Chapter 18: Life is a Bitch

67 3 0
                                    

Dinala niya ako sa hospital dito sa base camp, nakakapagtaka nga dahil sa mismong tent ni Zaizen ako ginagamot at hindi dito sa mismong hospital. Kahit mahina pa ang katawan ko ay pinilit ko siyang dalhin ako kung nasaan ang aking mga kasama.

"Nandito ba sila?"

Mula pa kanina ay tahimik lang siya, 'di niya sinasagot ang mga tanong ko. Nang makapasok ng tuluyan sa hospital, ay tinuro niya bigla ang ICU. Naptalon ako sa galak, maaaring nasa loob pa sila at nagpapagaling. Walang pagdadalawang-isip akong lumapit sa salamin kung saan matatanaw ang mga pasyente sa loob. Hinanap ng aking mata ang mga pamilyar na mukha, at napangiti ako ng makita si Mira at Hazel. Pero agaw pansin ang ilang tubong nakakabit sa kanilang katawan.

"Kamusta na sila?"

"They are doing great." Napalingon ako kay Zaizen na nakalapit na pala sa kinaroroonan ko. Hindi ko maiwasang mapaluha sa saya nang makitang ayos lang silang dalawa.

"The others?" Napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin. "Zaizen, where are they? Jane? Pauline?" 

Nahagip ng aking tingin ang pagkuyom ng kaniyang kamao at yumuko sa aking harapan. "I'm sorry, Merari. Nahuli kami ng dating, patay na sila nang matagpuan namin."

Parang napatigil ang mundo sa aking narinig. Ang lalamunan ko parang may nakaharang na napakahirap lumunok at nabingi habang nakatitig kay Zaizen na puno ng awang nakatingin na sa'kin. No, this is just a dream. They are not dead, uuwi kaming lahat ng sabay sa Princeton. Like what Jane told us that night.

"Makakauwi ka Mira, sisiguraduhin ko iyan,"sabi ni Jane sa kaniya,"makakauwi tayong lahat."

This is not true, I need to wake-up. I need to see Jane, her smile and laugh. I need to see all of them and share our good memories here in Swendey. I slapped myself as many as I can. I need to wake-up! This is a dream, I'm just dreaming.

"Merari, stop!" Zaizen, stop me by grabbing my hand.

"I need to wake up from this dream." Ginamit ko ang isa ko pang kamay para muling sampalin ang mukha ko, ngunit naradaman ko ang mga luhang umaagos sa aking pisngi. "I need to see them, again."

"Ikaw at ang silang dalawa lang ang nakaligtas sa gabing iyon." Naibagsak ko ang aking kamay na para bang nawalan ako ng buhay.

"That is not true!" Napasalapak ako sa sahig at humagulgol. "They are alive, we will go home altogether. Right? This is just a dream?"

"I'm sorry."

Para akong sinaksak muli ng ilang beses sa sakit na 'di ko maintindihan. Mas masakit kaysa sa natanggap kong saksak sa boss ng mga armado.

"No! No! I want to see Jane! All of them! They need to live, they are not dead!" Lumuhod na siya sa aking harapan at niyapos ako at hinagod ang aking likod, pilit akong pinapatahan.

"I'm sorry, Merari!"

"They are not dead!" Pinagsusuntok ko siya sa dibdib. "They are not! Jane!"

"Kalmado na siya pero mas mabuting hayaan muna natin siyang maproseso ang kaniyang nalaman ngayon. Maaring lumala ang kalagayan niya lalo na't nalaman na niya ang totoong nangyari sa kaniyang mga kasama.

"Thank you, Doc."

Kakagising ko lang matapos mawalan ng malay sa ICU. Tulala akong nakatingin sa kawalan habang inaalala ang maliit na panahong nakasama ko sila. Hindi ko man masyadong malapit ang iba ay naging parte na sila ng buhay ko, lalo na si Jane. Bakit nabuhay pa ako kung ganito naman ka sakit na mapag-iwanan?

Walang nagtakang nakipag-usap sa'kin. Hinayaan muna nila akong mapag-isa, kahit si Zaizen, hindi man lang siya dumalaw o kahit dumaan saglit. Palagi kong dinadalaw sina Mira at Hazel kapag my pagkakataon ako. Gabi-gabi umiiyak ako sa ilalim ng kumot. Pilit kong tinatanggap ang katotohanan, ngunit unti-unti naman akong pinapatay sa sakit at kalungkutan.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon