Tres

32 3 0
                                    

Chapter 3

*Heidi’s POV*

Lumalalim na ang gabi at nag-aalala na ako kay Kitty. Nasaan na kaya siya? Habang nag-iisip ako ay biglang may kumalabog sa pintuan namin at pinuntahan ko iyon kahit na akoy nanginginig sa takot. Pagbukas ko sa pintuan ay bumungad sa harap ko ang mukha ni Kitty. “Ikaw lang pala Kitty, saan ka ba nanggaling?”-pag-aalala kong tanong. “Ah-eh-ah, nagpahangin lang ako sa labas.”-nag-aalinlangan niyang sagot. At nag-aalinlangan din naman ako kung totoo ba ang sinabi niya o hindi. Pero binalewala ko nalang ito at pumasok na kami sa loob.

“Naiihi ako Kitty.”-sabi ko na sobrang ihing-ihi na. “Pumunta ka sa baba, yung unang pinto na makikita mo, yun cr yun.”-sabi ni Kitty. Habang naglalakad ako pababa ay nagtataka na naman ako kung bakit niya nalaman na doon matatagpuan ang cr eh bago lang naman kami dito. Sobrang weird talaga ni Kitty lately, pero baka naman ay nanggaling na siya doon kaya ay binalewala ko nalang iyon.

Habang akoy nasa palikuran ay may narinig akong mga boses. Nagtatayuan na tuloy mga balahibo ko. Lumabas ako ng palikuran at sinundan ko kung saan nanggagaling ang mga boses.

Hanggang napadpad ako sa sala at sumilip ako sa apat na tao na nag-uusap, sigurado akong si ma’am Lilian ang isa sa kanila at baka yung isa ay asawa niya. At ang dalawang parang ka-edad ko ay si Althea at Jericho, yung nakita kong nag-uusap kanina.

Natumba ko yung vase sa gilid kaya ay napalingon sila sa pinagtataguan ko at nagtago nalang ako ng mahigpit. Mabuti nalang at nagpatuloy sila sa kanilang pag-uusap. Hindi ko masyadong narinig ang kanilang pinag-uusapan dahil malayo lang ako. Pero sigurado akong itong mga linya ang narinig ko.

“Siya na ba talaga?”
“Nasa kanya ba?”
“Oo, sigurado ako.”

Hindi tuloy ako mapakali sa mga narinig ko kaya ay bumalik nalang ako sa kwarto at humiga sa kama ko.

Sino kaya ang tinutukoy nila? Anong ibig sabihin ng lahat ng ito? May importanteng dahilan kaya kung bakit kami nandito ngayon?

Marami pang mga tanong na bumabagabag sa akin. May kinalaman kaya ako dito?

To Be Continued......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon