Tres

27 3 0
                                    

Chapter 7

*Heidi’s POV*

Ang sarap sa pakiramdam na sasagipin. Yun pala sina Paul at Andre.
“Paul? Andre?”-gulat kong tanong. Buhay sila!
“Buhay kayo?”-dagdag ko.
“Oo buhay kami. Mamaya na kami magpaliwanag.”-sabi ni Andre.
“Sino tong mga to?!”-sigaw ni Jericho. At biglang bumalik ang kanilang mga anyo sa dati.
“Sila! Sila yung pumatay sa kasama namin sa kwarto, at mabuti nalang at nakatakas kami ni Paul.”-sabi ni Andre.
“Tama nang dakdak! Kailangan mo nang sumama sa amin.”-sigaw ni Kitty.  na may nakakatindig balahibo na boses.
“Ayoko! Sinira niyo ang farewell party namin!”-sigaw ko naman.

Hanggang sa itinaas niya ang kanyang mga kamay at gumawa ito ng napakalakas na hangin, at yun ay nakadulot ng aming pagkahilo, at saka kami nakatulog.

***

“Heidi! Gising!”-ginising ako ni Andre at gumising naman din ako kaagad, nasa gilid namin sina Abigail at Paul. Hindi ko akalaing naging ganito ang nangyari sa amin dahil ang sadya lang naman namin dito sa Cebu ay ang mag farewell party pero ito ang nangyari sa amin.

“Bes?”-sabi ni Abigail.
“Heidi?”-sabi rin ni Paul. Tumayo na kaming apat at tumingin-tingin kami sa paligid kung nasaan naba kami.

Kami ay nasa kwarto na kahit isang gamit ay walang nakalagay. Hanggang sa lumitaw na silang apat.

“Sumama kana sa amin anak.”-mahinhin na sabi ni Lilian.
“Ayaw ko po, pabayaan niyo na po ako.”-sabi ko naman.
“May sumpaan tayo Heidi.”-sabi ni Jericho.
“Hindi ako kasali nun dahil bata pa ako noon.”-sabi ko.
“Kahit na!”-sigaw ni Kitty.

Biglang naglaho si Kitty at napunta siya kay Andre, bigla naman niya itong hinila at sinabing.
“Ano Heidi? Sasama ka ba o papatayin ko to.”-pagbabanta ni Kitty.
“Ano bang meron sa akin? Bakit gustong-gusto niyo akong makuha?”-tanong ko.

Anong kailangan nila sa akin? Bakit mahalaga ako sa kanila? Nalilito na ako. Sa gitna ng aking pagkalito ay may biglang sumingit na isang babae.

To Be Continued.......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon