Ilang araw ang dumaan ay mas dumagsa ang mga sugatang mga sundalo dahil sa digmaan na nagyayari sa Norte. Nasanay narin ako sa trabaho dito at nagugustuhan ko narin. Pero ang labis na nakakalungkot ay ang pagdating ng mga truck na naglalaman ng mga nasawing sundalo. Mabuti nga at hindi sa'kin nakatoka ang paglista ng pangalan nito at ang dahilan ng pagkasawi. Ginagabi narin ako ng uwi at dahil sa pagod nakakatulog agad pagdating ko sa bahay.
"Uuwi ka na?"
"Oo," sagot ko kay Jane na abala parin sa kaniyang pasyente.
"Mauuna na ako."
Napahigpit ang pagyakap ko sa aking sarili ng paglabas ko sa hospital nang sinalubonga ko ng malamig na simoy ng hangin. Nakasuot naman ako ng jacket pero hind sapat ang kapal nito.
"Merari!" Napatigil ako at lumingon sa pinaggalingan ng boses.
"Doc. Asher. Ano po ang kailangan niyo?" Lumapit siya at ngumiti ng malawak.
"Aalis ka na?"
"Opo."
"Kung hindi ka nagmamadali ay yayayain sana kitang magkape sa coffee shop malapit dito?"
Napasulyap ako sa pinto ng emergency room, tanaw ko mula sa loob ang tingin ni Jane sa'min. Halatang hindi pa siya umaamin kay Doc.
"Sorry po, dadalawin ko po kasi ang mga kapatid ko ngayon," pagsisinungaling ko. Ayaw ko namang saktan si Jane, kaibigan na ang turing ko sa kaniya.
"Gano'n ba. Sayang naman."
"Sorry po talaga." Nagpaalam na ako sa kaniya pero pansin ko ang pagkadismaya ng mukha ni Doc.
Napadaan ako sa dalawang sundalo na nag-uusap malapit sa tarangkahan ng base camp.
"Ano daw isusunod?"
"Swendey."
"Kailan?"
"Mamayang madaling araw."
Patay malisya akong nilagpasan sila. Sa ilang araw kong pagtatrabaho dito ay may iilan na akong naririnig pero mas malala ang nararamdaman kong kaba ng binanggit ang Swendey. Malapit lang ito sa Princeton ilang oras lang ang byahe at mararating na ito. Binalaan naman ako ni Jane ang pinakahuling regulasyon sa pagtatrabaho dito na kung ano man ang narinig ko sa loob ay hindi ito pwedeng lumabas. Kung maari ay kalimutan o itikom nalang ang bibig, dahil mas maging ligtas ang buhay ko kung mananatiling tahimik. Sinabi niya rin na marami ng nagtatrabaho dito na nawawala nalang bigla at pagkaraan ng ilang araw ay matatagpuan nalang itong wala ng buhay.
Paggising ko ay pilit kong kinalimutan ang nangyari kahapon, masaya akong nag-agahan at umupo sa maliit kong mesa malapit sa bintana. Habang nag-iinom ng kape ay nagbabasa ako ng dyaryo na binigay ni Aling Lira, ang may-ari nitong tinitirhan ko. Nang ibinuklat ko ito sa sumunod na pahina ay parang tumigil ang mundo ng mabasa ko ang nakasulat.
"Bombing in Swendey"
Muli kong naalala ang usapang narinig sa aking pag-uwi. Parang may nakabara sa aking lalamunan na ang hirap ilunok. Nanginginig ang aking kamay na hindi ko agad napansin na nahulog ko na pala ang tasa ng kape na aking ininom kanina.
"Okay ka lang Merari," hingal na hingal na dumating si Aling Lira na nakatira sa kabilang kwarto. Agad akong bumalik sa reyalidad. "Namumutla ka?"
"Okay lang po ako, hindi yata maganda ang naging gising ko."
"Tawagin mo lang ako kapag hindi mo kaya." Tumango lang ako at mabilis na napaupo nang mawala na si Aling Lira. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, may halong takot at konsensiya. Napahilamos ako sa mukha at nakatulala sa kawalan.
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Historical FictionAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...