Dos

33 3 0
                                    

Chapter 10

*Zaphira's POV*

Pagpatak ng alas dos ay agad ko nang sinimulan ang plano pero bago yun nagtawag muna ako ng mga tao para kunin ang bangkay ni Mama at Ate.

Hinanap ko na ang asin at nakita ko naman ito sa kusina. Now it's my time to find for the cross.
Ilang minuto na akong naglibot libot dito sa bahay ngunit wala talaga akong makita. What do I expect from the house na demonyo ang nakatira? Wala.

I almost lose hope nang maalala ko na may dala dala pala ako laging rosaryo. Tinahak ko ang kwarto at hinanap ang rosaryo at Di ako nagkakamali, nakita ko ito.

"Siguro naman pwede na to no?"

Agad ko itong kinuha at sinet up na ang lahat lahat, Pagpatak ng alas dos y media ay sinimulan ko nang itali ang sarili ko ng mahigpit na mahigpit.

Naghintay ako at naghintay hanggang tumungtong ang alas tres. At Pagpatak nito, agad akong nakaramdam ng Init sa buong katawan. Napakainit nito, napakasakit. Parang nasusunog na ang buong katawan ko.

Napasigaw ako sa sakit ng makita ko si Zephaniah

"Zeph tulungan mo ko" I cried and pleaded, tiningnan naman niya ako gamit ang malungkot niyang mga mata

"Zaph" she uttered  at pinahiran ang mga luhang kumawala na nasa pisnge ko

"Gusto man kitang tulungan pero hindi ko magawa, mas makapangyarihan siya kesa sakin, pag susubukan kitang tulungan baka tuluyan siyang kumawala" sabi niya, Pilit akong ipanaiintindi

"P-Pero napakasakit na---A-Ahhhhh!" tiningnan ko si Zephaniah at nakita ko namang Umiiyak siya.

"Zeph" tawag ko sa kanya

"Zaph" sabi niya and then she held my hand

"Hayaan mong hawakan ang mga kamay mo upang damayan ka, Zaph please Konting minuto nalang, Please"

"I can't--Ahhhhh!"

Pagkatapos nun, bigla nalang umihip ang malakas na hangin at nakita ko Kung pano nito itinangay ang mga asin at ang rosaryo.
Shit! Hindi to pwede! Hindi pwedeng kumawala siya!

Agad akong nakaramdam ng antok, pero pilit ko Paring nilalabanan ito

"Zaph, a-anong nangyayari?" rinig kong tanong ni Zephaniah pero halos Konting konti nalang talaga at makakaidlip na ako. Ngunit, bigla akong nabuhayan ng marinig ko ang tunog ng alarm sa cellphone ko na hudyat na alas kwatro na.

It's Zaphira's turn now devil.

bumalik ako sa dating huwisyo kaya tinanggal ko na ang mga tali na nakakapit sa katawan ko at sinimulan na ang pangalawang plano---Ang pagsusunog.

Una Kong hinanap ang gasolina at nakita ko naman agad ito. Binudburan ko ang lahat lahat ng bagay na nakita ko. Lahat lahat Maliban sa isa---Ang picture ni Lola, gusto ko kasing last na yun para sa paraan na iyon, makita ko Kung pano siya unti unting masunog at malagas kasama ng kademonyohan na ginawa niya.

Agad Kong kinuha ang mga gamit ko, Si Zaphire at ang mabigat na picture ni Lola.

Agad akong lumabas ng mansion Habang dala dala ang mga ito. Agad Kong sinindihan ang kandila na dala ko

"Goodbye"

At tinapon ko ito sa mansion, agad namang gumawa ito ng malaking sunog.

Pagkailang minuto ay halos hindi na mahitsura ang mansyon, at nasisigurado ko ring lahat lahat ng bagay dun ay sunog at agnas na kaya napagplanuhan Kong itapon na ang litrato para matapos na lahat ng ito.

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon