Uno

67 4 0
                                    

Chapter 4

*Kaira's POV*

Ilang oras ang makalipas ay nanatili parin kami dito sa silid. Wala kaming magawa. Kinakabahan, natatakot at lalong lalo na, nagugutom. Para kaming mga taong hinoldap at hindi pinapakain. Naaawa na ako sa mga kaibigan ko at lalo na sa aking kapatid. Hindi ko akalaing mangyayari sa amin to.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Bumangon ako at tiningnan ang aking mga kaibigan kung kumpleto pa ba kami. And yes, tulog rin pala sila kagaya ko.

Pero laking gulat ko nang wala si Madelyn sa pwesto nito. Napalingon ako sa pintoan ng mapag-alaman kong nakabukas ito.

"Guys, si Madelyn! Si Madelyn!"- sigaw ng aking bibig.

Agad naman silang nagising at ako'y nilapitan.

"What happened?"- tanong ni Arshiya.

"Si Madelyn nawawala siya. Kailangan natin siyang mahanap"- di na ako mapakali. Naguguluhan na ako.

"But it's too dangerous outside. Baka makita tayo nung girl"- awat naman sakin ng kapatid ko.

"Di bale ng delikado, ang importante ay mahanap natin si Madelyn. We can't loose her"- sabi ko pero di sila nakinig sakin.

Wala na akong choice kundi ang tumayo at agad na lumabas ng silid.

"Kaira what are you doing?!"- sigaw sakin ni Arshiya.

Ramdam ko na sumusunod sila sakin kaya I feel safe.

"Kaira let's go back inside"- sabi ng kapatid ko habang nakasunod parin sila sakin.

"Kaira ano ba!"- hinawakan ako ni Arshiya sa braso at napatigil ako sa paglakad.

Humarap ako sa kanya na lumuluha ang aking mga mata. Agad naman nilang napansin iyon.

"Arshiya I don't know what to do anymore! Di ko na alam kung mabubuhay pa ba tayo o hindi. Wala akong magawa. Hindi ko sila nailigtas. Pakiramdam ko ang sama-sama kong kaibigan. This is all my fault! It's all my fault!"- sabi ko sa kanila habang ako'y umiiyak na.

"Ssshhh...Tahan na"- niyakap naman ako ni Arshiya para e-comfort.

Patuloy lang ang agos ng aking mga luha sa aking mga pisngi. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Iyak lang ako ng iyak. Nang bigla kong mapansin si Zaira na nasa likoran namin ni Arshiya.

Namumutla ito at mukhang takot na takot. Bumitaw ako sa pagyakap kay Arshiya at pinuntahan ang aking kapatid. Napansin naman agad iyon ni Arshiya at bumaling ang tingin niya sa amin.

"Zaira what's wrong?"- tanong ko sa aking kapatid habang nanlalaki ang aking mga mata.

Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kamay habang nanginginig. May itinuro siya sa bandang likoran namin. Lumingon ako at laking gulat ng makita si Madelyn na naka-kadena sa isang sulok.

"Madelyn!"- dala ng emosyon ay napasigaw nalang ako at tumakbo patungo kay Madelyn.

"Madelyn Why are you here? Anong nangyari? Bakit ka nagkaganyan?"- sunod-sunod kong tanong habang kitang-kita ko naman sa mukha niya ang takot at pagkabalisa.

"Umalis na kayo dito! Tumakas na kayo!"- sigaw nito sa amin habang naluluha ang kanyang mga mata.

"Madelyn relax. Ililigtas ka namin okay? Huminahon ka"- pagpapa-kalma sa kanya ni Arshiya.

"Umalis na kayo! Papatayin na niya ako, Papatayin niya tayo!"- babala nito sa amin habang walang-wala siya sa kanyang sarili.

"Sino? Sinong papatay satin? Sino?"- tiningnan ko siya sa magkabila niyang mga mata habang akoy nag-iintay ng kanyang isasagot.

"Si Mira"

Dahil sa repleksyon na galing sa kanyang mga mata ay kitang-kita ko ang isang itim na babae na nasa likoran namin.

Agad akong nagulat at napalingon sa aming likoran.

"Si Mira!"- sigaw ko.

Bago pa man maka-atake si Mira ay agad kaming itinulak ni Madelyn dahilan para kami ay tumilapon sa gilid at mailigtas.

"Madelyn!"- hiyaw ko.

Isang napakalakas na tili na naman ang narinig namin mula kay Mira, isang napakatulin na sigaw. Namilipit ang aking mga tenga dahil sa sakit.

Ilang sandali pa at natigil rin ito. Bumaling ang aking atensyon kay Madelyn at kitang-kita ko na nakalutang na siya sa ere habang sakal ni Mira.

"Kaira umalis na tayo dito! Kailangan na nating makatakas"- sabi sakin ni Arshiya habang hinihila ako para makatayo.

"Mira bitawan mo siya!"- hindi ko na pinansin pa ang mga pinagsasabi ni Arshiya dahil nakatuon ang aking buong atensyon kay Madelyn.

"Kaira let's go!"- bigla akong itinayo ng aking kapatid at nahila rin nila ako ng tuluyan.

Habang hila-hila nila ako ay kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano pinatay si Madelyn. Masakit, ang sakit!

"Madelyn!!"- isang malakas na sigaw pa ang aking binitawan bago siya dinukutan ng mukha at namatay

To Be Continued.......

UNO DOS TRESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon