KINAKABAHAN akong nakaupo habang katabi si Captain sa isang bench. Tahimik, walang katao-tao sa kinaroroonan namin.
"I'm very sorry awhile ago." Tumalon ang puso ko ng bigla niyang nagsalita.
"Okay lang, dapat nga ako ang humingi ng paumanhin dahil nasigawan kita." Nagtama ang aming tingin na mas pinalala ang kabang nararamdaman ko. Ngumiti nalang ako ng maliit sa kaniya at umiwas agad ng tingin. "Akala ko hindi na tayo magkikita."
"Pero bakit ramdam kong magkikita tayong muli," may ibinulong siya na 'di ko naman marinig ng maayos. "Nga pala anong nangyari kanina at hinahanap kanila?"
Napaiwas ako sa mapanuyo niyang tingin. "Ano may nangyari lang."
"Hindi ka kikilos ng ganyan kung isang simpleng bagay lang." May nararamdaman akong okay lang na pagsabihan ko siya sa problema ko. Hindi ko naman mapagkakaila na magaan ang loob ko sa kaniya.
"I hide at the attic."
"What for?"
"Narinig ko sila tungkol sa arrange marriage para sa'kin." Mas lalo akong nahiya at napahigpit ang pagkahawak ko sa aking damit.
"Gusto mo ba?" Napasulyap ako sa kaniya at agad kong napansin ang galit sa kaniyang mukha at ang pagkuyom ng kaniyang kamay. Pansin ko ang kaniyang matang parang may sinisigaw na hindi ko mantindihan.
"Siyempre ayaw ko. This is my life, ako ang may karapatan sa buhay ko."
Naging malambot ang kaniyang tingin nang marinig ang sago ko. "That's good to hear. Kilala mo ba kung sino ang lalake?"
"I'm not interested."
"Good," mas lalong naging maaliwalas ang kaniyang mukha at hindi narin nakakuyom ang kaniyang kamay. This man is very unpredictable.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili, komportable ako kapag nandiyan siya pero kasabay nito ay parang sasabog naman ang dibdib ko sa kaba
"Kamusta na ang Campbell? Si Cole? Si Major at si Lieutenant Eli?" Sunod-sunod kong tanong. Namimiss ko na talaga ang Campbell at lalo na si Cole. Pero pagsulyap ko sa kaniya ay mukhang galit na naman siya. Naparami yata ang tanong ko.
"Hindi mo rin ba ako kakamustahin?" Napalunok ako sa kaniyang tanong at nahihiyang ngumiti.
"Sorry, Captain. Kamusta na po kayo?" Lumambot ang kaniyang tingin at mahinang tumango. Nais niya palang siya ang una kong kamustahin, tama rin naman siya iyong nandito at hindi ang tatlo.
"Naging abala kami ngayon dahil sa sunod-sunod na nangyayaring pagbobomba sa mga maliliit na bayan."
"Kung abala kayo bakit nakadalo ka ngayon?" Bigla siyang napaubo at umiwas ng tingin. "Okay lang po kayo?" Pilit kong sinisilip ang kaniyang mukha pero siya ay umiiwas.
"Okay lang ako." Umayos siya ng pagkakaupo bago iniba ang aming pinag-uusapan. "Did I told you not to call me Captain instead call me by my name."
"Hindi po kasi magandang pakinggan lalo na at isa po kayong may katungkulan sa militar."
"Hindi ba magandang pakinggan ang pangalan ko? Do you hate my name?" Mabilis akong umiling sa kaniya. Ang ganda kaya ng pangalan niya. Ang ganda kaya ng pangalan niya.
"Hindi naman po Captain, alam niyo naman po na kailangang bigyan ng respeto ang lahat na bahagi ng militar."
"Then I command you, say my name Merari. Tawagin mo ako sa pangalan ko."
"Captain!" Napaatras ako nang makita ang galit niyang mukha. Wala yata akong magagawa kundi sundin ang utos niya kung gusto ko pang mabuhay.
"Okay."
"Say my name," napalunok ako sautos niya, ang demanding naman ng sundalong ito. "Say my name Merari." Bakit ang ganda ng pangalan ko kapag binabanggit niya ito. "Say it." Baka pumangit ang kaniya kapag ako ang babanggit. Pero baka magalit na naman ito kapag hindi ko sinunod ang gusto niya.
"Zai-zen," utal at kinakabahan kong saad na napapaos pa. Ang husky tuloy ng pagkakasambit ko. Ang titig niya kasi nakakatakot parang anumang oras lalapain ako.
"Say it again." Napansin ko ang pagpipigil ng kaniyang ngiti dahil bigla nalang siyang napakagat sa ibabng bahagi ng kaniyang labi nang marinig ang sinabi ko.
"Zaizen." Nakahinga naman ako ng maluwag na mas naging normal ang pagkakasambit ko.
"Good, mas magugustuhan ko na ang pangalan ko kapag binabanggit mo ito." Kunot noo ko siyang tintigan.
"May lagnat ka ba? Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito ginagawa." Umiwas na naman siya ng tingin. Aaksyong hahawakan ko na sana ang kaniyang noo ng bigla siyang nagsalita.
"Isa ka palang Evergard." Napakaseryoso ng kaniyang mukha na halatang hindi talaga ngumingiti.
"Iyon nga eh, bago ko lang nalaman, pero hindi naman talaga kami Evergard ni Abe. Anak kami sa unang pamilya sa maternal side."
"Ang Evergard at Hemes ay matalik na magkaibigan." Napakurap-kurap ako ng ilang beses nang mahagip ko ang ang kaniyang mukha. Namamalikmata lang ba ako o totoong nakita ko ang kaniyang maliit na pagngiti.
"So pwede kong makita si Cole?" Puno ng galak kong tanong, ngunit napansin ko ang pag-iba na naman ng timpla ng kaniyang mukha, bumalik ang seryoso nito at may halong galit.
"May gusto ka ba sa kapatid kong paslit?" Pagalit niyang tanong na ikinatakot ko. Kulang nalang mapatalon ako palayo sa kaniya at ang talim pa ng kaniyang tingin.
Pilit akong ngumiti habang umiling-iling."Hindi ako pumapatol sa bata, parang kapatid ang turing ko kay Cole." Nakasimangot akong umiwas sa kaniya, ang bilis naman niyang magalit nagtanong lang ako kay Cole nagalit agad.
"Don't pout." Kinagat ko nalang ang aking labi at yumuko. Ang hirap talagang makipag-usap sa mga sundalo.
"Po?"
Hindi ko inaasahan ang kaniyang ikinilos ng bigla nalang niyang takpan gamit ang kaniyang kaliwang kamay ang aking bibig. Nagtatakang tingin ang pinukol ko sa kaniya. Hindi naman ako makapagsalita dahil dito, kahit mahina kong tinatanggal ang nakaharang niyang kamay.
"I like how you pout but if I see it again I can't stop myself but to do something that you might not like."
Gulong-gulo na nga ang isip ko dinagdagan pa ng sundalong ito. Hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi niya. Ang gulo-gulo niyang kausap.
"However, I like to do it in different way." Sa isang iglap ay ilang sentimetro nalang ang layo ng aming mukha. Pero ang mas ikinagulat ko ang paglapat ng kaniyang labi sa likod ng kaniyang kamay na nakatakip sa aking bibig. Naramdaman ko kasi ang paglapat nito, hindi man direkta pero nakakagulat at mas lalong ikinalakas ng pagkabog ng puso ko.
What the!
"Miss Merari!" Nabaling ang pansin ko sa tumawag sa aking pangalan at agad akong lumayo kay Zaizen.
"Tinatawag na ako," walang pagdadalawang-isip akong tumayo at ngumiti sa kanya. "I have to go back, thank you for saving me." Tumayo narin siya at hinarap ako, at seryoso na naman siyang nakatitig sa'kin.
"May dumi ba ako sa mukha?" Hinawakan ko ang aking pisngi.
"Wala, sinulit ko lang baka matagalan pa bago tayo muling magkita. Goodnight Merari, see you again." Tumalikod na siya at umalis. Nagtataka akong nakatanaw sa kaniya palayo sa'kin pero may nararadaman akong sakit habang papalayo siya sa aking kinatatayuan.
"See you again, Zaizen."
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Historical FictionAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...