Chapter 8
*Kaira's POV*
Sa aming pagtakbo ay napadpad na kami sa kusina ng mansyon.
"Anong gagawin natin dito?"- tanong ko habang hinahabol ang aking paghinga.
"Kaira, Makinig ka. Galit si Mira sa mga magagandang babae kaya hindi ka niya papatahimikin. Nung araw na nabangga tayo sa poste, malakas ang impact ng pagsalpok natin doon kaya nagkasugat-sugat ang aking mga mukha at nasunog. Sinubukan ko kayong hanapin pero bigo ako. Napunta ako dito sa mansyon at napag-alaman kong andito kayo. Pagpasok ko sa mansyon ay biglang bumungad sakin si Mira. Akala ko ay papatayin niya ako kagaya ng ginawa niya sa mga kaibigan natin pero hindi. Hindi niya ako nakilala bilang isang magandang babae dahil sa nangyari sa mukha ko. Umalis nalang siya ng kusa kaya sinimulan ko na ang plano ko, at yun ay ang iligtas kayo"- paliwanag nito sa akin habang seryosong-seryoso ang mukha ni Arianna.
"T-teka, anong ibig mong ipahiwatig?"- kunot noo kong tanong sa kanya.
"Kaira nakakabaliw mang isipin pero kailangan mong hindi maging maganda sa paningin ni Mira. Ito nalang ang solusyon para tayo'y maligtas"- sagot nito.
Tiningnan ko siya sa magkabila niyang mga mata. Agad akong lumapit sa cooking area at pinaandar ang gas stove.
"Anong gagawin mo?"- tanong ni Arianna sa akin.
"Kung ito nalang ang paraan para maligtas tayo ay gagawin ko"- sagot ko sa kanya na walang pag-alinlangan.
Ipinikit ko ang aking mga mata at bumuntong hininga.
"Kaya mo to Kaira"
Ilang sandali pa at agad kong sinubsob ang aking mukha sa nagliliyab na apoy ng gas stove.
"AAAGGGHHHH!!!"
Napahiyaw ako dahil sa sakit at hapdi na aking nararamdaman. Masakit na masakit man ang aking ginawa pero kailangan ko tong gawin. Kailangan ko.
"Kaira tama na!"
Hinatak ako ni Arianna para mailayo sa gas stove. Ang hapdi, Ang hapdi-hapdi. Agad kong binabad sa tubig ang aking mukha para ito'y mabasa at matuyo.
"Sakto na siguro yan para di ka makilala ni Mira"- sabi nito.
Hindi ako makapagsalita. Ang sakit parin. Parang matutunaw na ang aking mukha. Pero kailangan kong maging matatag.
Ilang saglit pa at umihip ang napakalakas na hangin dito sa loob at doon ay lumabas ang babaeng si Mira.
Inabot ko ang libro kay Arianna at agad siyang tumakbo patungo sa gas stove. Dahan-dahang lumapit sakin si Mira at tila hinahanap pa nito ang libro sa akin. Akmang aatakihin na niya ako pero agad siyang napatigil at tiningnan ako sa mukha. Biglang bumalik ang kanyang mala-anghel na anyo. Hindi niya ako nakilala. Gumana nga ang ginawa naming plano ni Arianna.
"Matatahimik ka na rin Mira"- sabi ko.
Sinenyasan ko si Arianna at agad niya namang binabad ang libro sa gas stove na nagliliyab pa ang apoy nito.
"ARRRRRRGGGHHH!!!!"
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Mira. Napayuko kami ni Arianna dahil sa lakas ng kanyang sigaw.
Ilang sandali pa at unti-unting naglaho si Mira kasabay ng librong naging abo na.
To Be Continued........
BINABASA MO ANG
UNO DOS TRES
Mystery / ThrillerLife is a Mystery to be lived and not a problem to be solved. A three story in one book.