Square One
My heart might explode. A mixed-emotions dominate my heart and I don't think If I can't hold it in any longer. Sabi kong hinid ako rurupok. But what am I doing inside this hug? Why am I enveloped in his arms again?
Tinipon ko ang natitira kong lakas bago siya marahang tinulak. "A-anong ginagawa mo?"
My voice was automatically cold. I should be happy. Pero taliwas ang nararamdaman ko. Aaminin ko, may sumaya sa parte ng puso ko pero hindi iyon naging sapat upang maipagsawalang bahala ang sakit sa kabilang banda.
"I told you before.." he moved one step forward. "I'll find my way back to you if you'll not hate me."
His face is impassive. His voice sounds firm and cold. And his eyes...his eyes were like talking now. Napakislot ako ng haplusin niya muli ang mukha ko.
His hands were rough but careful as if he was touching a fragile glass. "Aren't you going to welcome me?"
Nanginig ang aking labi sa kanyang tanong. Diretsong uminit ang sulok ng mata ko kasabay ng panunubig nito. Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa mahulog ang aking luha.
"You grow up so good." Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Kapag umiiyak ka na ngayon, you look beautiful too."
Mariin kong kinagat ang aking labi. Lasing lang ako diba? Pero bakit napakalinaw ng mga naririnig ko? Bakit sumisikip ang puso ko sa saya sa mga salita niya? Ganito na ba kapag lasing? Everything becomes clear and it seems real when you're drunk? Hindi ako kumurap. Natatakot ako na baka epekto lamang ito ng alak.
"L-lasing lang a-ako diba?" I shake my head. "K-kasi sa tuwing lasing ako g-ganito ang eksena..nakikita kita lagi. Para kang totoo..tapos pag gigising ako sa umaga, parang isang bangungot ang nangyari dahil wala ka..nasa iba ka ulit."
His face darkened. Umigting ang kanyang panga at naibaba niya ang kamay niya mula sa mukha ko. Mahirap itong lumunok saka hinapit ang aking bewang.
"Love.."
"Kaya ayaw ko ng malasing.." pinahid ko ang takas na luha. "Those alcohol always brought you to me." Huminga ako ng malalim at kumawala ang aking mga hikbi. "Pero gusto ko paring malasing...k-kasi lagi kang dumarating."
Patuloy ang paghikbi ko sa harap niya. Malinaw pa sa dagat ang pangyayaring ito. Ni hindi ako nahihilo at hindi man lang umiikot ang paningin ko. Pero papaano kong nililinlang lang ako ng alak? Na panandalian lang ito at bukas ay wala na ulit siya?
"Love.." kinabig niya ang aking bewang at hinuli ang mga kamay ko. "I am real..and I am yours." Bulong nito sa aking tenga.
Hindi ko mapigilang ngumiti ng mapakla. "You were mine six years ago Cedric--"
"Up until now, Venice. Hanggang ngayon." He adamantly said. "Stop saying nonsense, sayo lang ako."
Napamaang ako at natuod. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. He cupped my face and his thumbs move to wipe my tears.
"Stop crying. I will never leave again." He gently whispered.
Para akong baliw na natawa sa sinabi niya. Sobrang kalasingan 'to. Panigurado bukas, iiyak lang ako. Malulungkot. Because after he would comfort me tonight, he'll be back to someone else's arms.
Kumalas ako. "Puta. Ganito pala ang tama ng soju." Marahan kong hinila ang buhok ko para magising.
Napatili ako ng bigla niya akong isabit sa kanyang balikat na parang isang sako ng bigas at naglakad.
BINABASA MO ANG
Hindrance of Dreams (Montague Series #2)
RomanceVenice Allison Archibald Montague, who love to do flirtings and flings and born with naughty and witty personality. Flirting and flings are part of her life. As she booked a room in Alcoy, a stranger who bang someone in the wall took her whole atten...