Ilang araw ang lumipas at wala kaming nakukuhang kahit anong balita galing sa northern border. Nagtatanong naman si Mrs. Hemes sa War office ngunit tanging sinasabi confidential daw. Ang tanging alam lang kasi namin ay nagkaroon ng malaking pag-atake sa northern border at patuloy parin ang gyera. Kaya pinatawag agad si Zaizen para magtungo doon. Nakakabahala na rin kasi, wala man lang kaming natatanggap na sulat.
Sa aming hapunan tanging kami lang tatlo ang nasa hapagkainan. Bakas din sa kanilang mukha ang lungkot nang marinig ang masamang balita.
"Hindi naman makaka-uwi si Dad, nangko pa naman siyang tuturuan niya akong magbisikleta," sambit ni Cole habang nilalaro ang pagkain sa kaniyang plato.
"We need to understand the situation Cole," sabi ni Mrs. Hemes. Napag-alaman kong ang General ng hukbo ang kaniyang ama. Sabi naman ni Cole strikto raw ang ito lalo kapag pag-aaral na ang usapan.
"Marunong akong magbisikleta Cole, pwede ako ang magturo muna sayo pansamantala hanggang sa bumalik ang Dad mo."
Naging maliwanag ang kaniyang mukha at nagningning pa ang mata habang nakatitig sa'kin. "Talaga Ate Merari?" Tumango ako agad at ginulo ang buhok niya. "Pwede bukas agad?"
"Walang problema."
"Yes! Masosolo kita, wala naman dito si Kuya Zai para maging hadlang sa'tin."
Napailing nalang ako habang nakangiti dahil sa sinabi niya.
Natapos ang hapunan ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Habang nakatanaw sa bintana ay naisipan kong tingnan ang iniwang singsing ni Zaizen. Napansin ko ang naka-engraved na pangalan sa ilalim na bahagi.
Merari & Zaizen
Napakagatlabi ako sa aking nabasa. Kailangan ko na talagang alamin kung pagmamahal na ba talaga ang nararamdaman ko sa kaniya. Ayaw kong paasahin siya sa wala.
"I miss him already," bulong ko sa sarili at inalala ang maganda nitong ngiti noong kami ay nasa talon.
Tunog ng sirena ang nakapagising sa'kin sa kalagitnaan ng gabi. Pabagsak na bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng sundalo.
"May nangyayaring pag-atake, kailangan kitang madala sa undeground ngayon din." Kinuha niya ang roba at isinuot sa'kin. Nagtataka parin ako habang hilahila niya ang aking kamay.
Isang sunod-sunod na pagsabog ang nakapatigil sa'kin.
"Run!"
Napapikit ako sa takot at hindi napansin na nasa isang pinto na kami patungong underground. Sa aming pagdating ay sinalubong agad ako ni Mrs. Hemes ng yakap. "Thank God you're safe." Inalalayan niya akong umupo sa bakanteng upuan katabi kay Cole.
"Ano po ang nangyayari?"
"Umaatake na ang Sauville."
Hindi nila napigilan ang pag-atake ng kalaban, napaaga pa ito sa inaasahan namin. Narinig ko rin na marami na ang mga taga Sauville na nakapasok sa bansa na hindi man lang napapansin, nagpapanggap itong mga mangangalakal. May plano silang aatakihin ang Princeton at kunin ang trono.
"May gyera pang nangyayari sa northern border, malamang maraming sundalo ang ipinadala doon. "
"Tama ka, konti lang ang bilang na ng mga sundalo na nasa Princeton ngayon. Kung sakaling magpatuloy ang kanilang pag-atake maaari nilang mapasok ang lugar natin."
Masama ito.
May konting pagyanig kaming nararamdaman sa mga pagsabog.
Pumasok sa aking isipan si Abe at ang kambal. Sana maayos lang ang kalagayan nila. Alam ko namang may underground din sa mansyon ng Evergard. Pero sa tuwing may ganitong nangyayari ay palaging wala ako sa tabi ni Abe, tulad noong nangyari sa Campbell.
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Historical FictionAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...