagdilat ko sa aking mga mata ay bumungad sa aking harapan si Arianna. Pero bat ganon? Si Arianna lang ang kasama ko the whole time?

"The doctor just went out kasi may pasyente pa siyang inaasikaso. Ako nalang ang nagtanggal for you"- paliwanag nito sa akin habang nakatitig siya sa aking mukha at nakangiti.

"What's wrong? May mali ba sa mukha ko? Pangit ba?"- tanong ko sa kanya.

"No Kaira, It's so perfect. Bagay na bagay sayo yung bago mong mukha. Ngayon, kamukha mo na kapatid ko"- sagot nito.

Kumunot bigla ang aking noo. Biglang tumibok ng napakalakas ang aking puso. Bat ako kinakabahan? May mangyayari bang masama?

Unti-unting inilapit ni Arianna ang kanyang mukha sa aking tenga.

"Sa wakas at makakapiling na kita ate"- bulong nito sa aking mga tenga.

Nang bigla niya akong ipinaharap sa isang malaking salamin para makita ang aking bagong mukha.

Hindi ako makagalaw, Hindi ako makapagsalita. Is this Real?!

"I miss you ate"- sabi ni Arianna at tumabi ito sa akin.

Hindi! Kamukha ko na siya! Kamukha ko na ang babaeng bangungot sa aking buhay........

Si Mira

WAKAS

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon