Dream 21

58 3 0
                                    

Semicolon

Iniuwi niya ako pagkatapos kong sumayaw ng Henta--amputa! Basta yung muntik na akong sumayaw. Akala ko tapos na ang sermon niya pero hindi siya natahimik hanggang sa nakatulugan ko na siya. I didn't even bother to change my clothes. Ngayon lang tumalab sa akin ang alak kung saan nakakita ako ng kama.

Ilang beses akong umungol sa sakit ng ulo ko. Napasabunot ako sa buhok ko at hilong hilo na bumangon. Bumungad agad sa akin ang mukha ko na  parang hindi pa na--amputa. Kay aga aga kung anu-ano sumasagi sa isip ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Cevi na may dalang tray ng pagkain. Naka poker face na naman siya at hindi ko alam kung ano na naman nagawa ko. Walang salita niyang ibinaba ang pagkain at lumabas ulit ng kwarto.

"Problema niya?"

Tingin koy babaliktad ang sikmura ko kaya madali akong tumungo sa banyo. Pagkasalampak ko sa sahig ay duon na lumabas lahat ng kinain ko kagabi.

"Amputang tequila!"

Iritado kong pinahid ang bibig ko. Pumunta agad ako sa sink at naghilamos. Nakayuko ako ng ilang minuto para alisin ang hangover pero wala talaga. Nanlaki ang mata ko pagharap sa salamin. Nagpalit ba ako kagabi? Inilapit ko pa ang mukha ko at--

"Enebe Cevi."

Sinumping ko ang magulong buhok ko sa likod ng tenga at kagat labi para wag makagawa ng anumang ingay sa pagtili.

Pinalobo ko ang pisngi ko at marahang tinapik. Kailan pa siya naging gamot ng hangover? Pagbalik ko sa kwarto ay dali dali akong lumapit sa trashcan. I saw some used cotton. My fake lashes are there together with those dry wipes na tingin ko wet kagabi. Nangalahati narin ang Micellair cleanser ko na nasa side table. Lumaki lalo ang ngisi ko.

Hihiga na sana ako ulit ng may napansin akong nakalukot sa kama. Parang puti na hindi ko-- nakng! Ano yan?! Kahit nandidiri ay hinay hinay ko itong dinampot.

"Condom ba 'to?" My eyes widened.

"I don't use condom."

Mabilis ko iyong nalukot at itinago sa kamay ko. Napaigtad pa ako sa gulat. Ganon parin ang mukha niya. Poker face.

"Ah eh-- Cevi?"

I called him at tinaasan niya lang ako ng kilay. Ba't ang sungit niya?

"What?" See?

"Tungkol kagabi--" huminto ako para tignan siya pero tingin koy tumaas lalo ang kilay niya.

"Thank you." I shyly smile.

Bumaba ang kilay nito at umupo sa kama. Nakatalikod siya sa akin. Tinulak niya ang tray ng pagkain sa harap ko.

"Eat that." Poker face niyang sabi.

"Galit ka ba?"

"Tss. You think?"

Dahan dahan akong gumapang sa kanya at niyakap siya sa likod. Rinig ko kung paano siya napasinghap.

"Sorry na. Bati na tayo." I murmur.

Marahan niyang tinanggal ang braso ko tapos yumuko kasabay ng malalim niya paghinga. Hinarap niya ako pero ang suplado niya parin tignan.Nagtaka ako ng kuhanin niya ang tray ng pagkain at inilapag sa sahig.

"Akala ko ba ipapakain mo yun sa akin?" I pointed the tray.

"It doesn't cure hangover." Walang gana niyang sabi.

Bumaling ako sa pagkain and there are two eggs and whole wheat toast at may avocado toast. May laman din na ang baso na malabong tubig.

"Ano yan?" Pointing at the glass.

Hindrance of Dreams (Montague Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon