Chapter 29: Life and Death

66 4 0
                                    

Sumilip ako sa maliit na butas, ang estasyon ng tren ay naging tahimik na, tanging makikita lamang ay ang mga sundalong nag-aabang sa aming pag-alis. Pero nakakalat ang mga naiwang gamit namin kahit katiting na damit man lang ay pinaiwan nila.

Mas naging malakas ang pagyugyog ng tren, unti-unti akong nawawalan ng pag-asang may magliligtas pa sa aming lahat. Napayakap ako kay Abe at palihim na umiyak sa kaniyang braso.

Ngunit isang pagsabog ang gumimbal sa lahat, sunod-sunod ito kaya napayuko kaming lahat. At pagsilip kong muli sa maliit na butas ay aligaga ang mga sundalong nagtakbuhan at nagpalitan pa ng putok. May natumba pa dahil natamaan ng bala.

"Anong nangyayari?" tanong ni Mama. Takot at kaba ang makikita sa bawat isa ngunit hindi maiikubli ang pag-asa.

"Hindi ko rin po alam."

Tumigil na ang pagsabog ngunit napalitan naman ito ng putukan. Napayuko kaming lahat kahit siksikan na. Rinig ko ang malalakas na sigawan sa labas at nagkakagulo.

"Come on! Shoot them!"

"Use the bombs!"

"Sir ang rami nila!"

Mas lalong nagin maingay. Ano na ba talaga ang nangyayari?

Isang tunog ng kandado ang nakapaalerto sa lahat, at laking gulat namin nang bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa ang pamilyar na tao.

"Luke?" Naagaw naman nito ang pagtawag ko sa kaniyang pangalan.

"Merari, thank goodness you are safe." Anong ginagawa niya dito? "Listen everyone, kailangan niyong lumabas at makatakas, sumunod lang kayo sa'kin." Tumango ang lahat at nagsilabasan, isa-isa. "Bilis, konti lang ang oras natin."

"Tumatakas sila!"

"Patayin niyo nalang!" Nanlaki ang aming mata sa aming narinig at nagpalitan na ng mga putok.

"Bilis, baba na!" Nagpalitan narin ng putok si Luke sa mga kalabang papalapit.

Pero hindi pa nakakababa ang lahat kasali na ako ay gumalaw bigla ang tren ng mabilis. "Luke! Mama!" Sigaw ko sa kanilang nagulat din. Nagsitakbuhan sila at pilit hinahabol ang tren.

Napalingon ako nasa lima kaming naiwan, nagkatitigan kami. Bakas ang pangamba sa aming mga mukha. Sinilip ko ang nakabukas na pintuan. Hinahabol parin kami ni Luke. Mabilis ang takbo nito at hindi niya kakayanin pero may pag-asa pa. Napatingin ko sa ibaba, nasa patag pa na lugar ang gilid ng riles. Isa lang ang naiisip kong paraan, ang tumalon. Kung magtatagal ay baka abutin na kami sa bahagi na bangin na ang nasa ibaba.

"We have to jump," giit ko. Tumango nalang ang mga ito. Nang ako na ang tatalon ay naglakad ako sa pinakadulo na bahagi at mabilis na tumakbo papalabas sabay talon. Napaimpit ako sa sakit ng aking likuran habang nagpagulong-gulong sa damuhan.

"I hate train."

"Merari!" Napalingon ako at natanaw ang lalakeng kanina po dinadasal na iligtas kami. Pinilit kong makatayo at ininda ang sakit ng buo kong katawan, pero hindi inaasahang natumba na naman ako. 

"Zaizen!" Agad itong nakalapit sa'kin at inilalayan akong tumayo.

"That was crazy! You jump to a moving train. Saan ang masakit?" Binusisi niya ang buo kong katawan.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti at dinamba siya ng yakap. "Seeing you makes the pain goes away." He chuckles and hugs me back.

"We don't have enough time. Kailangan makapunta kayo sa ligtas na lugar."

Dumating ang grupo namin kasama si Luke, hingal na hingal sa paghabol sa tren. Nagkatinginan sila ni Zaizen na parang nag-uusap sila sa isip. Mahinang tumango si Luke sa kaniya. Nagtataka akong iniabot ni Zaizen kay Luke.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon