Dream 34

69 1 0
                                    

Reckless

"Hayop ka Cevi! Putangina ka parin hanggang ngayon!"

Hindi ko inalintana ang luhang humaharang sa paningin ko. Nais ko lamang siyang mahabol. Ang puta e! Ang bilis niya paring maglakad.

"Cevi!"

Garalgal ang boses ko sa pagsigaw papalabas ng hotel. Hindi ko na siya makita.

"Venice!"

Nasaan ba siya? Ang bilis niyang makaalis! Hindi pa ba siya natuto kung papaano lumingon pabalik? How could he left like that?

"Venice!"

How could he--pucha! How could he recklessly claim me again? Did he know how I longed to hear it? That for six years, everyday of it, inaasam ko araw araw na marinig?

"Venice--calm down."

Nahawakan ni Stan ang braso ko. Hawak nito ang mukha niya na tinamaan ng suntok. Humihikbi ako hanggang sa unti unti niya akong hilahin at hinaplos ang mukha ko.

"Your tears..it's falling again."
Kinabig niya ako ng yakap. "Papanong di naubos ang luha mo? Anim na taon ka ng umiiyak sa taong lagi kang iniiwan."

I pursed my lips harder but my sobs are too strong. Marahan akong tumiwalag sa yakap at napagmasdan ang mapupungay niyang mata.

"N-narinig mo yun S-Stan? I--was still his. Sinabi niya d-diba? Sa k-kanya parin ako.

Parang nagsusugat ang lalamunan ko sa hapdi ng pag iyak at tumitindi ang sakit sa puso ko tuwing naririnig ko ang boses niya sa utak ko.

Malalim na huminga si Stan. "Tell me... what should I do to make you unlove him?"

"A-ano?" Para akong nabulunan sa sinabi niya. "A-anong sabi mo? Gagawin mo para di ko na siya mahalin?"

Humakbang siya palapit na siyang ikinaatras ko. I've known Stanley. Hinding hindi niya gusto ang makita kaming umiiyak. Kahit si Amanda, mas gugustuhin niyang madurog siya ng paulit ulit kaysa makita niya ang isa sa amin na umiiyak.

"S-Stan.."

"Princess, that love wouldn't make you happy." Mahinahon niyang saad.

I huffed at him. "Mali ka diyan. Sumaya ako sa kanya nuon at alam kong sa kanya lang din ako sasaya." Umiling ako at pinalis ang luha ko. "Kaya pakiusap, wag ka gagawa ng paraan para tigilan ko itong pagmamahal ko sa kanya."

Tinalikuran ko siya at nagmadaling hanapin ang sasakyan namin kanina. My mind is too clouded that might explode anytime idagdag mo pa ang puso ko na may naghahalong emosyon.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng maharang niya ako. "I'll drive you home."

Walang pasabi niyang hinawakan ang braso ko at binuksan ang pinto. Kagaya ng dati ay nakaharang pa rin ang palad niya sa bubong ng sasakyan upang hindi ako mauntog.

"Ako na." I coldy said.

Marahan siyang tumango at isinara ang pinto. Nang masagi ng mata ko ang susi ng sasakyan ay hindi ko na itinuloy ang pagkabit ng seatbelt. Mabilis akong pumwesto sa driver seat at pinaandar ito.
Kumalampag ang bintana ng sasakyan sa pagkatok ni Stanley.

"What are you doing Venice?!"

Nadidinig ko ang boses niya sa labas. Sa aking natitirang lakas ay binuksan ko ang bintana.

"What are you doing, princess?"
Mas kalmado at may mabibigat na paghinga niyang turan.

Mapakla akong napangiti.
"You can't unlove someone if you're not willing." Umawang ng kaonti ang labi niya. "Stan, I don't want to unlove him."

Hindrance of Dreams (Montague Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon