Chapter 30: The People Who Live

72 4 0
                                    

"Ate kailangan mong dumalo." Napagising ako sa mahinang pagyugyog ni Abe sa aking balikat.

"Ayaw ko Abe," saad ko at tumalikod ng higa sa kaniya.

"Ate ilang araw ka ng nagkukulong dito sa kwarto. Lalo na ngayon na inaasahan ka ni Princess Zuriel."

Nagpagulong-gulong sa kama at tinakpan ang ulo ko ng unan. "Ayaw ko talaga Abe." Hinila niya ako at niyugyog ng ubod ng lakas.

"Tumawag siya kanina, kung hindi ka dadalo hindi ka niya tutulungan." Napatigil ako at mabilis pa sa alas-kwatrong napabalikwas sa pagkakahiga.

"Sinabi niya talaga 'yan?"

"Oo."

Agad akong tumayo at tumakbo sa paliguan. "Anong oras daw?"

"9am!" rinig kong sagot ni Abe. "May 30 minutes ka nalang."

Lumipas ang mga araw pilit parin umaahon sa nangyari ang Princeton. Kahit nakuha na ito ng aming militar ay napakalaking pinsala ang naiwan. Ilang bangkay na ang inilibang pero parang wala itong katapusan dahil bawat araw may dumadating naman na bagong grupo. May iilan pang hinahanap parin masundalo man o sibilyan. Hindi na mabilang ang mga pangalang nakalista sa nabawian. Nagtulungan na ang mga nakaligtas sa digmaan at paunti-unti ay inaayos at konokolekta ang mga gamit na pwede pang pakinabangan. Hanggang ngayon ay meron paring gyera na nangyayari dahil may ilan pang bayan na nasa kamay parin ng Sauville kaya isa-isa itong inaatake ng militar para mabawi. Malaki ang naitulong ng Evergard, Hemes at iba pang mayayamang pamilya. Nakahiningi sila ng tulong sa ibang bansa kaya malakas ang pwersa ng Winston ngayon laban sa Sauville.

Nakakalungkot man isipin ngunit hindi nakaligtas ang Hari at Reyna, binaril sila sa puso nang dumating ang grupo ng mga sundalo na pinamumunuan ni Colonel Alexander. Tanging si Princess Zuriel nalang ang nakaligtas, kahit nangungulila pa sa kaniyang mga magulang ay wala siyang magawa kundi tanggapin ang trono at mamuno sa buong bansa. At ngayong araw na ito ang koronasyon niya, pero mahahalagang tao lamang ang imbitado. Kailan kasing protektahan ang bagong Reyna hangga't hindi pa tuluyang nakukuha lahat ng nasakop na bayan.

"Merari, mabuti naman at nakarating ka." Niyakap ako nito ng mahigpit at nakangiti akong tinugon iyon. Yumuko ako matapos ang aming yakapan na ikinatawa nito ng malakas, may ilan na bisita ang napalingon sa aming gawi.

"Takot lang akong mapagalitan mo," mahina itong napatawa dahil totoo naman.

"Nga pala may proposal ako sayo." Tumaas ang isa kong kilay. "Nais kong isa ka sa magiging tagapayo ko." 

"Binibiro mo lang yata ako, mahal na Reyna."

Hinawakan niya ang dalawang braso at ngumiti. "I'm serious, sa ngayon kasi mahirap pang magtiwala. Alam mo na may iilang opisyal ng Royal Government ay trinaydor kami," bakas ang lungkot at puot sa kaniyang boses. Hindi ko rin siya masisi. Halos kalahati ng opisyal ay tumalikod sa Royal family at nag-alyansa sa Sauville kaya napabilis ang pagpasok ng mga kalaban na hindi man lang namamalayan.

"Pag-iisipan ko." Mahina itong tumango at lumapit din sa ibang bisita. Naiintindihan niya rin kasi ang sitwasyon ko, 'di lang siya ang nawalan marami kami.

Nangungulila parin ako sa aking ina na kamakailan lang siya inilibing. Walang araw na hindi ako napapatigil at umiiyak nalang bigla dahil inaalala ko siya, masakit at puno ako ng pagsisi. Mahirap din sa kambal lalo na't bata palang sila. Nakikita ko pa si Tito Redrick tuwing gabi na niyayakap ang damit ni Mama. Nang malaman niyang nasawi ito ay agad niyang pinautos ang pagpahanap sa katawan nito at hindi naman siya nabigo. Kahit masakit ay pinilit naming magpatuloy, binalikan namin ang mansyon at agad itong pinaayos. Tumira ulit ako kasama nila, malugod naman akong tinggap ulit ni Tito at tinuring kaming anak. Hinihintay ko ang araw lahat kami ay humilom sa sakit sa pagkawala ni Mama.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon