Doubts
"I'm not going to marry her.."
He stood up and turn his back. Napuno ng sari't-saring reaksiyon ang hapag. I can't utter a word. Tila biglang naglaho ang boses ko.
"Levi! What are you saying?!" Naghysterical ang mama niya.
"Tama ba ang dinig ko, Thijs?" Sem.
"What an idiot.." Feia left the table.
Natulala lang ako sa harap ng pagkain. Bumagsak ang balikat ko at nanigas ako sa kinauupuan.
Isamg kasa ng baril ang muling nagpasinghap sa lahat. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. Nanaliksik ang mata ni Kuya Xander habang nakatutok ang baril kay Cevi.
"K-kuya.."
"Ulitin mo." Diin ni kuya. "Ulitin mo ang sinabi mo tarantado ka!" Sigaw nito at diniinan ang baril sa pagkatutok.
Cevi just smirked. Itinaas niya ang kamay niya at inilihis ang baril. Mas lalong umigting ang panga ni Kuya. Itututok niya sana ito muli ng mahawakan na ni Cevi ang braso niya.
His face was stoic but his eyes were taunting. "Not yet.." He said in low voice. "I'll marry her..." Tumingin siya sa akin. "But not yet.."
"Fucker--"
"Itatali ko ang kapatid mo sa akin."
Cevi cut him off. Pumunta siya sa direksiyon ko at hinuli ang aking mga kamay. Tuluyan ngang nawala ang boses ko. Nakatitig lang ako sa malapit niyang mukha. A small smile crossed on his lips.
"Papalitan ko ng Mendez ang Montague.." A shiver was sent to my spine. "Papakasalan ko siya ngunit hindi pa ngayon."
He caress my cheeks. Blanko na ang utak ko. Dinig na dinig ko ang mabibigat na paghinga ni Kuya. Nilingon namin ni Cevi ang nasa mesa. His cousin's lips were parted. Namumula ang mama nito sa inis sa ginawa ng anak niya ngunit si daddy..blanko ang mukha.
"Excuse us. I'll talk to my girlfriend first.."
Hinila niya kaagad ako paalis sa kinainan namin. We entered back to the beach house. Wala akong kibong nakasunod sa kanya dahil tahimik rin niya akong hinila. Akala ko papasok kami sa loob ng bahay ngunit lumiko kami at napunta sa pool.
Tuluyan na niyang binitawan ang kamay ko. Wala parin siyang sinabi. He walked to the glass wall. Sumunod ako at tumabi sa kanya. May distansiya. Nilagyan ko.
Tiningnan niya ako ngunit nagpanggap akong hindi ko alam. Tinanaw namin ang dagat. Madilim ngunit rinig mo naman ang tunog nito.
Bumaba ang tingin ko sa pinanggalingan namin. Naroroon parin ang mga magulang namin. Nakita ko si Kuya na umalis at pinahaturot ang sasakyan.
"Would your brother shoot me to death this time?" May tawa sa labi niyang tanong.
Nilingon ko siya. Hinahangin ang kanyang buhok habang nanuod sa madilim na karagatan.
"Bakit mo sinabi yun?" Mahina ang aking boses.
"What do you think?"
Di ako makapaniwala sa sagot niya. His voice was neutral. Walang biro at hindi kaseryusuhan.
"Pinapahula mo ba ako?" May hilaw sa boses ko.
Humarap siya sa akin. Nasa bulsa ang mga kamay niya. "Could you guess it?"
I laughed in sarcasm. Walang reaksiyon siya sa aking ginawa. Bumuga ako ng hangin para kumalma.
"Wag kang ganyan, Cevi.." Diretso ko siyang tiningnan sa mata. "Ayokong magduda sayo kung bakit mo iyon nasabi."
BINABASA MO ANG
Hindrance of Dreams (Montague Series #2)
RomanceVenice Allison Archibald Montague, who love to do flirtings and flings and born with naughty and witty personality. Flirting and flings are part of her life. As she booked a room in Alcoy, a stranger who bang someone in the wall took her whole atten...