Chapter 26: Princeton has Fallen

58 4 1
                                    

Sakay sa isang lumang sasakyan, wala akong pagdadalawang-isip na sumama sa ilang medical team para puntahan ang grupo ng mga sundalong nakapwesto sa timog na bahagi ng tarangkahan. May natanggap kasi silang balita na nagkakaubusan na ng pagkain doon at marami naring sugatan. Ito rin kasi ang bahagi na malayo-layo sa sentro ng Princeton. Tanging kasama ko lang ay si Lieutenant Lexa, dahil hanggang ngayon hindi parin bumabalik si Lieutenant Coleen, nagsisimula na akong mabahala.

"Malapit na po tayo."

Pansin agad ang tunog ng palitan ng putok at mga pagsabog. Biglang napatigil ang sinasakyan namin nang harangin ito ng ilang sundalo.

"Medical team po kami at may dala kaming mga pagkain."

"Hindi na po kayo pwedeng lumapit pa, delikado na po kasi. Mabuti pa po dito nalang po kayo magtayo ng tent."

Hindi na kami pumalag at sumunod na lamang. Kahit mapuno ang bahaging ito at walang mga kabahayan bakas parin ang epekto ng nangyaring atake. Ilang puno nalang kasi ang nakatayo at ang iba ay umuusok pa dahil sa sunog.

Nagsidatingnan agad ang mga sugatang mga sundalo. Hindi rin maiwasang mapagulat nalang kami kung may maririnig na mga pagsabog. Nakatoka ako sa pagbibigay ng pagkain, halata sa mga mukha ng mga sundalo ang pagod at gutom kaya mas dinoble ko ang rami ng kanilang pagkain.

"Salamat po."

Nakakalungkot isipan na humantong sa ganito ang awayan ng magkabilang bansa. Hindi ko rin mawari kung ano ang naiisip na solusyon ng Royal Palace.

"Merari?"

Napatigil ako sa aking ginagawa at napalingon sa tumawag ng aking pangalan. "Luke!" Nakilala ko agad siya at dinamba siya ng yakap.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Kunot noo niyang tanong habang ako ay nakatitig sa kaniya dahil may suot siyang uniporme ng mga sundalo.

"Nagsundalo ka?"

Nagpakamot siya sa kaniyang ulo bago mahinang tumango. Ang huli naming pagkikita ay nasa medical tent pa siya at nagpapagaling.

"Kamusta na ang mga magulang mo?"

"Ayos naman, matapos akong gumaling ay lumipat na kami dito sa Princeton. Wala na kasi kaming nakikitang pag-asa para makaahon ang Campbell."

Nakaramdam naman ako ng lungkot, kung tatanungin ang kaniyang magulang. Sila ang huling taong aalis sa Campbell pero sa nangyayari ngayon ay wala na talaga silang mapagpipilian.

"Mabuti naman, nais ko silang makita kapag may pagkakataon."

"Oo naman, walang problema. Hinahanap narin kayo ni Mama lalo na si Abe."

Tinapos ko muna ang pagbibigay ng pagkain bago lumapit muli kay Luke na nakaupo sa ilalim ng puno. Inabot ko sa kaniya ang malinis na tubig at agad naman niya itong tinanggap.

"Nagpalitan nga pala ng liham si Mama at si Abe pero ang huli niyang sulat ay noong sinabi niya na nagtungo ka daw sa Swendey."

"Oo."

"Ang laki ng pinagbago mo." komento niya habang nakatitig sa'kin.

"Ikaw din naman, sa ilang buwang hindi tayo nagkita maraming nangyari."

"Tama ka."

"Okay lang ba kay Aling Maria ang pagpasok mo sa militar?"

Mula pagkabata ay sinasabihan na siya nito na hindi pumasok sa pagsusundalo. Takot kasi itong mapahamak si Luke lalo na minsan nang nawalan ng kapatid si Aling Maria dahil pumasok ito sa pagkasundalo.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon