Dream 25

55 4 0
                                    

High Law View

Nangangati na naman ang kamay ko sa ilang beses na pagpindot sa busina. Nakng! Wala na bang iuusad ang traffic dito?! Halos lahat yata kami ay panay ang busina. I grab my coffee and take a sip.

"Pag ako na presidente papagawa ako ng maraming daan lintik!"

Alam kong late na ako ngayon kaya hindi na ako magmamadali. Para saan pa? It's better to be late than never? Nah. It' better to be late than arrive haggard.

Kinuha ko ang phone ko at kumuha nalang ng litrato dulot ng traffic. I added it to my story with a caption of "late and driving."

CeviM:
Morning.

Aba! Anong oras na? Bakit ngayon lang siya nag goodmorning?! Diba dapat pagkabukas ng mata yan?!

ArchiMon:
Good morning my Architect!

Hindi ako galit no! Pa tapik tapik ako sa cellphone ko. Amputa! Ba't ang tagal niya magreply?!

CeviM:
Selfie.

Huh?! Nanghihingi ba siya ng picture ko? Nagmadali akong nag ayos. Konting retouch lang. Then click!

CeviM:
Ugly.

ArchiMon:
Wala ka talagang taste kahit kailan!

Naningkit ang mata ko sa inis! Anong pangit?! Ako?! Ha! Mali yata ang nilait niya. Montague ako! Pinaghalong Archibald at Montague!

Nagsimula nang umusad ang traffic kaya nagdrive na ako ulit. I just put my phone in my lap waiting for his reply.

CeviM is typing...

Pabalik balik ang mata ko sa cellphone at sa daan. Sobrang hina ng usad kaya may panahon akong matignan ang phone ko.

CeviM:
Masarap ka. So I have taste. Drive safe love :)

I blink. Smiling ear to ear while rubbing my eyes. Bakit ngayon ko lang naisip? Hindi naman pala masama maging pangit.

Natapos ang klase ko na puno ng pagtataka. Everyone is wearing red. From couple shirt, roses, and chocolates. Bakit halos ng tao my bitbit?! Bakit ako wala?!

"How can I take home all of these?"

Nagsalubong ang kilay ko. Lukot na lukot ang mukha ni Grace. Ang daming rosas at chocolates sa table niya. The whole room is full of chocolates and roses as well. Sobra bang weird pag wala akong natanggap?

"Anong meron?"

I sit next to her. Kakatapos niya lang mag text tsaka bumaling sa akin na halatang naiinis.

"It's almost hearts day at araw-araw nalang akong may ganito."

"Kanino ba galing yan? Sa mga admirers mo?"

Hindi naman malayo na mayroong admirers si Grace. She is quite popular because of her name and of course her elegant beauty. Ako beauty lang hindi elegant.

"I don't have admirers." She sigh.

"Eh bakit ang dami niyan? Isang tao lang yan?"

I pointed the yellow human size bear the bundle of red and white roses. May chocolates rin na naka boquet plus those foods.

"It's all from Kobe."

Nanlaki ang mata ko "Seryuso ka?!"

"Yeah. What to expect? That lawyer is spoiling me. Is he nuts at hindi niya naisip na hindi ko maiuwi lahat 'to?"

Hindrance of Dreams (Montague Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon