Illicit
Days went so fast at nakaligtaan ko na ang mga nangyari. Nakalimutan ko narin kung sino si Cedric. Teka sino si Cedric? But of course it's too lame for that to happen. Matapos ang gabing yun ay wala akong balita sa kanya. I restricted myself for hearing anything about him at hindi ko sinubukang buksan muli ang instagram ko. That's too risky.
"Welcome to the world of doomed! Where feelings is being said but it is unanswered!"
Sharah looks so pretty with her new cut hair. She added a little highlight kaya mas nadepina ang kulay niya. Napahinga nalang ako ng malalim ng sinabugan niya talaga ako ng confetti sa ulo. Ang hilig niya magkalat dito sa Southville.
"Tigilan mo ako Sharah. Naiirita ako sa pagmumukha mo." I hissed.
"You lie low too much. How many days it has been? 4 or 6? Mygoodness! It's almost a week and you're just inside your apartment watching some hopeless romantic movies?" She look at me with disgust.
"Kaysa naman sayo bar ka ng bar sa mangingisda ka rin pala babagsak."
Natikom ang bibig niya at umiwas sa akin ng tingin. The great Sharah Adrealine Madrid fall for a random fisherman. We haven't meet the guy yet.
"Natahimik ka diyan?" I tease her but she roll her eyes.
"I have my next classes pa. Bye."
"Amputa Shar. Lunch break pa!"
But she never throw a gaze on me at patuloy na naglakad palayo. She always exit whenever I mentioned that guy. Luther told me that Sharah is sneaking out for a fisherman. Luther is her brother though.
Napahinga ako ng malalim ng tuluyang tumunog ang bell hudyat sa huli naming klase ngayong araw. Mas lalong sumama ang loob ko ng hindi ko ma explain ng maayos ang strategy ko sa marketing. Tangina! Daig ko pa ang iniwan ng jowa.
"She drink too much Jager kaya yan ang napala niya."
Mapakla akong tinapunan ng ngiti ang grupo nila Antonette ng magparinig na naman sila sa akin. Feeling nasa highschool parin ang mga leche. Kung tutuusin mas may sense ang strategy ko kaysa sa kanya. Di ko nga lang nadeliver ng maayos. Ampupu.
Naglabasan na ang mga kaklase ko at iilan nalang ang natira na nagliligpit ng mga gamit nila. The usual routine of every student. Parang routine nalang ata at di ko ramdam na studyante pa ako. Palabas na ako ng tawagin ako ni Professor Orlando.
"I knew you're aware of your performance Ms. Montague." Bungad niya pagkarating ko sa table niya.
"Yes Sir. Pasensya na po." I look down para umiwas sa mapanghusgang mata.
"You have a good performance on your previous school Ms. Montague. I wanna see how you work so do well next time. Maasahan ko ba ang oo mo?"
Bigla nalang akong kinilabutan sa huling sinabi si Sir. Ang jologs ng matandang tu pwede niya namang istraight ang english tinagalog pa talaga nakakakilabot kaya.
"Yes Sir."
"Very well. You can go now." Bumalik ang atensyon niya sa attendance kaya tumalikod na ako.
"Ms. Montague?"
Anak ng! May pahabol pa. Nilingon ko siya at bakas ang seryuso sa mukha niya.
"Lesser the Jager double the label."
Napamaang akong lumabas sa classroom. Alam kong Black or Gold label ang pinapahiwatig ni Sir pero iba yata ang intindi ng utak ko. Nakng!
BINABASA MO ANG
Hindrance of Dreams (Montague Series #2)
RomanceVenice Allison Archibald Montague, who love to do flirtings and flings and born with naughty and witty personality. Flirting and flings are part of her life. As she booked a room in Alcoy, a stranger who bang someone in the wall took her whole atten...