Isang araw maaga akong ginising ni Zaizen. Pinaalam niyang may pupuntahan daw kami, hindi naman niya sinabi kung saan. Sana lang ay hindi ito panibagong party at baka masuntok ko na siya.
"Aalis naman kayo! Ate Merari, bakit palagi mong pinipili si Kuya kaysa sa'kin?" Namamaaktol na sambit ni Cole nang makita kaming papalabas ng mansyon.
"Mas mahalaga kasi ako kaysa sayo," walang pagdadalawang-isip na sagot ni Zaizen. Hindi na napigilan pa ni Cole at umiyak, mabilis itong tumakbo palayo.
"Zaizen!" Nagkibit balikat lang siya at nilagpasan ako.
"Dapat hindi mo 'yon sinabi!" Bulyaw ko sa kaniya habang nakasunod. Pero imbes na makinig ay ngumiti lang ito at hinila na ako pasakay sa sasakyan.
Hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako sa sementeryo. Tahimik at walang katao-tao, siya nga mismo ang nagmaneho papunta dito kahit may drayber naman.
"Anong ginagawa natin dito?" Nagtataka ko tanong, pero imbes na sagutin ako ay inabot niya lang ang mga bulaklak na kinuha niya sa likod na upuan. May dadalawin yata kami.
Sumunod lang ako sa kaniya, hindi narin ako nagtanong pa dahil alam kong may dahilan siyang, mas pinipili niyang tumahimik kaysa magsalita kagaya ng karaniwan niyang ginagawa.
Nabunggo ako sa kaniyang likod sa bigla niyang pagtigil. Habang sapo-sapo ko ang aking noo ay napatingala ako sa kaniya at napasimangot. Pero nagtataka ako nang makitang nakaturo siya sa ilang puntod sa 'di kalayuan, malapit ito sa napakalaking puno ng mangga.
"Dito lang ako, hihintayin kita. Take your time." Napatigil ako sa sinabi niya at muling tiningnan ang puntod na kaniyang tinutukoy.
Sa aking paghakbang ay parang nakasemento ang dalawa kong paa at ang hirap ilakad. Alam na ng katawan at puso ko kung sino-sino ang mga puntod na iyon. Nang makalapit at makita ang mga lapida ay hindi ko na maiwasang mapasalampak sa lupa, nawalan na ng lakas ang aking mga binti.
"I'm sorry!" Napahagulgol ako habang sinisigaw ang kanilang mga pangalan. Nawalan ako ng kaibigan at katrabaho. Nawalan na ako ng pamilyang sinisimulan ko palang itayo. Sa konting panahon na nakasama sila ay naging masaya naman ang paninirahan ko dito sa Princeton lalo na't nakilala ko si Jane at ang iba pa.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod. Nilagyan ko ng bulaklak ang bawat lapida. Hindi ko man lang sila naihatid sa kanilang libing. Niyakap ko ang aking sarili habang nakatitig sa mga ito, inaabangan ko pa naman ang araw na tutungo naman kami sa ibang lugar para gamutin ang nangangailangan.
Gagawin ko ang lahat mabigyan sila ng hustisya, hindi ko hahayaang namatay sila na hindi man lang nagdurusa ang mga may gawa. Tumayo na ako at pinahid ang kahuli-hulinhang luha na pumatak sa aking mata at lumingon kay Zaizen. I'm ready to tell them, everything, every detail and every bits of it.
Lumapit ako pabalik kay Zaizen at agad siyang niyakap naikinagulat niya. "Thank you for bringing me here. And I'm ready to testify."
"Are you really sure about this Merari?" tanong ni Zaizen. Hindi niya inaasahan na papayag na ako na magsalita at magtestimonya.
"I am," diretso kong sagot pero bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
Ilang araw akong binigyan ng panahon ni Zaizen mag-isip. At sinabihan na niya ang investigation group na may siyang hawak ng kaso.
Dumating ang araw na isisiwalat ko na ang lahat ng nangyari. Kadadating lang ng mga taong galing sa Royal Investigation Bureau, at hinihintay na kaming pumasok sa silid kung saan sila pinahintay.
"I'll be okay as long as you are with me." Tumango siya at inabot ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa loob .
Bawat detalye kwenento, sinabi at bawat tanong sinagot ko. At kahit nakaraan ko ay hindi nakatakas sa kanila. Walag atrasan na ito kung nais kong bigyan ng hustisya ang mga taong nawala sa'kin. Lahat siniwalat kahit nanginig ang aking pasasalita at hindi mapigilang mapaiyak nang muling inaalala ang bawat minutong nasa kamay kami ng mga armado.
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Historická literaturaAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...