Isang iyak ng babae ang nagpagising sa'kin pero pagod ang katawan at kahit ang mata ko para buksan ito.
"Merari, my dearest child. I'm sorry for being a worst mother you ever had. I know you won't forgive me. Kahit hindi mo ito marinig okay lang pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon na bumawi sayo. Alam kong hindi makatarungan ang ginawa ko. Sana maintindihan mo kung gaano ka miserable ang buhay ko sa mga panahong iyon. Gusto kong ipaliwanang sayo ang lahat pero hindi ko naman gustong masira kung gaano mo tinitingala ang iyong ama."
Boses palang alam kong kay Mrs.Maureen na ito. Pero hindi ko maintindihan ang nais niyang sabihin lalo ang huling bahagi.
"Ayaw kong isuklam mo siya at magalit sa kaniya pero tama na sigurong malaman mo na ang lahat. I was twenty one nang magdesisyon ang pamilya ko at ang Evergard na maging isa sa pamamagitan ng kasal. Si Redrick at ako ang naisipan nilang mag-isang dibdib. Hindi ko kayang magalit at depensahan ang aking pamilya, galing ako sa Winceson family."
Winceson, isa rin sila sa makapangyarihang pamilya at may dugong bughaw. Kaya pala malapit siya sa Royal family, magkamag-anak pala sila.
"Pumayag ako sa kanilang kagustuhan, kahit gusto kong hindi matuloy ang kasal. Sa ilang beses naming pagkikita hindi ko na maiwasang magkagusto kay Redrick. Pero hindi magiging matatag ang pagmamahalan kapag walang pagsubog at delubyong dumating. May medical mission program ang ginawa ng pamilya ko sa Campbell at ako ang pinadala nila bilang representate sa aming pamilya. At doon ko nakilala si Peter, sikat siya doon dahil sa kagwapuhan nito. Sa simula, simpleng pag-uusap lang pero binigyan niya ng kahulugan ang lahat at umamin siyang gusto niya ako."
Muli naman siyang umiyak at humagulgol.
"Maayos ko siyang sinabihan na hindi kami pwede at 'di ko siya gusto. Sinabi ko sa kaniya na ikakasal na ako pagbalik ko sa Princeton. Pero hindi niya ako pinakinggan labis ang kaniyang galit at doon nagsimula ang lahat."
Pagmamahal nga naman, pero paanong nagkaanak sila?
"Isang gabi nasa tent na kami at natutulog, maaga kaming nagpahinga dahil kinabukasan babalik na kami sa Princeton. Pero lahat ng galak at kasiyahan ko ay naglaho nang sa kalagitnaan ng gabi ay may tumakip sa aking bibig at bigla nalang akong nahilo. Sa aking paggising nasa bahay na ako ni Peter. Nagmakaawa ko na ibalik niya pero hindi siya nagpatinag at ginahasa ako."
Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ng marinig ang huling salitang binitiwan niya.
"Ilang beses niya akong ginahasa hanggang makontento siya. " Lalong lumakas ang kaniyang paghagulgol.
Mabuting tao si Papa hindi ko aakalain na kaya niyang gawin iyon. Mahal siya ng buong Campbell halos lahat ng mamamayan ay nagluksa noong siya ay namatay.
"Alam kong maraming naghahanap sa'kin pero hindi ako makahanap ng tiyempo para makatakas. Isang buwan, isang buwan niya akong kinulong hanggang sa nakatakas ako. Kahit hinang-hina ang katawan ko ay pinilit kong tumakas at pumabalik sa Princeton. Wala akong sinabihan sa nangyari kahit ano nalang ang palusot ko para lang makasama si Redrick at ituloy ang naudlot naming kasal. Sa simula masaya ang pamilya ko dahil nakabalik na ako at lalo na si Redrick pero hindi ko inaasahan na magkakabunga ang kasalanang ginawa ng iyong ama."
At ako ang naging bunga, kaya ba labis ang galit niya sa'kin? Kaya halos bugbugin na niya ako at hindi tinuring na anak. Nakaya niyang akong ibenta sa mga mangangalakal.
"Pinilit kong itago ito sa lahat pero walang sikretong ang hindi mabubunyag, pinalayas ako sa aking pamilya. Hindi ito alam ni Redrick at sa panahong din iyon ay nasa ibang bansa siya para sa negosyo. Wala akong mapupuntahan, wala akong dalang pera. Ilang araw akong palaboylaboy sa daan hanggang sa muling nagtagpo ang landas namin ni Peter. Nakita niya ako sa kalye, kahit labis ang pagkamuhi ko sa kaniya ay hindi na ako pumalag pa at sumama. Pinilit kong makisama kay Peter at mamuhay kasama siya pero sa oras kasi na tumibok na ang puso mo sa iba mahirap ng palitan pa."
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Historical FictionAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...