Chapter 1: Letter of Goodbye

354 8 0
                                    

Year 1914

KINUHA ko ang gulay at prutas na kabibili ko lang galing sa palengke. Nagsimula akong magluto ng agahan para sa aming dalawa ng aking kapatid. Malamang excited siya sa araw na ito gayundin ako dahil uuwi na si Papa galing sa digmaan.

"Ate." Napalingon ako at nakita si Abigail, ang aking kapatid na papikit-pikit pa sa antok.

"Gutom ka na ba Abe?" Mahina siyang tumango at umupo sa hapagkainan. "Maghintay ka muna saglit, hindi pa ako tapos magluto."

"Bilisan mo Ate baka hindi na natin masundo si Papa sa hintayan ng tren."

Matapos kaming kumain ay agad kaming nagbihis at tinahak ang daan patungong estasyon ng tren. Isang oras ang lalakarin, dadaan muna kami sa palayan, tapos sa gubat bago makarating sa sentro bayan ng Campbell kung saan matatagpuan ang pamilihan at lalo na ang estasyon ng tren.

"Merari, saan kayo pupunta?" Sa 'di kalayuan ay may grupo ng kalalakihan na abala sa pag-aani ng palay at ang tumawag ay si Mang Iko na may hawak pang itak, kumaway ito. Napatingin na din ang iba niyang kasama.

"Magandang umaga po sa inyo, tutungo po kami sa estasyon ng tren."

"Ngayon ba ang uwi ni Peter?"

"Opo."

"Sige, humayo na kayo marahil dumating na ang tren galing norte."

Nagpaalam kami at nagpatuloy sa paglalakad, nagtitiis ang mga tao dito na maglakad kung tutungo ng bayan sapagkat mahirap makapasok ang sasakyan sa aming maliit na lugar.

"Ate."

"Bakit?"

"May regalo ako kay Papa." May kinalkal siya sa kaniyang bag at ipinakita ang nakatiklop na papel. "May pinagawa kasi ang Maestro sa'amin, gagawa daw kami ng bagay para sa taong miss na miss na namin," inabot niya ito sa'kin. Sa pagtingin ko ay ginuhit niya kami at nasa gitna siya, sa likod naman ay halatang bahay naming 'yon. Hindi man kasing galing tulad ng isang totoong manguguhit ay alam kong magiging masaya si Papa nito.

"Bilisan nating makarating sa estasyon para mabigay mo ito."

"Yey!"

Nasa bukana na kami ng gubat nang makita si Luke, ang kababata ko. Kasama niya ang kaniyang ina na si Aling Maria na parang patungo rin sa bayan.

"Magandang umaga po," sabay bati namin ni Abe.

"Kayo pala, tutungo rin ba kayo sa bayan?" Nilapitan agad ni Aling Maria si Abe at niyakap ito.

"Opo, ngayon daw kasi ang dating ni Papa galing norte."

"Gayundin ang asawa ko."

Habang abala si Aling Maria sa pagpisil ng pisngi ng aking kapatid nagtama ang tingin namin ni Luke, at sabay na nagngitian. "Salamat ng pala sa pagsundo mo kamakailan kay Abigail sa paaralan, naging abala kasi ako sa bayan noong araw na iyon."

"Wala iyon, naghatid naman ako ng sulat para sa punong guro at..." may ibinulong pa siya na hindi ko marinig.

"Ano? Hindi ko marinig."

"Wala," sabay kamot sa ulo niya.

"Mabuti pang sabay nalang tayong magtungo sa bayan."

Hindi naging tahimik ang aming paglalakad sa ingay ba naman ni Abigail tuwing nandiyan si Aling Maria. Tinuring na naming siyang parang ina mula noong iniwan kami ni Mama. Malaki ang pasasalamat ni Papa sa pamilya nila dahil palaging siyang abala sa maliit naming negosyo at gabi na nakakauwi kaya palagi kaming naiiwan sa pangangalaga nito.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon