Chapter 8
*Zaphira's POV*
After many hours of thinking na pag isipan ko nalang na matulog na. Tatanungin ko nalang si Mama bukas.
Nang dahil sa pagpupuyat, tanghali na akong nagising kinabukasan. Kaya heto ako ngayon pa suray suray Kung maglakad, kala mo talaga lasing eh.
Pinuntahan ko muna ang kwarto ni Ate at kinatok yun, balak ko sana siya ayain mag breakfast para maibsan ang lungkot naming dalawa ngunit walang sumasagot, kaya Iniwan ko nalang.
Baka tulog pa yun
Pagkatapos nun, pinuntahan ko naman ang kwarto ni Mommy at kinatok pero walang sumasagot, pagkailang minuto ay tumigil nalang ako at nagpasyang mag brebreakfast nalang na mag Isa.
Hayst, Kung Nandito pa sana si Daddy ngayon, edi sana kompleto kaming kumakain
Hay, I miss you Daddy
Pagkatapos kong mag breakfast ay, hinugasan ko muna ang mga platong pinagkainan ko at bumalik na sa kwarto.
Nilingon ko muna ang pinto ng kwarto ni Ate at ni Mama and sighed bago pumasok sa loob.
Nakatulala lang ako dito sa kwarto ng mapag isipan ko na dapat hindi kami ganito. Na dapat lalaban kaming tatlo, kami nalang tatlo ang natira oh, ngayon pa ba kami susuko? Hindi pwede!
Agad akong bumangon at lumabas pero nung pag labas ko may isang pigura ng babae akong Nakita. Kaya dali dali Kong pinuntahan ang kwarto ni Ate at kinatok iyon pero wala talagang sumasagot. Nagsisimula na akong kabahan kaya binuksan ko ito, and before My eyes is ate na naliligo sa sarili niyang dugo Habang may nakasalampak pa na cellphone sa bunganga niya.
Napaluhod ako Habang tinitingnan siya.
A-Ate, hindi kita naligtas
Gusto ko mang manatili pero kailangan Kong puntahan si Mommy at sabihin sa kanya.
Pinuntahan ko ang kwarto niya at hindi na ako kumatok kaya agad Kong nakita ang patay niyang katawan na naliligo sa sarili niyang dugo
M-Mommy...
Napahagulhol nalang ako ng iyak.
"W-Wala na si Mommy, W-Wala na si Ate" I uttered and then cry again
Sumigaw ako, ngunit hindi parin naibsan ang sakit na nararamdaman ko
Alam Ko na Kung sinong gumawa nito.
Klarong Klaro na.
"Lumabas ka! Wag kang duwag! Wag kang magtago sa dilim! Pinatay mo sila!" galit na sigaw ko and then biglang umihip ang malakas na hangin ng ilang minuto at pagkatapos nun may isang babae akong nakita. Nagpakita nga siya.
"Clone" I uttered
To Be Continued.......
BINABASA MO ANG
UNO DOS TRES
Gizem / GerilimLife is a Mystery to be lived and not a problem to be solved. A three story in one book.