Chapter 8: The Nightmares of my Past

84 6 0
                                    


Pagbalik ko ay agad akong sinalubong ni Princess Zuriel at hinila ako sa isang silid.

"Anong meron sa inyo ni Major Zaizen?" Nakangiti niyang tanong.

"Major? Akala ko Captain siya?"

"Kakapromote lang niya at si Alexander kamakailan. Anong meron sa inyong dalawa?"

"Wala naman," simple kong giit.

"Weh? At bakit hinila ka nalang niya bigla tapos nakita ko kayong nag-uusap?" Seryoso siyang naghihintay sa aking sagot at may pakurap-kurap pa sa mata.

"Nagkakilala kami sa Campbell." Bigla siyang tumili at kinilig. Hinampas-hampas niya ako sa braso at hindi pa na kontento at niyugyog ako pa ako.

"Princess Zuriel," awat ko dahil nahihilo na ako sa ginagawa niya.

"Sorry," nakahinga ako ng maluwag ng siya ay kumalma. "Ahh, kaya pala. Bagay kayo." Nakaramdam ako ng init sa aking mukha at umiwas ng tingin sa kaniya. Sinundot-sundot niya ang tigilaran ko at may panuksong tingin.

"Tumigil ka nga, magkakilala lang kami. At ang paghila niya ay niligtas lang ako sa mga lalakeng nagkakagulo na kanina."

"Parang may mali eh, hindi naman gano'n si Major Zaizen sa mga babae." Hinawakan niya ang kaniyang baba at nag-iisip. Pabalik-balik pa siya ng lakad sa harap ko at may binubulong. Tama nga ang Reyna, makulit at napakasigla nito.

"Maaaring gano'n lang talaga siya sa mga babae." Umiling siya at halatang siguradong-sigurado. "Kilala mo rin siya?" tanong ko. Parang malapit sila dahil sa inaakto niya ay kilalang-kilala niya ito.

"Oo, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa anak ng pamilyang Hemes. Magkakabata kami at ang kuya niya. Pero huwag kang magselos parang kapatid lang ang turingan namin."

"Bakit naman ako magseselos?" Magkakilala lang naman kami at hindi kami gano'n kalapit. Pangatlong pagkikita pa nga namin ang nangyari kanina.

"Alam mo bang wala siyang pake sa mundo, kahit madapa pa ang dyosa sa harap niya 'di 'yon tutulong. Sa kanilang magkakapatid siya ang pinakawalang modo. Parang pasan niya ang buong mundo, at hindi ngumingiti. Hindi rin siya nakikipag-usap sa ibang tao maliban nalang kong napaka importante ang pag-uusapan niyo."

"Talaga?" Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin.

"Meron pa, ang bilis niyang magalit, isang maling salita lang ang lumabas sa bibig mo, " inaksyong ginilitan niya ang kaniyang leeg na ikinalunok ko sa takot.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

"Oo nga, sa tagal ba naman nakasama ko sila ay alam ko ang kanilang pag-uugali."

"Pero kasi hindi naman ganyan ang ipinakita niya sa'kin." Tumili naman siya at talon-talon, hinawakan pa ang aking kamay at pinisil ito.

"Nagbibinata na siya!" Napahawak ako sa aking noo, 'di ko alam na ganito kasigla si Princess Zuriel kahit malapit ng maghating-gabi. Kumaripas siya ng alis at iniwan akong nagtataka parin sa inakto niya.

Natapos ang kasiyahan ng matiwasay, kaniya-kaniyang nagsiuwian ang mga bisita. Ang masayang mansion kanina ay napalitan ng katahimikan.

Magkaharap kami ni Abe at napag-isip kong kailangan kong sabihin sa kaniya ang aking planong pag-aalis.

"Abe, alam kong naging malapit na ang loob mo sa pamilyang Evergard. Pero nais kong umalis na tayo dito."

"Hindi mo ba kayang patawarin siya?"

"Hindi ko pa kaya Abe, sana maintindihan mo."

"I cannot leave her Ate," napatigil ako sa sinambit ng aking kapatid. "I like her, gusto ko pa siyang makasama at makilala. Tinawag ko nga siyang Mommy noong nakita ko siyang nag-aalala at hinahanap ka. She cried and hugged me. Wala siya sa tabi ko noong ipinanganak ako pero alam kong pinagsisihan niya ito at nakita kong bumabawi siya sa kaniyang ginawa."

"Oh Abe, bakit ang bait mong bata? Kung pwede lang sana ay maging katulad nalang ako sayo." Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "I wish I could have a warm heart like yours. Kung pwede lang kalimutan ang lahat ng ginawa niya pero kahit sa panaginip ko ay inahabol parin ako ng nakaraan."

"It's okay ate, I understand." Umalis siya sa aking yakap at pinunasan ang aking luha.

Flashback:

10 years ago.

Nakasilip ako sa sala kung saan tanaw ko si mama na umiinom naman ng alak. Halatang lasing na lasing na siya at ilang bote na ng alak ng kaniyang naubos.

"Pesteng buhay naman ito!" Napatalon ako sa gulat ng bigla nalang niyang tinapon ang walang lamang bote at nabasag. Napatingin siya sa gawi ko, "Anong tingin iyan!" Napaatras ako sa takot at mabilis na isinara ang pinto ng kwarto. Pero pumasok siya at pinagpapalo ako ako.

"Mama tama na po."

"Nang dahil sayo nasira ang buhay ko!" Walang tigil niya akong pinalo. "Kung hindi ka nalang sana ako nabuntis at isinilang ka, mas maayos pa ang buhay ko!" Hindi pa siya na kontento at kinuha ang kaniyang tsinelas at pinalo ng ilang beses.

"Mama tama na po." Napapaiyak nalang ako at pilit na nagmamakaawa. Pero alam kong hindi siya titigil hangga't hindi nakakaramdam ng pagod at kontento sa magiging kahihinatnan ng kaniyang ginawa. Napapangiti siya kapag nakikita akong puno ng pasa at sugat sa kaniyang mga palo at pananakit.

"Mama."

8 years ago

"Mag-ayos ka Merari, isuot mo ang pinakamaganda mong damit."

"Bakit po Mama?" Kararating ko lang sa ekswela at agad niya akong sinalubong.

"May pupuntahan tayo."

"Pero Mama, magluluto pa po kasi ako para sa hapunan natin mamaya." Mabilis niyang hinawakan ang aking braso ng mahigpit.

"Susuwayin mo ako? Bilis bihis!" Hinila niya ako sa aking kwarto at malakas na tinulak papasok. Matapos kong magbihis ay agad akong lumabas.

"Bakit hindi ka nagsuot ng palamuti sa mukha?" galit niyang tanong.

"Hindi naman po ako gumagamit Mama."

"Pwes gumamit ka ngayon, ipapahiya mo pa ako." Inabot niya ng pabagsak ang isang pouch na naglalaman ng palamuti sa mukha. Pilit kong hindi umiyak at baka lalo pa siyang magalit.

Nang matapos ako ay agad kaming umalis, nais kong magtanong ngunit pinili ko nalang na tumahinik at baka madagdagan na naman ang aking pasa, uuwi na naman si Papa na may sama ng loob kapag makita ako na may sugat at pasa dahil kay Mama. Sawa na ako sa kanilang walang humpay na away dahil sa'kin. Pero mahal ako ni Papa, ligtas ako kapag nandiyan siya.

Nagtataka at nakararamdam na ako ng kaba ng mapansing nasa loob na kami ng gubat. Hindi ito ang daan patungong bayan, hindi ko narin maalala ang daan pauwi. "Mama," nilingon niya ako na may galit. Hindi na ako muling nagsalita hanggang sa matanaw ko ang grupo ng mangangakal sa di kalayuan.

"Nandiyan na siya!" Nang tuluyan na kaming nakalapit mas natakot ako ng makita ang mga ito. Parag hindi sila mangangalakal at ang lalaki ng kanilang katawan. Mabilis akong nagtago sa likuran ni Mama at mahigpit na kumapit sa kaniyang braso. "Saan na ang ibebenta mo sa'min?"

Bigla akong tinulak ni Mama sa mga mangangalakal. "Mama."

"Labing-dalawang taong gulang pa 'yan."

Napaatras ako ng lumapit ang mga ito sa'kin at ang isa ay hinawakan ako sa mukha. "Napakabata at walangya napakaganda. Tiba-tiba tayo nito!" Nagsihiyawan sila sa galak, habang ako ay pilit na gumagapang papalapit kay Mama.

"Mama." Nakahawak ako sa kaniyang paa ngunit sinipa niya lang ako.

"Wala kang pakinabang kaya ibebenta nalang kita sa kanila." Gulat na gulat ako habang nakatingla sa kaniyang walang emosyong nakatitig sa'kin.

"Mama, huwag niyo po itong gawin." May biglang humila sa aking paa at pilit akong ginapos.

"Mama, magpapakabait na po ako." Inabutan siya ng pera at 'di man lang nag-abala pang lumingon sa'kin at naglakad palayo.

"Mama!"

End of flashback

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon