"She can't stay here."
"She's my daughter Major. Ako ang may karapatan na alagaan siya."
"Pero bakit nangyari iyon nang makita ka niya Mrs. Maureen?"
"I don't know."
"Really? Maaring maulit iyon kung mananatili siya dito kasama ka. Natrauma po siya sa nangyari kahit hindi ko alam kung bakit ganun nalang siya kumilos ng makita ka. Takot siyang may lumapit na lalake maliban sa'kin, pero mas takot siyang makita ka."
"Ako ang ina niya at kaya ko siyang alagaan, maaaring nagulat lang siya sa ginawa ko."
Nalimpungatan ako sa ingay na aking naririnig.
"Hindi mo ba naiintindihan ang nangyayari? Isa ka sa dahilan kung bakit muntik na niyang patayin ulit ang sarili niya. May nangyari sa kaniyang nakaraan at muli niya itong naalala dahil sa karanasan niya sa Swendey. Hindi siya ligtas sa pangangalaga niyo."
"No, I'm her mother and this is a family problem."
Ang boses ay napakapamilyar. Ibinuka ko ang aking mata, nilibot ko ang aking tingin hanggang sa dumapo ang mata ko sa taong nakatalikod malapit sa'kin.
"Alam mo ba na nagmakaawa siya sa'kin. She begged, ayaw niyang bumalik, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi ko siya ibinalik dito."
"Major!"
"Zaizen," tawag ko sa kaniya. He's here, finally. Lumingon siya at bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. "You're here."
"Merari," bumaling ang tingin ko sa tumawag sa'kin. Agad akong napaatras ng makilala ito.
"Zaizen!" Agad siyang nakalapit at niyakap ako.
"Merari, it's me your mother."
"Please, go away," saad ko at sumiksik kay Zazien. "Sasaktan na naman niya ako at ibebenta sa mga mangangalakal."
Naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang yakap at mahinang hinagod ang mahaba kong buhok. "Its okay, Merari. Calm down, I'm here. They won't hurt you as long as I'm here." Kapag kasama ko si Zaizen ay nararamdaman ko na ligtas ako sa kaniya, na hindi niya ako sasaktan.
Narinig ko ang pagsara ng pinto at tanging kami nalamang dalawa ang naiwan sa silid.
"Umalis na siya, so don't worry."
Mahina akong tumango. "Kailan ka dumating?" Hindi ba may trabaho pa siyang tinatapos sa Swendey, bakit nandito siya?
"Tinawagan ako ng doktor mo, kaya agad kong tinapos lahat ng trabaho ko sa Swendey at nagtungo agad dito," bakas ang pagod sa kaniyang mukha.
Sorry Zaizen.
"Pwede mo ba akong ilayo dito, o sa apartment ko nalang, I don't want to be here."
"I will, but I need your mother's consent."
"Tsk, Major ka naman, hindi mo na kailangan ng permiso ni Mrs. Maureen," nakasimangot kong saad.
Mahina siyang tumawa at ginulo na naman ang buhok ko. "Ayaw kong abusuhin ang katungkulan ko bilang sundalo. I still respect your mother even she hurt you in the past."
"Yeah whatever." Palihim ko siyang inirapan. Kung nakinig lang siya sa'kin hindi sana iyon nangyari, hindi sana ako nakita ng mga kapatid ko na muntik ko ng patayin ang sarili.
"Hey, may kasalanan ka pa sa'kin." Kunot noo ko siyang pinukulan ng tingin.
"Ano naman? Wala akong maalala," sabi ko.
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Historical FictionAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...