Chapter 4: The Woman I Cursed

97 5 0
                                    

HINDI ko inakala na sa Princeton pala nakatira ang babaeng iyon. Ito ang sentro ng bansa, dito nakatira ang mayayamang pamilya lalo na ang monarkiya. Ilang oras na kaming nasa daan at hindi parin nakakarating sa bahay nito.

Tama ba ang desisyon kong sundin ang nais ng aking ama? Paano kung ayaw niya pala sa'min? Paano kung sasaktan niya si Abe? Baka naman napipilitan lang siya na kupkupin kami?

"Malayo pa po ba tayo?"

"Malapit na po," nakangiting sagot ni Butler Jack.

"Sigurado po ba kayong dito nakatira ang babaeng iyon?" Napalingon siya at mukhang nagtataka pero agad din na nawala at diretsong tumingin sa kalsada.

"Opo Miss, napangasawa niya ang isa sa pinakamayamang pamilya sa buong bansa."

Pamilya? Iniwan niya kami para sa kayamanan. Napakuyom ako sa inis, mas lalo akong nakaramdam ng galit sa kaniya. Ano pa ba ang inaasahan ko? Mula pagkabata ay hindi siya nakontento sa bagay na ibinibigay ni Papa. Palagi niyang sinasampal sa mukha nito ang kakarampot na pera na nanggaling sa maliit na bookshop. Kung sa kaniya ay masalimuot na iyon pero sa'kin okay na kahit hindi kami marangya basta nandoon silang dalawa. Pero mas mabuti narin na iniwan niya kami, naging mas tahimik ang buhay ko at hindi naranasan ni Abe ang naransan ko sa kaniyang mga kamay. At kapag mangyayari man iyon sa oras na nasa puder na niya kami, hindi ako magdadalawang-isip na isumbat sa kaniya ang lahat at umalis.

Nabalik ako sa reyalidad nang hilahin ako ni Abe palapit sa bintana ng sasakyan. Aliw na aliw siya sa kaniyang nakikita sa labas, naglalakihang establisyemento at ang dami ng tao. Malayong malayo sa kalagayan ng Campbell, pero kung ako ang pagpipiliin ayaw kong tumira sa Princeton. Maraming tao at magulo, sa Campbell kasi payapa lahat ng tao nagkakasundo at higit sa lahat nandoon ang tahanan ko. Agad kong napansin na walang masyadong mga puno.

"Abe," napalingon ito sa'kin. "Are you excited to see her?"

"I don't know, hindi ko naman po siya nakilala, ikaw?"

I was 12 when she left, still young but I can still remember my dark moments with her. She left Abe without the taste of a mother's care. However, I'm grateful that Papa never turns his back to us, he endured all the upside-down of our lives alone.

Sasagot pa sana ako sa tanong ni Abe nang magsalita si Butler Jack. "We're here, welcome to Evergard family." Mabilis akong tumingin sa labas at isang malaking gate ang tumambad sa'min.

Mayaman nga talaga ang napangasawa niya. Good for her, tsk. Nakaradam tuloy ako ng pagsisisi na pumayag na dito kami tumira.

"The gate is so big Ate," nakangangang sambit ni Abe.

Sa aming pagpasok ay sinalubong kami ng napakagandang hardin at sa 'di kalayuan ay matatagpuan ang napakalaking bahay, or should I say a mansion. Sa pagtigil ng sasakyan sa harap nito ay binalot ako ng kaba at takot, may naririnig akong ingay sa labas na mas lalo kong ikinabahala.

Pinagbuksan kami ng pinto ni Butler Jack at unang bumaba ay si Abe. Hindi ko maigalaw ang aking katawan para lumabas sa sasakyan, ang unang pumasok sa isipan ko ay bumalik sa Campbell. I can't face her. I don't want to see her face, it brings back the memories that I buried a long time ago. The wound she left is still bleeding inside and I don't know when will it stop.

"Miss, okay lang po kayo? Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Butler Jack habang nakasilip sa'kin sa pinto ng sasakyan, hinihintay yata niyang bumaba ako. I don't have a choice, I breathe in before I step forward. I want to show her that I'm no longer the child she abandoned.

Sa aking pagbaba ay may mahigpit na yakap ang sumalubong sa'kin. "Oh my, you're a lady now." Nakatitig lang ako sa pamilyar na mukhang ilang taon ko ng hindi nakita. Ang lawak ng kaniyang ngiti hindi tulad ng karaniwan niyang ipinapakita noong bata pa ako. "I miss you my Merari."

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon