Final Touch
Nanginnginig at pawis na pawis na ako habang matinding iniharang ang isang may kalakihang plato sa harap ko. Ilang ulit narin akong bumuntong hinininga at pilit na patayin ang stove pero isang palo sa braso ang pumipigil sa akin. I glare at him pero tinuro niya lang ang kawali na may tumatalsik na mantika.
"Flip it."
Nanaliksik ang mata ko sa kanya ng itulak niya ako gamit ang paa niya paharap sa stove. Iniharang ko muli ang plato at paulit ulit na nagmura hanggang sa mabaliktad ko ang isda.
"Amputa!"
"Your words Archibald."
Hindi ko siya pinansin at pabagsak na umupo sa upuan. I feel like my skin is burning. Ang hapdi at namumula na ito sa bawat talsik ng mantika. Para akong naiiyak pero nagpigil talaga ako. I just wish Daddy is here. O kaya si Kuya Xander dahil hindi nila hahayaang matalsikan ako ng mantika ni pahawakin ng sandok ay ayaw nila.
"I think it's done now get a plate and-- wait are you crying?"
Hindi ko namalayang napahikbi na pala ako habang nakapikit hawak ang kamay ko na namumula na sa palo niya ng sandok. Inayos ko ang sarili ko at humikbi ng isang beses. Pucha! Eh sa masakit talaga ih!
"Hindi. Nagro-rosaryo ako dito."
Tumayo muli ako at nilagpasan siya ng akmang lalapit siya sa akin. Pinatay ko na ang stove at kumuha ng plato bago nilagay ang pritong bangus sa plato. Tumungo ako sa mesa at inayos ang kainan. Naglagay narin ako ng kanin at ng uupo na sana ako ay humaawak siya sa braso ko.
He didn't say anything pero nakatitig siya sa namumula kong braso. Nais ko sanang bawiin ng humigpit ang hawak niya. Tamang higpit lang at hindi naman masakit.
"Does it still hurt?" His voice gentle.
"O-oo."
Agad ko itong binawi at umupo na muli sa upuan ko. Tumitig siya sa akin at umupo sa tapat ko. I was about to put some rice on my plate ng maunahan niya ako. I didn't bother to protest nor to glance at him. Naglagay lang siya ng kanin tapos umupo narin sa harapan ko.
"Wait for this."
Nang tapunan ko siya ng tingin ay hinimay niya ang isda bago ilagay sa plato ko. Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang siya. Bumagay ang apron ko na kulay blue na may konting bulaklak sa dibdib.
Hindi ko natapos ang Welcome Party ni Axle at umalis na kaagad ako. Nagdahilan nalang ako na sumama ang pakiramdam ko. Axle just approve it pero nakita ko na lamang ang sasakyan ni Cedric na naunang humarurot palayo.
Buong weekend ay namalagi ako kila Sharah at kinuwento sa kanya ang lahat. Tumili pa ito pero hindi niya parin nakalimutang paalalahanan ako kung sino si Cedric. Sa ikatlong araw matapos ang klase ko ay nagulat ako ng sumulpot na lamang siya sa condo ko dala ang iilang grocery. Halos mula ito sa wet market.
Nilagay niya sa isang trash bag ang lahat ng grocery ko na siyang pinag awayan namin at pinalit niya ang mga binili niya. He told me to cook for something dahil nagugutom daw siya at nang magbukas ako ng noodles at itlog ay isang pitik sa noo ang natamo ko hanggang sa napunta kami dito.
"I'm sorry Love."
Tumalbog na naman ang puso ko ng marinig ang sinabi niya. Tapos niya ng himayin ang isda at nakaharap na siya sa akin.
"But you really need to know how to cook." Dagdag pa niya.
"Nabuhay akong hindi marunong magluto. Hindi ko na kailangan pang matuto nito."
BINABASA MO ANG
Hindrance of Dreams (Montague Series #2)
RomanceVenice Allison Archibald Montague, who love to do flirtings and flings and born with naughty and witty personality. Flirting and flings are part of her life. As she booked a room in Alcoy, a stranger who bang someone in the wall took her whole atten...