Dream 44

55 1 0
                                    

Not Yet

Tiningnan ko pa ng huling beses ang gamit ko. Baka kasi may nakalimutan ako. Napaghagikhik ako sa kalokohan na pumasok sa isip ko habang pinagmasdan ang aking isusuot mamaya.

Gumayak na ako pababa at tumawa ng mahina sa naabutan. Iritado ang mukha ni Kuya Xander habang nagse-cellphone si Kuya Shaun.

"Wag ka ng sumama, Xander. Bantayan mo nalang itong bahay.." Ani ni dad.

My brother snorted. "Forget it. I'm going." Pursigidong wika niya.

"Magmamaktol ka lang doon at kokontrahan mo lang si Venice..." Sumipat si dad sa relo niya. "Mas mabuti pang maiwan ka nalang..

"Sasama ako."

"Alexander."

Napawi ang maktol na ekspresyon ni Kuya at napatayo siya ng tuwid. Ang lamig ng boses ni daddy at kinilabutan yata kami doon. Sumimangot si Kuya bago huminga ng malalim.

"I..promise to behave. Iiwan ko rin ang baril ko.." dismayadong suko nito.

Pinipigilan kong matawa kahit nakakatakot ang boses ni dad kanina. Dumako ang mata ni Kuya Xander sa akin. His lips twitched at kumunot ng sobra ang noo niya.

"May nakakatuwa?"

"Ha? Meron ba? Hindi ako ngumingiti dito.." Pagmamaang-maangan ko pa.

"Tss."

Tumalikod siya at tuluyang lumabas ng bahay. Nang makarating ako sa sala ay binaba ni Kuya Shaun ang cellphone niya at tumingala sa akin. Seryuso ang mukha nito.

"I won't be there Allison.."

Tumango ako at ngumiti. "Ayos lang. May importante ka kasing meeting bukas."

"Still.." tumayo siya at hinarap ako. "Wag kang magpatusok hangga't hindi ka natatali."

Napahiyaw ako sa sakit sa aking noo ng pitikin niya ako. Sinuksok niya muli sa bulsa ang kanyang kamay.

"Amp--namumuro ka na Kuya a!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngumisi lang siya. "Dad, oh! Si Kuya Shaun!"

Tamad kami nitong tiningnan. "Itigil niyo na yang pagiging isip bata niyo..bilisan mo Venice para makaalis na tayo."

"Susunod po ako, dad."

Pagkalabas ni dad ay hinawakan ni Kuya Shaun ang magkabilang balikat ko. Nailang ako bigla at naguluhan.

"Kuy--"

Kinabig niya ako ng yakap. Natulala ako saglit sa biglaang kilos ni Kuya. May konting haplos sa likod ko ang ginawa niya.

"Don't let me see you crying again, Venice. Dahil kapag naulit iyon ay kaming dalawa ni Xander ang babaril sa kanya.." Pagbabanta nito.

Napatawa ako ng mahina. Binalik ko ang yakap kay Kuya Shaun ng napaka higpit.

"Masusunod, Kuya."

"But come home if it pains you, I'll cancel everything for you, Venice.."

Naiiyak ako sa tono ng salita ni Kuya Shaun. Napakalambot at tila ang bulong nito ay humahaplos sa puso ko.

I am so blessed for being a Montague.

Humikab ako sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng bintana. Inaantok na naman ako dahil sa hangin.

"Kuya pahiga, a? Inaantok ako e."

Hindrance of Dreams (Montague Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon