Chapter 5: I Hate Liars

83 5 0
                                    

MAAGANG umalis ang mag-asawa, naiwan ang kambal na nakangiting nakatitig sa'min ni Abe. Kapatid parin naming sila pero hindi ko alam kung paano sila tratuhin. Wala naman silang kasalanan sa'min. Nagkatitigan ang kambal at bigla nila kaming hinila, nagtataka akong nakatingin sa dalawa. Dinala  nila kami sa malawak nilang hardin na may maliit na playground.

"Laro po tayo."

"Ate," sabay tingin ni Abe sa'kin.

"It's okay Abe, play with them." 

Naging malawak ang kaniyang ngiti at tumakbo patungo sa kambal. Umupo ako sa bench at tinanaw silang masayang naglalaro. Binasa ko lang ang newpaper ngayong araw, may bago na namang binomba at ito ay ang Ginston, malapit ito sa Campbell. Hindi pa nga naayos ang lugar namin may bago na namang apektado. Kalian ba magkakaroon ng katahimikan? Dahil dito maraming pamilyang nawalan, at isa na kami doon.

"Are you okay miss?" Napalingon ako sa taong nagsalitawa, walang iba kundi si Ate Cynthia na nakatayo malapit sa'kin

"I'm okay." Inabutan niya ako ng tea. "Salamat."


"Matagal ka na ba dito?" Hindi ko maiwasang mapatanong, pansin ko kasing parang marami siyang alam tungkol sa pamilyang ito.

"Opo, Miss."

Napatingin siya sa tatlo sa 'di kalayuan. "Kamakailan lang namin nalaman na may anak si Mrs. Maureen sa una niyang asawa. Pero halatang matagal ng alam ni Sir Redrick gayunadin ang kambal. Hindi man lang sila nagulat nang inanunsyo ng iyong ina ang inyong pagdating."

Bakit niya ito sinasabi? Sa tingin niya ba may paki ako?

"Sa tagal ko ng nanunungkulan sa kanila, nakita ko ang kanilang paghihirap Miss Merari. Nakita ko kung paano mangulila ang-"

"Iba nalang po ang pag-usapan natin." Pagputol ko sa kaniyang sinabi.  Ayaw ko munang isipin ang gusot at ang mga patong-patong na problema na meron ako ngayon.

"Oo nga po pala, sinabihan nila ako na pwede po ko kayong ipasyal sa Princeton. Nais niyo po ba?" Iyan yata ang pinakamagandang narinig ko mula sa kaniya. 

"Pwede po bang ngayon na?"

"Sige, maghintay kayo dito. Ipaghahanda ko kay Butler Jack ang sasakyan."


"Abe!" Sa aking pagtawag ay nagsitakbuhan ang tatlo sa aking gawi.

"Mamamasyal daw tayo."

"Talaga?" Puno ng galak ang kaniyang mukha.

"Pwede po ba kaming sumama?" Hinawakan ko ang kanilang pisngi na ang sarap kurutin at tumango.

"Yey!"


Ibinaba kami ni Butler Jack sa isang park. Nakasunod lang sa'min si Ate Cynthia. Pero napansin ko agad ang tingin ng mga tao sa paligid. Pilit kong hindi pansinin ngunit bawat tao ay makahulugang tinatanaw kami.

"Ano pong meron?" 

"Naku, hindi po kita nasabihan. Isa po kasi sa pinakamakapangyarihang ang pamilyang Evergard, at malakas ang koneksyon nito sa monarkiya," sagot niya. "Minsan lang din lumalabas ang kambal at maraming mga taong nais silang makita."

Gano'n pala ka kapangyarihan ang mga Evergard? Hindi ko inakalang makabingwit ng napakalaking isda ng babaeng 'yon.





Kumain kami ng ice cream sa isang shop. Aligaga naman kami ni Ate Cynthia na punasan ang dumi ng mukha ng tatlo. "Kahit anong turo ko sa kambal ay hindi parin maayos kapag kumakain na hindi nadudumihan," komento niya.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon