Chapter 17: Death Wish

81 3 0
                                    

Flashback 8 years ago

Gumapang ako palayo sa kanila, pero mas lalong silang ginanahan nang makita ang sitwasyon ko. Hinila ng isa ang aking paa at gumapang ang kamay nito. Ginaya naman ito ng kaniyang mga kasama.

"Wahh! Huwag po! Bitawan niyo po ako!" Pinagsisipa ko sila pero hindi ito naging hadlang para gawin ang kanilang nais.

"Papa!"

"Mama!"

Tinawanan lang nila ang mga sigaw ko at sinimulang tanggalin ang suot kong damit.

"Patayin niyo nalang po ako, please po. Nagmamakaawa ko sa inyo. Wakasan niyo nalang po ang buhay ko!"

Pero hindi nila ako pinakinggan, unti-unti nilang pinunit ang aking damit. Habang abala sila sa kanilang ginagawa ay dumapo ang aking tingin sa kutsilyong nakalapag sa lupa na pagmamay-ari ng isa sa mga lalakeng ito. Agad ko itong inabot at sinaksak sa pinakamalapit sa'kin.

"Ahhh!" Namilipit sa sakit ang isa nilang kasama habang nakahawak sa dibdib nito.

"Walangyang bata ka!" Sinuntok ako sa sikmura at sinampal ng ilang beses.

"Hoy anong ginagawa niyo diyan? Tumakbo na kayo bago kayo maabutan ng mga sundalong parating!"

Wala sa alas-kwatrong napatakbo ang mga ito, iniwan ang kanilang kasamang duguan at nag-aagaw buhay habang nakatitig sa'kin hanggang sa tuluyan ng malagutan ng hininga.

End of flashback.




Napakabigat ng pakiramdam ako, at napasakit ng buo kong katawan. Hindi ako makagalaw at 'di ko mabuksan ang aking mata. Pilit kong igalaw ang aking hintuturo.

"Miss Merari." 

Isang boses ang aking narinig. Nasaan ako? Bakit 'di ko mabuksan ang mata ko?

Bigla akong napatigil nang may maalala. Tanging naramdaman ko lang ay pag-agos ng aking mga luha at muling kinain ng kadiliman.




Nagising ako sa mahinang pag-uusap. Masakit parin ang buo kong katawan, parang may nakadagan sa aking napakabigat na bagay. Pinilit kong ibinuka ang aking mata, papikit-pikit pa ako ng ilang segundo dahil sa sinag ng ilaw bago naging malinaw sa'kin ang buong paligid. Nasa loob ako ng isang pamilyar na tent. Muli kong naalala ang mapait kong naranasan

"Hindi! Hindi!" Pilit kong gumalaw at gustong makaalis kung saan man ako ngayon, gusto kong mapag-isa gusto kong lumayo sa mga lalakeng tulad nila. Ayaw kong may makalapit muli sa'kin, ayaw kong maranasan uli 'yon. Bakit pa ako nabuhay?

May biglang humawak sa aking kamay, agad akong napalingon at mabilis na napalayo nang makita ang dalawang lalake. Ang pinakamalapit ang siyang humawak sa'kin. "Bitawan mo ako! Lumayo ka! Huwag po! Nagmamakaawa ako sayo, patayin mo nalang ako!" Kahit mahina ang aking katawan pilit kong sumigaw at magsalita. Ayaw kong may humawak sa'kin, ayaw kong may lumapit. Bakit buhay pa ako? Bakit hindi nalang ko natuluyan?

"Patayin mo nalang ako, please." Nakaramdam ako ng paghihina. Pero hindi ko matanggal ang kaniyang pagkakahawak.

"Lumayo kayo!" Hinila ko ang aking kamay at nagsimula akong manginig sa takot. Sasaktan nila ako at pagsasamantalahan. Mauulit at mauulit na naman. "Huwag po!" napaiyak ako, nais kong lumayo gusto kong tumakbo.

"Merari," napatitig ako sa lalakeng tumawag ng aking pangalan.

"Huwag mo akong saktan, patayin mo nalang ako!" Umatras ako sa kaniya at idinikit ang aking katawan sa headboard ng kama.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon